Bachelor 1

11.6K 124 2
                                    

Nandito ko ngayon sa paborito naming tambayan ni Lexine ang Hourly cafe. Kilala na kami ng may ari nito dahil nga sa isa kami sa regular customer nila. Sobrang sarap ng drinks nila dito saka mga sweets. Kaya nga madalas kaming nandirito simula ng madiscover namin ang cafe na to.

"oh hija mag isa ka yata. Nasan yung kaibigan mong lagi mong kasama?". Tanong ni tatay Ben sabay lapag ng inorder kong inumin. Sya ang may ari ng cafe na 'to.

"ahmm papunta pa lang po eh. Inutos nyo na lang po sana sa waiter nyo pag dadala nito". Sabi ko bago ko humigop sa inumin ko.

"wala yun batang 'to talaga. Isa pa gusto kong maki pag kwentuhan sa'yo baka madalang na tayong mag kita". Natatawang sabi nya.

"ha?. Bakit naman ho?. Mag mamigrate na baka kayo sa amerika?". Sunud-sunod kong tanong.

Hindi nyo natatanong pero yayamanin talaga 'tong si tatay Ben. Halos lahat ng anak nya nasa ibang bansa. Pano ko nalaman?. Kinuwento nya. At isa yung love life nya yung ginawa kong kwento which is bumenta ng bongga.

"hindi naman. Yung anak ko na kasi mag mamanage nito. Alam mo na tumatanda na ang tatay mo". Sabi nya sabay tawa.

"sabagay po ang tagal nyo ng minamanage tong cafe nyo. Halos hindi po yata kayo nag de-day off eh". Tatawa-tawang sabi ko.

"sinabi mo pa hija. Maiba tayo. Kamusta pag susulat mo?". Pag iiba nya ng usapan.

"ok naman po. Medyo may konting problema lang po". Pag aamin ko.

"anong problema hija?. Sabihin mo baka makatulong ako". Sabi nya sa nag aalalang tono.

"ang problema po may writers block po ako ngayon tay. Kaya hindi nyo po ako matutulungan". Sabi ko sabay buntunghininga.

"problema nga yan hija. Kaya ba kayo mag kikita ng kaibigan mo ngayon?". Tumango ako bilang sagot. "oh andyan na pala kaibigan mo eh". Sabay turo nya kay Lexine na papasok na. "pano dun na ko sa kitchen. Ayokong maistorbo ko kayo sa pag uusap". Paalam nya sabay tayo.

"sige po. Salamat po sa kwentuhan". Sabi ko sabay ngiti. Tumango lang sya. Nakita kong binati nya si Lexine na ginantihan naman ng huli.

"ano't dumating kapa?". Kunwa-kunwariang galit na tanong ko.

"'to naman sorry na friend matraffic kasi eh. Hindi na mauulit". Napansin kong unti-unti nyang kinukuha yung iniinom ko kaya pinalo ko kamay nya.

"hoy umorder ka. Late ka na nga nang aagaw kapa ng inumin". Sabay tingin ko ng masama sa kanya. Nilibre na nga lang ni tatay Ben makikihati pa sya.

"ang damot talaga. Sa inumin pa lang nakikita na ugali mo". Pabirong sabi nya. Irap lang ginanti ko sa kanya. "eto na po o-order na". Sabi nya sabay tawag sa waiter.

"ano nga pala sasabihin mo sakin friend?". Tanong ko sa kanya bago ko sinubo yung cake na nilibre nya sakin.

"di ba sabi mo sa'kin may writers block ka?". Tanong nya pabalik.

"so?. Anong connect ng writers block ko sa sasabihin mo?". Tanong ko rin sa kanya.

"may proposal kasi ako sayo friend and i'm sure makakakuha ka ng ideya sa pag susulat sa ipapagawa ko sayo". Tuwang-tuwa sabi nya habang tinataas baba yung dalawang kilay nya.

"bakit may pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan yang ideya mo?". Pag ganya kasi kilos nyang si Lexine i'm sure epic fail yung idea.

"'to naman hindi mo pa nga nalalaman nega ka kaagad. Wag ganun friend". Mailing-iling na sabi nya.

"sige nga ano yang proposal mo para may maisulat ako". Sabi ko sabay taas ko ng kanang kilay ko sa kanya.

"teka". Sabay kalkal nya sa bag nya. "nasan na ba kasi yun". Pabulong na sabi nya. "oh here". Sabay lapag nya ng picture.

"ano naman gagawin ko sa picture na to?". Sabi ko habang dinuduro yung picture na nilapag nya sa mesa. "Tingin mo kapag tinitigan ko yung picture na to mag kakaidea na ko. Jusko naman Lexine sana si Jessie McCartney na lang tinitigan ko baka sa kanya makakuha pa ko ng ideya". Histerical na sabi ko.

"chillax mag judge ka muna sabi nga ni James Reid". Tinignan ko lang sya ng masama. "ok I got it no more joke. This is my proposal friend. Hindi ko naman kasi sinabing titigan mo picture nya to get some ideas. All you have to do is stalk him". Malumanay na sabi nya.

"ano?. Nag papatawa kaba?". Napalakas yata yung boses ko napansin ko na halos lahat ng customer napatingin sa gawi namin. Kaya ngumiti ako ng alanaganin sa kanila. "friend writer ako hindi spy. Writer ok writer". Pag uulit ko sa mahinang boses.

"i know. Makinig ka friend. Kilala mo naman sya di ba?". Tumango ako bilang sagot. "kasi friend may mga nag sasabi na galit daw sa babae yang si Reyne. Meron din nag sasabi na iba-iba girlfriend kung mag palit parang damit lang nya. So i offer you na i-stalk sya. I got this feeling na nabroken hearted sya kaya ganun sya sa mga babae". Mahabang paliwanag nya.

"I got your proposal friend". Naka ngising sabi ko.

"yun!". Nagulat ako sa pag hampas nya ng lamesa. "talino mo talaga fr__".

"hep! Di pa ko tapos. Gusto mo na i-stalk ko sya para may maisulat ka sa column mo. Tama ba ko?". Pag puputol ko sa sinasabi nya.

"ahmm s-sort of". Nakangiwing pag amin nya. "sige na friend. Pretty please". Nag puppy eyes pa talaga sya.

"alam mo friend sa'ting dalawa ikaw lang makikinabang sa pag i-istalk ko sa kanya pag nangyari yun. So it's a big NO for me". Inubos ko na yung natitirang cake sa saucer ko.

"gaga hindi ah. Ayaw mo nun masusulat mo yung love story ng isang sikat na bachelor dito sa bansa natin with out asking him. All you have to do is stalk him". Pangungunbinsi nya pa sakin.

"eh bakit hindi na lang kaya ikaw yung mag i-stalk sa kanya. Ako pa talaga naisipan mong pahirapan". Irap na sabi ko sa kanya.

"naisip ko na yan friend. Kaya lang may isa pa kong scoop na gagawin naki sabay pa yung anniversary nila mommy. Sige na friend parang tulong mo na rin sakin". Pag mamakaawa nya pa.

"pano naman ako makakalapit sa kanya eh ang higpit ng security sa taong yun. Ikaw nga nadakilang chismosa walang makuhang gaanong info sa kanya ako pa kaya na hamak na writer lang".

"bunganga mo naman friend. Dakilang chismosa talaga?". Pag aapela nya. "work of nature ko yung makakuha ng kahit anong info sa subject ko at isulat yun 'no".

"tss! Yun din yun 'no. Mag palit na lang kaya tayo ng field friend". Pag bibiro ko sa kanya.

"thanks but no thanks friend. Mahal ko pa trabaho ko. Saka atleast dito sa field ko iba-ibang artista nakakasalamuha ko. Yung sayo pulos imagination". Pag iinggit nya.

"talaga lang ha. Imagination ko lang din ba yung pag sulat ko sa love story mo". Naka ngising sabi ko sa kanya.

"oo naman 'no sa kwento mo may kapornever ako. Eh sa totoong buhay kahit kaforever wala pa ko ngayon". Naka pout na sabi nya.

"naku Lexine wag ako ha. Nag hiwalay lang kayo ni Rick naging mapait kana".

"hindi ako bitter 'no. Teka nakakahalata na ko ha iniiba mo usapan. Tulungan mo na ako friend".

"sige pag iisipan ko friend. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo eh".

"kahit isang araw lang friend. Basta makakuha lang ako ng magandang scoop sa kanya. Saka sureness ako pag inistalk mo sya may kwento kanang mabubuo friend".

"I'll text you before this day end kung ano desisyon ko friend. But don't expect me to say yes". Mataman ko syang tinitigan. Bago ko ngumiti sa kanya.

Stalking The No. 1 BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon