Chapter 47

8.5K 211 0
                                    

Hellistine's POV

"Sky"

Agad akong napatakbo papunta sa kanya. May tumulo na ring luha sa mga mata ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong pa niya.

Pinunasan ko naman yung luha ko.

"I think you two need a privacy" sabi nila at nagsilabasan na. Kaya dalawa na lag kami ni Sky ngayon dito.

"San ka nagpunta?" Tanong pa niya

"I just visit my family" sabi ko

Umupo naman siya. Hanep din tong lalaking to. Kakagising lang tapos nakayanan na niyang umupo. Sabagay, nakalimutan kong siya nga pala si King.

"Hug ko?" Napangiti na lang ako at niyakap ko siya.

"I really miss you Sky. Ang tagal ko ng pabalik-balik dito at akala ko nga wala ka ng balak gumising"

Kumalas naman siya sa yakap at humarap siya sa akin.

"Alam mo, akala ko talaga nun ah mamamatay na ako. Pero glaldy buhay ako ngayon. Magsasama pa tayo" he kiss my lips. Smack lang.

"I miss your lips" pilyong sabi niya

"Tsk. Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" Alok ko sa kanya

Pero imbis na sagutin niya ako ay nginitian niya lang ako.

"Ano na? Ang tanong ay hindi nginingitian kundi sinasagot" kunwaring nagtatampong sabi ko

"So ayaw mo talaga? Bahala ka nga diyan" patayo na sana ako ng hilahin niya yung kamay ko

"Nagtatampo ba yung baby ko?" Siya

"........" Hindi ako sumagot. Bahala nga siya diyan.

"Ui, kumibo ka naman. Kakagising ko lang tapos ganyan ka sa akin. Dapat nga ako ang magtampo sayo dahil hindi ikaw ang una kong nakita paggising ko. Tapo----"

Hinalikan ko siya sa labi para manahimik siya. Ang daldal eh.

"Masyado kang madaldal" sabi ko sa kanya at naghanda na ako ng pagkain.

"Dapat talaga lagi akong nagdadaldal para lagi akong may halik sayo" nakikita ko siyang naka-grin ngayon.

"Tsk. Kumain ka na nga"

"Subuan mo ako. Hindi ko pa gaanong magalaw yung kamay ko eh" tinaasan ko naman siya ng kilay

"Really? Kanina nga nahila mo ako diba tapos nagawa mo pa akong yakapin at-----"

Hinila niya yung batok ko at hinalikan ako sa lips.

"Masyado ka ring madaldal" sabi niya. Aba't! Loko tong lalaking to ah!

"Huwag mo akong itulad sayo" sabi ko at nagcross-arms.

"Sige na, subuan mo na ako baby ko" malambing na sabi niya.

Wala na akong nagawa. Bakit ba hindi ko matiis ang lalaking nasa harapan ko ngayon?

"Luto mo ba to?" Tanong pa niya habang ngumunguya ng pagkain.

"Hindi, binili ko lang yan" napasimangot naman siya

"Bakit hindi mo man lang ako nilutuan?" Nakasimagot pang sabi niya

"Malay ko bang gigising ka. Tsaka pag-uwi mo na lang. Lulutuan kita ng kahit anong gusto mo" nawala naman ang lungkot sa labi niya at napalitan ng ngiti.

"Talaga?" Tanong niya at tumango ako

"Ang swerte ko talaga sayo" ngiting sabi niya

"At ang malas ko naman sayo" iling-iling na sabi ko

I Am Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon