Hellistine's POV
Katatapos lang ng training namin at ito sila ngayon, nakahilata na sa kama at pagod na pagod.
"Pwede na ba kaming kumain?" Tanong ni Tamara
"We still have training tomorrow" puro angal naman ang narinig ko sa kanila
"Please Hell, tama na" pagod na sabi ni Kiana
"I'm doing this in a purpose" sabi ko at lahat naman sila ay nagtinginan sa akin
"Huh?" Sila. Kailangan sabay-sabay? Ano to? Sabayang pagbigkas lang?
"Malapit na ang Black Day" lahat naman sila ay napaupo
"Oo nga no!" Sabi pa ni Alexa
Ang Black Day ang ang araw ng paglalaban-laban lahat ng gangster sa Underground at isa kami doon. At ngayon, dito sa Pilipinas gagawin yun.
Sa pagkakaalam ko, last Black Day ay sa Germany ginawa.
"Dito sa Underground sa Pilipinas gagawin?" Tanong pa ni Jessica
"Yup" sagot ko naman
"We still have three weeks to prepare" sabi ko
"Hindi naman tayo papayag na may makaagaw ng pwesto natin" sabi ni Tamara
"Right, kaya dapat mas sanayin niyo pa ang sarili niyo dahil halos dalawang taon din tayong nawala" sabi ko
"Nga pala, anong oras na oh! For sure nag-aalala na sayo si Sky" Jessica
Sky? Nasan nga pala ang lalaking yun? Tiningnan ko naman yung phone ko at holy sh*t! Ang dami niyang missed calls at mga text.
"Hala ka!" Sabi ni Alexa dahil lahat pala sila ay nakatingin din sa phone ko.
"Alam mo bang sa school palang ay walang sawa yan sa kakatanong kung nasaan ka?" Sabi pa ni Kiana
It's already 11:38 in the evening. Baka tulog na rin yun.
"Umuwi ka na nga" sabi pa ni Jessica
"Miss na miss ka na nun" nakangiti ring sabi ni Tamara
"Pinapaalis niyo ako para makapagpahinga kayo ng maayos no?" Nginitian naman nila ako ng malapad.
"Whatever"
Pagkalabas ko ng room ay narinig ko pa ang pagsabi nila ng 'Yes'. Hay, mga yun talaga.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay binuksan ko yung pinto. Buti hindi nakalock.
Pagpunta ko palang ng sala ay agad sumalubong sa akin ang tulog na Sky sa may sofa.
"Nakatulog kaya to sa paghihintay sa akin?" Wala sa sariling sabi ko
May kumot sa tabi niya kaya naman kinumutan ko siya at paalis na sana ako ng biglang may humawak sa wrist ko.
"Saan ka galing?" Tanong niya at halatang bagong gising
"Bakit hindi ka pumasok?" Sunod na tanong niya
"Actually i'm with my friends earlier, then i don't want to attend class" sagot ko sa tanong niya
"Bakit pawis na pawis ka? Anong ginawa mo?" Aish! Bakit ba ang dami niyang napapansin sa akin?
"Mainit kasi"
"I'm not satisfied" sabi pa niya at hinila ako sa tabi niya kaya naman napaupo ako.
"I miss you" siya at niyakap ako.
"Para namang hindi tayo nagkita kahapon at namiss mo agad ako"
"Wala kang magagawa dun kung namiss kita kaagad, eh sa hindi ko nakita ang taong mahal ko kanina eh"
BINABASA MO ANG
I Am Demon Queen
AcciónAlam kong masama ako. Pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin yun. Nagawa niya akong traydurin at paglaruan. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng ta-traydor sa akin ay siya pa. Kaya pala ganun siya umasta sa harap ko. May ibang kahulugan na...