Chapter 11

12.6K 324 3
                                    

Hellistine's POV

Umagang-umaga tinatamad akong pumasok. Makakakita na naman ako ng mga nakakairitang prof.

"Hell! Ano oras na! May balak ka pa bang pumasok!?" Rinig kong sabi ni Jessica mula sa labas ng kwarto ko.

Aish! Tamad naman akong tumayo at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Hay salamat at natapos ka na din" sabi ni Kiana

"I don't want to attend class" tamad na sabi ko at umupo sa sofa.

"Late na nga tayo ng 30 minutes" Alexa

"Basta ako kakain lang" si Tamara at may hawak na namang pagkain at lumalamon.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na mag fiance na ako. Sa tuwing naiisip ko yun, nababanas lang ako. Kung sino man siya, mamatay na sana siya.

"I already have a fiance" agad-agad na sabi ko. Wala ng preno.

"Huh?" Naguguluhan pang sabi nila

"Are you all deaf? I said i have a fiance" ulit ko

Natahimik naman sila at maya-maya lang....

"WHAT!!!?" Napatakip naman ako sa tenfa ko at napamura na lang ako

"D*mn you all!" Inis na sabi ko. Tama bang sumigaw silang lahat eh katabi ko lang naman sila?

"Pero paano?" Takang sabi ni Kiana

"Oh my gosh Hell! Ikay may fiance!? Hindi ako makapaniwala!?" Oa na sabi ni Alexa

"Di nga????" Tamara

"Bakit at paano? Sino naman ang fiance mo?" Jessica

"It's all because of dad" sabi ko at sumigaw na naman sila

"SI TITO!!????"

"Mga bwiset kayo! Pwede bang patapusin niyo muna ako bago kayo magreact!?" Pati tuloy ako napapasigaw na.

"Hehehe..." Si Alexa at Tamara samantalang si Jessica at Kiana ay nanahimik na lang.

"Si daddy ang may pakana ng lahat. Para daw sa ikalalawak ng business at ng Mafia. Siya na naman ang nagdecide, nakakabwiset na. At kung sino yung fiance ko? Well, hindi ko kilala"

"Bakit hindi mo pa kilala?" Tanong ni Tamara

"Kasi hindi ko pa nakikilala" sagot ko sa tanong niya

"Hahaha, ang gandang sagot nun" Jessica

"The engagement party will be nexth month" walang ganang sabi ko

"What? Agad-agad?" Kiana at tumango na lang ko

"Basta si Tito, hindi na talaga nagpapaligoy-ligoy" Alexa

"Oo nga, bakit kaya ganun yun?" Tamara. Bakit nga ba ganun si dad? Hindi ko na talaga siya maintindihan. For business? Tsk. I don't fvcking care about those business.

"Hay, kawawa ang magiging fiance mo" iling-iling na sabi ni Jessica

Pagkatapos ng usapan namin ay napagpasyahan na naming pumasok. Nakarinig ako ng mga bulung-bulungan patungkol kila Minzy.

"Akala ko pa naman siya na talaga si Queen"

"Ang lakas ng loob niyang magpanggap!"

"Kaya nga! Yan tuloy, kaawa-awa ang sinapit nila"

"Hmp! Bagay lang sa kanila yun!"

Kung itatanong niyo kung nasaan na sila Minzy? They are currently at the hospital right now. Pasalamat sila at binuhay ko pa sila.

I Am Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon