Bachelor 11

2.5K 50 1
                                    

Nagising ako sa mga sunud-sunod na katok sa pinto ko. Kainis naman. Nandun na eh! Hahalikan na ko ni Nova naudlot pa dahil sa pag katok ni Christ.

"ano ba naman yan Christ ang ganda na ng panaginip ko eh". Reklamo ko kay sa kanya ng hindi dinidilat ang mata.

"eh ate nagising lang din ako. Si bossing kasi pinapapunta ka raw dun sa bahay nya". Napadilat ako sa sinabi ni Christ.

"sya na naman. Anong oras pa lang ah". Sabay tingin sa wall clock. "juice ko! 3 pa lang ng umaga". Sabay simangot ko.

"pumunta kana ate ayaw ko pang matigil sa pag aaral".

"at pano ka naman matitigil sa pag-aaral aber. Ang exaggerated mo". Irap kong sabi kay Christ.

"totoo ate. Sinabi kasi ni bossing dyan sa men in black nya". Turo nya sa lalaking naka tayo sa labas.

"sige na sige na bumalik kana sa kwarto mo pupunta na ko". Pag tataboy ko kay Christ. Naawa naman ako bigla sa bata.

Lagot sakin yung Reyne na yun. Ganitong bad trip ako wag talaga syang mag kakamali. Naku! Walang puso't balun-balunan talaga pati bata pinag bantaan pa. Ano kayang trip nun at isang linggo na kong maagang pinagigising at sinasama sa pag e-exercise nya.

"good morning bossing". Walang buhay kong bati sa kanya. What for eh last day ko naman na ngayon. Pasalamat pa nga sya binati ko sya.

"handle these". Inabot nya sakin yung towel saka bottle ng tubig nya. Saka tumalikod na.

Pinaikot ko yung mata ko sa inis. Ang sarap nyang batuhin ng bote. Bwiseeet!.

"what? Are you gonna stand there forever?". Iritadong sigaw nya.

"walang forever bossing!". I shouted back. I started following him.

"time first bossing. Uso mag pahinga". Sabi ko sa hinihingal na boses. Habang naka tungo. Like duh! Hindi naman ako ma-exercise na tao.

"what now are you tired following me? Or should i say tired stalking me". Nakataas ang kilay na sabi nya sakin.

Biglang nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Yung totoo may eyeballs pa ba ko sayo author? Panay laki kasi ng mata ko eh. Seriously may ilalaki pa kaya yung mata ko.

"s-stalking talaga sir?". Alam na kaya nya. "ang alam ko sinu-sundan ko lang kayo sa pag e-exercise at mag kaiba yun".

"oh! For me it's just the same". Then he shrugged. "para kang buntot na sinusundan ako". Pahabol na sabi sabay jogging ulit.

"ang yabang talaga! Naku!".

Na relief ako dun. Kala ko alam nya na. Habang pinapanood ko sya sa pag e-exercise bigla kong naalala yung lalaking nakita kong nag ja-jogged sa labas ng village na to. Tama! Si Reyne yun minus the shades. Tignan mo nga naman.

"enjoying the view?". Hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na pala sya. Shocks! Baka isipin nya gusto ko sya. No way! Loyal ako kay Nova no!.

"h-huh?! Ahmm..a-ano natulala lang nag-eenjoy agad sa view? Di ba pwedeng may iniisip lang". Bakit kailangan ko pang mag paliwanag?.

"so what are you thinking then?". He looking intently into my eyes.

"ahmm...k-kung ano lulutuin ko sa inyo bossing. Tama! Yun yung iniisip ko". Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Umatras din ako ng kaunti. Hello ang lapit nya kaya namin sa isa't isa.

"ok as you said so". He then hop in in his car.

Car?! Kaloka! Kanina pa ba dyan yung kotse na yan? Bakit di ko man lang napansin.

Stalking The No. 1 BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon