Hellistine's POV
"Hi dad" sabi ko kay dad kahit na hindi siya gising.
Sinipag akong pumunta dito kaya andito ako. Pero sa totoo lang, nalungkot ako ng makita ko di dad sa ganitong kalagayan.
Ang tagal na rin niyang ganyan. Na maraming machine ang nakasaksak sa kanya para lang mabuhay siya.
"Hime, nandito ka pala" sabi ni Kuya na kakapasok lang
"Hindi, anino ko lang to" pamimilosopo ko pa
"Buti naman at naisipan mong pumunfa dito" sabi pa niya
"Bakit? Masama ba?" Taas-kilay kong tanong.
"Hindi naman. Akala ko kasi hindi ka na pupunta dito" sinamaan ko naman siya ng tingin
"Anong tingin mo sa akin? Na wala akong pakialam kay dad ha?"
"Oy, wala akong sinasabing ganyan" inirapan ko lang siya
"Kain ka muna" nag-abot siya ng pagkain sa akin pero tinanggihan ko lang.
"No need, may naghihintay pa sa akin sa labas" tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko
"Palusot mo. Gusto mo lang umalis eh"
"Naghihintay nga sa akin si Brian sa labas. Tawagan mo man at kapag totoo yon papayag kang bugbugin kita" sabi ko
"Sabi ko nga andyan na si Brian. Pero bakit si Brian? Bakit hindi si Sky ang kasama mo?" Tanong pa niya
"Hindi ko alam kung nasan ang lalaking yun"
Totoo naman kaya, pagkagising ko wala na siya sa tabi ko.
"Naku, baka nambabae na yun" parang bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Kuya
"Subukan niya lang at talagang malalagot siya sa akin!"
"That's my li'l sis" sabi pa niya at inakbayan ako.
"Inlove ka talaga kay Sky. I'm so proud of you"
"Alis na ko, pakibantay na lang si dad" tumango siya bago ako lumabas ng room ni dad.
Pagkalabas ko, syempre nagbow sa akin yung mga men in black/mga bodyguards ni dad.
"Nainip ka na ba?" Tanong ko kay Brian ng makarating ako sa parking lot.
"Hindi naman" sagot niya at ngumiti
"Hatid na ba kita sa inyo?" Tanong pa niya
Tiningnan ko muna yung phone ko pero wala akong natanggap na text o tawag man lang galing kay Sky. Nasan ba yung lalaking yun?
"Sige" sumakay ako sa kotse niya at nagsimula na rin siyang nagdrive.
"Kamusta naman an si Tito?" Tanong niya
Hindi kasi pinapayagan na papasukin yung ibang tao kahit pa na kakilala namin. Ewan ko sa kaartehan nila Kuya.
Kaya ayan si Brian, kahit kilalang-kilala namin ay hindi nila pinayagang sumama sa loob kaya tuloy naghintay siya dito sa labas.
"Still the same" sabi ko at nginitian niya ako
"Magiging ayos din ang lahat" tumango na lang ako
"Sana nga, magigising pa kaya si dad?"
"Oo naman, basta lagi niyo siyang alagaan at magtiwala ka lang"
Dahil wala si Sky sa bahay, nagpunta ako sa bahay namin ng Slayers at nakita ko si Brian dun na mag-isa kaya sumama na lang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
I Am Demon Queen
AksiAlam kong masama ako. Pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin yun. Nagawa niya akong traydurin at paglaruan. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng ta-traydor sa akin ay siya pa. Kaya pala ganun siya umasta sa harap ko. May ibang kahulugan na...