Hanggang ngayon pinag iisapan ko pa rin kung pupunta ko sa sinasabi ni Reyne na interview daw namin. Kahit naman diyosa ko may ihaya pa rin naman ako. Saka ano na lang sasabihin nila papa pag napanood nila ko sa national television. I sighed with the thought.
"ano na naman ang iniisip ng diyosa kong kaibigan?". Lexine said after he place the bowl of chips.
Nandito kasi ko sa condo nya. Inaya ko syang mag movie marathon na matagal na naming hindi nagagawa. Nakaka miss din pala yung ganito.
"i think about the interview. Iniisip ko kasi friend kung umuwi na lang kaya ako sa probinsya para matakasan ko si Reyne".
"what? Are you out of your mind? Friend mayaman ang fake boyfriend mo. Hindi lang basta mayaman. His a billionaire. Kahit nga siguro mamundok ka mahahanap at mahahanap ka nun". Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa contract namin ni Reyne.
"kasalanan mo kasi 'to eh friend. Kung hindi mo ko pinag stalk sa kanya. E,d sana hindi ako nai-stress ng ganto". Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinisi si Lexine sa araw na 'to.
"at least sumikat ka naman friend. In fairness ang ganda ng kuha sayo sa party". Pambobola nya na sinimangutan ko lang.
"wag mo na kong utuin Lexine. Hindi mo ko makukuha dyan".
"really? Tumayo ka dyan may pupuntahan tayo. Para naman magood vibes ka friend". Hinatak nya ko para makatayo.
Hindi ko alam kung nasaang lugar kami ni Lexine ngayon. Ang alam ko lang nandito kami sa isang subdi na may nag-lalakihang bahay. And one of those is the house that in front of me.
"ma'am Lexine kayo po pala pasok". She opened the gate wide para makapasok kami.
"nandyan po ba si kuya manang?". Tanong nya habang papasok kami.
Wait as far as i remember. Walang kuya si Lexine. She have sibling but it's younger than her.
"oo kanina pa. Nainip na naman siguro ang batang yun sa shooting nya kaya umuwi agad".
"si kuya talaga. Paki tawag na lang po manang paki sabi nandito ko. Thank you". The old woman nodded and smile to us. Then she go upstairs.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng bahay. May malaking picture ni Nova. Take note mga bhe walang suot na pang-itaas si Nova sa picture. Parang ang sarap kumain kulang na lang kanin. Don't tell me gay ang tinatawag ni Lexine na kuya. And he also a fan of Nova. Makiki-fc (feeling close) nga ko sa kanya para maharbat ko 'tong picture ni Nova.
"hoy! Laway mo friend tumutulo na". Wala sa sariling pinunasan ko naman ang bibig ko na ikinatawa ni Lexine. "picture pa lang yan ah friend pano pa pag nakita mo sya ngayon".
"hey 'zap couz". Napatingin kami sa lalaking nag salita.
Laki mata. Laglag panga ng makilala ko ang lalaking pababa ngayon sa hagdan. God! It's Nova. N-O-V-A! Pwede umirit? Mga 10x. Gosh! I can't believe it. Pinsan pala ni Lexine si Nova ko. Oo KO talaga. Dahil sakin lang sya. Wala man lang sinasabi ang magaling kong kaibigan.
Kung hindi pa ko siniko ni Lexine baka napasukan na ng lamok ang bunganga ko. But i doubt kung may lamok dito sa linis ba naman ng bahay ni Nova.
"what brought you here?". He asked then hug Lexine ng makalapit sya samin. Nakaka star struck pala talaga kagwapuhan nya. "oh! You're with a beautiful lady. I'm Nova". He offer a handshake.
Gusto kong sabihin na "oo alam ko crush nga kita eh. Ngayong nakita na kita mahal na yata kita".
"a-hh i'm Joemie". I said instead and accept his handshake.
Juice ko mga bhe ang lambot ng mga kamay! Halatang walang ginagawa sa bahay. Nahiya naman ako ng very very light kasi mas malambot pa yung kamay nya kesa sa kamay ko.
"ehem! Nandito ko guys".
"a-ahmm yeah. Where are we 'couz".
"syempre nandito sa bahay mo. Alangan namang nasa mall na tayo. Eh hindi pa naman tayo umaalis sa kinatatayuan natin". He just laughed at what Lexine said. He maybe just used to it.
Minsan talaga ang sarap kurutin si Lexine gamit ang tsani. Pahiyain daw ba ang my labs ko.
"wala kana talagang pag-asa pinsan". Pero ako kaya may pag-asa sa kanya?. "what brought you here anyway". He asked again.
"ah gusto ka kasing mameet and greet netong friend ko. That's why i brought her here. Saka alam mo ba na....".
"a-ahhh oo. Idol kasi kita. Pwede paselfie? Ipopost ko lang sa fb". Pag puputol ko sa sana'y sasabihin ni Lexine. Knowing her ibubuking nya ko kay Nova.
"sure. It's a pleasure. Pinsan kuhanan mo naman kami". Good thing nadala ko cellphone ko. Pumwesto ako malapit kay Nova. Yung tipong parang magkatabi lang kami. Ready na ko sa pag ngiti ng mag salita si Lexine.
"ang layo nyo naman sa isa't isa. Nov's lumapit ka kay Joemie akbayan mo. Don't worry harmless naman yang kaibigan ko". He looked at me and i just smiled to him. "good. Okay 1 2 3".
After naming mag picture ni Nova nag snack kaming tatlo at nag kwentuhan. And thanks sa pag bubuking ni Lexine nakilala ko ng very very light si Nova. Nakakatuwa sya parang hindi sya artista. Walang arte at kayabangan sa katawan. Nakaka inlove tuloy lalo.
"ayos sa pag kakangiti ah! Pasado kana sa mannequin challenge sa ayos mo friend". Tinuloy na namin ang naudlot naming movie marathon.
"hindi pa rin ako maka get over sa nangyari friend". Kinikilig pa rin ako. Isa lang masasabi ko ang bango bango ni Nova.
"it's obvious friend. Kanina mo pa tinititigan yang picture nyo eh. Baka naman hindi kana maka tulog nyan". Pang aasar nya sakin.
"ang gwapo nya kasi at bagay kami. Ikaw may kasalanan ka pa sakin ah. Hindi mo sinabing mag pinsan kayo. Kaya pala ang lakas ng loob mong gawing pang uto sakin si Nova".
"bakit nag tanong ka ba?". She smirked to me.
Bigla ko tuloy naalala si Reyne. Tanggalan ko kaya ng ngipin tong si Lexine para hindi na makangisi. Wait bakit ba iisip yung lalaking yun. I just shrugged the thought off. Tinitigan ko na lang ulit yung picture namin ni Nova para madivert ang attention ko.
"wala kanang pag-asa friend. I-upload mo na yan sa fb bago ko pa maisipang burahin yang picture nyong dalawa". Nilayo ko naman sa kanya yung cellphone ko.
Inupload ko na at ginawang profile bago pa maisipang totoohanin ni Lexine ang banta nya. Wala pang isang minuto ang dami ng nag like and comment. Bwahahaha mainggit kayong lahat dahil sakin lang si Nova.
hanash-shin:)
BINABASA MO ANG
Stalking The No. 1 Bachelor
HumorIsang romance writer si Joemie. Halos lahat ng sinusulat nyang kwento hango sa totoong buhay. Pano kung tumama sa kanya ang tinatawag na writers block?. Ano kayang mangyayari kung papatusin nya ang alok ng kaibigan na i-stalk ang number one bachelor...