Chapter 15

11.6K 299 4
                                    

Hellistine's POV

Matapos nang pangyayaring yun ay hindi na natuloy yung camping namin dahil nga sa nangyari.

Baka daw may madamay pang iba kaya mas minabuti nilang umuwi na lang.

"Maglibot na lang tayo, nakakabored dito sa bahay eh" sabi ni Kiana

"Oo nga, sa mall na lang tayo!" Alexa

"Tapos ano? Ipapabitbit mo sa amin yung mga pinamili mo?" Jessica

"Hindi ah!" Angal naman ni Alexa

"Oo nga sa mall na lang tayo! Maraming pagkain dun!" Tamara

"Yung totoo Tamara, may sandamakmak na bulate ka ba diyan sa tiyan mo at hindi ka man lang mabusog-busog?" Kiana

"Ang sama mo naman sa akin!" Maktol ni Tamara

"Sinasabi ko lang ang totoo!" Kiana

"So, saan tayo?" Tanong ni Jessica

"Sa mall na lang, kasi!!!!!" Alexa at Tamara.

Gaya ng gusto nila sa mall kami nagpunta. As usual maraming tao, kailan kaya mawawalan ng tao sa mall? Kapag sarado na ganon?

"Dun tayo!" Turo ni Alexa sa isang botique at agad siyang pumasok doon.

Kung ano-ano ang mga pinamili niya at expect niyo na na madami na siyang hawak na paper bags.

Pagkalabas namin dun ay sumalubong sa amin sila Sky.

"Ui! Ang galing naman! Nandito rin kayo!" Tuwang-tuwang sabi ni Tamara at lumapit kay Brent.

"Hi Tammy!" Nakangiting sabi ni Brent

"Hello din Breny" nakangiti ding sabi ni Tamara

"Buti naisipan niyong mag-mall Sica" Liam

"Nakakabored kasi sa bahay kaya nagyaya silang mag-mall" sagot naman ni Jessica

"Mag-isip nga kayo ng magandang gawin" sabi ni Alexa

Hindi pa ba siya nasisiyahan sa paglipat-lipat niya mga stall dito sa mall?

"What if magice-skating tayo" pagkasabi ni Travis nun ay siya naman pagtingin sa akin nung apat.

"Masaya yun!" Pagsang-ayon pa ni Ken

"Pano si Hell?" Tanong ni Kiana

"Huh? Bakit? Hindi ba marunong si Hell?" Tanong naman ni Liam

"Hindi eh" Jessica

"I'll just watch" sabi ko pero yung apat na lalaki ay ngumisi naman.

"Nope, tuturuan ka na lang ni Sky, diba Sky?" Sabi nila

"Ah, yes" sabi din ni Sky at ngumisi.

Tumatanggi ako pero sa huli ay ako din ang natalo. Pagtulungan ka ba naman nila.
"Hindi mo ata alam isuot to" sabi ni Sky at tumango naman ako.

Nagulat na lang ako ng hubarin niya yung suot kong sapatos at siya ang nagsuot sa akin nung skate shoes.

Nang makapasok kami sa loob ay syempre malamig at agad akong napakapit sa kanya dahil anytime ay parang mao-out of balance ako.

"Pfftt.. Hindi ka talaga marunong" natatawa niyang sabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Isa ang pagi-ice skating sa kahinaan ko. Simula nung naaksidente ako noon dahil dito, eight years old palang ako nun. Yung tipong isang linggo akong nagtagal sa hospital dahil sa mga pilay ko. Pero matagal na yun.
Hindi pa kasi ako marunong noon pero sinubukan ko kaagad eh wala pa naman akong bantay kaya sermon ang inabot ko kay dad.

I Am Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon