Chapter 13: Party Mission

156 4 0
                                    

Madilim. Mausok. Tinutupok ng apoy ang isang bahay. Mga tumatakbong tao.

Habang ako ang nasa gitna.

Umiiyak. Pilit may hinahanap. Kahit ano'ng sigaw ko, walang nakaririnig.

"Amarra go! Tumakbo ka na, please." isang babae, naaalala ko s'ya, isa s'ya sa mga kasambahay namin. "Hindi na kita masasamahan, pinangako ko sa ma magulang mo ang kaligtasan mo. Please, tumakbo ka na."

Isang yapak ang narinig namin na papalapit. Agad naalarma ang kasama ko at itinago ako sa likod n'ya. Ramdam na ramam ko ang kaba na unti-unting humihigop sa lakas ko, nararamdaman ko rin ang panginginig n'ya habang hawak ang kamay ko.

Pareho naming hindi alam kung ano'ng gagawin. Pareho kami'ng takot at nagtatapang-tapangan nalang na harapin ang lahat. 

"Amarra, makinig ka. Sa oras na sabihin ko'ng takbo, tumakbo ka. At mula ngayon, hindi na Amarra ang pangalan mo. Naiintindihan mo ba?" hindi s'ya nakatingin sa akin dahil binabantayan n'ya ang paligid kung mayroon ba'ng paparating.

Hindi ako makasagot. Sa murang edad ko hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko. Kung tama ba'ng tumakbo nga ako kapag sinabi n'yang tumakbo ako, kung tama ba'ng iwan ko s'ya dito kasi alam ko'ng hindi maganda ang mangyayari sa oras na tumakbo ako.

Pero nilingon n'ya ako. Ngumiti s'ya sa akin.

Ngunit agad napawi iyon nang makarinig kami ng isang putok ng baril. Biglang may dugo na lumabas sa bibig n'ya. Sisigaw pa sana ako kaso sumigaw s'ya.

"Tumakbo ka na! Amarra!"

Bumagsak s'ya sa harapan ko. 

At isang nakatayong imahe ng isang lalake ang nakita ko sa hindi kalayuan.

~*~

Iminulat ko ang aking mga mata nang mapagtantong nagising ang diwa ko. Isang patak naman ng luha ang kumawala nang pumikit ulit ako.

A memory.

A memory dressed like a dream.

"Okay ka na?" Biglang may pumasok na isang babae. Si Diane.

Tinitigan ko lang s'ya hanggang sa makaupo s'ya sa tabi ko. Nasa dorm na pala kami. Pero paano ako napunta dito? Kung hindi ako nagkakamali nasa discussion room ako kanina--

"What happened to you? Inuwi ka ni Ariel dito ng walang malay. Hindi kayo pwedeng pumunta sa clinic kasi wala si Nurse Joy, walang aasikaso sa'yo and he had to go." Diane stared at me intendly, maybe waiting for my response.

Pero bumuntong-hininga lang ako. I can't tell her that I'm hunted by memories. Kasi hindi naman n'ya alam na hindi ako totoong Parker. Hindi n'ya alam na ampon lang ako.

"Napagod lang." I avoided her gaze. Alam ko'ng hindi s'ya kumbinsido. First and foremost, my stamina is beyond measure, alam n'ya 'yon. Pero wala na akong ibang excuse na naisip. "I just want to rest."

"Oh, okay."

I heard her stood up and went to her bed. Ako naman, hindi na makatulog kaya nakatulala sa kawalan. Nakaharap ang likod ko sa kan'ya 'cause I'm pretending to be asleep.

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon