Chapter 10: Surprise Action

175 4 3
                                    

"You won't understand."

Lumayo siya sa akin at nagpatuloy sa pagsuntokbsa douchebag.

"Because words are not enough to explain how love moves."

Tinitigan ko siya ng mataman. I want to read his mind, his words, his actions. How I wish I'll be born like a psychic on my second life.

Nag-practice na kami, this time, speed naman ang pinagpractisan namin. I will keep on throwing daggers at him without warning as he dodge it. Kung hindi niya maiiwasan ay dalawa lang 'yan, masusugatan siya o matitigok siya.

Buti nalang at sugat lang ang natamo niya.

Dumating si Diane at may dala nanamang pagkain, as expected, napansin niya ang sugat ni Freniere.

"Zach, anong nangyari diyan? Bakit may sugat ka?"

Naglakad palapit si Diane kay Zach habang si Zach naman ay hindi siya pinansin. Ako naman, kumakain, nakatingin sa kanila na parang isang telenobela.

"Zach, gamuti--"

Biglang iwinaksi ni Zach ang kamay ni Diane palayo at sinamaan ito ng tingin.

"Don't touch me."
"Pero Zach--"
"Go mind your own business Diane!"

Kinuha ni Zach ang bag niya at naglakad palabas ng practice room.

Teka, magpapractice pa kami pagkatapos nito bakit nag-walk out 'yun? Aish! Parang babae!

Tinignan ako ni Diane kaya napailing ako.

"Alam mo Diane, bakit hindi mo nalang gawin ang gusto niya? Layuan mo siya, magmove on ka, magmahal ka ng iba." I said casually, habang si Diane ay napayuko.

"If only its as easy as how you say it."




Bumalik na kami ni Diane sa dorm, tahimik nanaman siya. Mas mabuti na ito, kesa marindi nanaman ako sa boses niya.

Finally I can get to sleep peacefully!

I came to win, to fly, to conquer, to thrive I cam to win, to survive to prosper to rise~

Agad nagmulat ang mga mata ko na kanina'y matiwasay na nakapikit at handang matulog dahil tumunog bigla ang phone ko. Tinignan ko ang phone na nasa malapit lang, bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko?

Why do I feel like, another disturbance will reck my opportunity to sleep?

Aish!

Kinuha ko nalang ang phone lalo na nung nakita kong si Aunt Summer ang tumatawag.

"Venice, tapos na ba kayong magpractice ni Zach?" Tinignan ko ang oras, malamang naman, alas nuwebe na eh.
"Why?"
"He is not answerring his calls, may meeting ang mafia ngayon and his pressence is highly required."
"And then?"
"As his guardian, can you find him and tell him to come here ASAP."
"What? Do you expect me to barge in a Boy's Dormitory in an hour before curfew?"

Hindi ako makapaniwala sa gustong ipagawa sa akin ni Aunt Summer, I am supposed to sleep and visit my dreamland!

"I expect him to be here before 11."

And then I just heard an end tone.

Guto kong mapamura nang marinig ang tunog ng phone na nagpapahiwatig na pinatayan ako ni Aunt Summer. Leshe naman kasing Zach eh!

Ugh why is he so stubborn? Why can't he just attend that freakin' meeting after he walked out of the practice awhile ago? Why do I need to hassle myself for the sake of that heartless jerk? Geez.

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon