Third Person's POV
Lahat sila ay nagdidiwang sa kaarawan ni Sky. Pero si Sky ay nanatiling malungkot ang mukha.
"Hoy Sky! Birthday na birthday mo tapos nakasimangot ka diyan!" Sabi sa kanya ni Kenneth
"Syempre namimiss na niya yung fiance niya" sabi pa ni Travis
"Bakit kasi hindi niyo siya sinama?" Inis na sabi ni Sky
"Ayaw na kayang sumama" sabi ni Jessica
"At sino namang kasama niya? Yung g*gong Brian na yun?" Sabi ni Sky
"Pinagseselosan mo na pala yung Kuya ko" natatawang sabi ni Kiana
"Papuntahin niyo nga siya dito!" Maktol ni Sky
"Alam mo Sky, ilang beses na namin siyang kinulit pero ayaw talaga niya" sabi ni Alexa
"Oo nga" sabi rin ni Tamara
"Aish!" Napahilamos na lang si Sky sa mukha niya gamit ang kanyang palad.
Naiinis siya dahil imbis na siya ang kasama ni Helk ay ibang lalaki pa ang kasama niya.
"Mas importante ba yung lalaking yun kaysa sa akin?"
Sky's POV
Kanina pa sila nagsasaya pero ako di ko magawang maging masaya. Bwiset kasi eh!
Kanina pa ako niyaya nila mommy na makisama sa party na ginawa nila para sa akin pero ayaw ko.
"Sky! Pumunta ka na nga dito!" Sabi pa nila sa akin
"Ayaw ko" pagtanggi ko
Mabuti sana kung nandun si Hell kaso wala eh. Hindi man lang niya ako binati. Talaga bang iniinis niya ako?
Tapos malalaman kong kasama niya yung Brian na yun!? Aba letse lang!
"Aish" inis na sabi ko kahit wala man akong kausap.
Bwiset! I really missed her d*mn much! Hindi na nga siya umuuwi sa bahay namin! Tapos doon may kasama siyang ibang lalaki!?
Aish!
Hellistine's POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino yung nagtext sa akin nung isang araw. Nung time na nakita ko yung flashdrive.
Sino siya? At bakit gusto niya akong tulungan?
Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang nagring yung phone ko. Si Sky, tumatawag. Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Ewan ko din bakit.
"Why?" Cold na sabi ko para naman halatang galit pa ako sa kanya
"Nasan ka ba? Punta ka dito!"
Napangiti na naman ako. Para siyang bata na nagsasalita sa kabilang linya.
Sa totoo lang, i miss him too. Hindi nga lang halata.
"Ano namang gagawin ko diyan?"
"Wala ka ba talagang alam?" Alam kong naiinis na siya
Alam ko namang birthday niya ngayon at pagtitripan ko muna siya.
"Wala, at inistorbo mo lang ako. Bye na"
Pinatay ko na yung tawag. Kinuha ko yung susi ng kotse ko.
"San ka pupunta?" Tanong nung Trios
"Kila Sky" sagot ko at lumabas na. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
I Am Demon Queen
ActionAlam kong masama ako. Pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin yun. Nagawa niya akong traydurin at paglaruan. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng ta-traydor sa akin ay siya pa. Kaya pala ganun siya umasta sa harap ko. May ibang kahulugan na...