Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papasok ako ng bahay. Parang nakakaramdam ako ng dark aura dito pa lang sa labas. Muli kong tinignan si Brandon. He still gave that sympathy smile. Nag kamali yata ako ng lingon dahil mas lalo lang akong kinabahan.
"what do you think you doing?". He said in a gritted teeth. Feeling ko ano mang oras tutumba ko sa uri ng tingin na ibinibigay nya sakin ngayon. Pano naman kasi tingin palang nya parang gusto nya kong patayin.
Unti-unti ang ginawa kong pag upo sa rattan na upuan ng bahay namin. "a-ahmm d-doing g-great?". Wala sa sariling sagot ko. Kaya mas lalo nya kong tinignan ng masama.
Nagulat ako sa biglaang hagis nya ng cellphone sa gilid ko. Oh my God! Sayang yung i-phone pero buti na lang may sapin na foam yung upuan "you got the guts to answer me that huh!". He smirked pero masama pa rin ang tingin sakin. "you skipped my guard just to see that a**h*le and you have the guts to post a picture with Nova. What do you think the media write about it? Iniisip mo ba magiging out come nito sakin?". So its all about his image. Ano pa nga ba dapat kong isipin? Natural sarili nya lang iniisip nya.
"teka lang ha! First of all nandito ka sa bahay ko. So you don't have the rights to shout on me. Second ano bang picture yang sinasabi mo?". Masyado nya ng sinagad pasensya ko. Nawala na rin kaba ko dahil sa inis ko sa kanya.
"why don't you see for your self". Turo nya sa cellphone na ibinato nya sa gilid ko. Agad ko naman 'tong kinuha at tinignan yung picture na sinasabi nya. It's a picture na in-upload ko nung first time na sinama ako ni Lexine sa bahay ni Nova (remember sa bachelor 14).
"you know matagal na yung picture na yun. That was happened before the interview. Eh ano naman kung ginawa kong profile it's not a big issue anyway". I said the mere fact.
"the hell! You didn't get it don't you". Galit pa rin na sabi nya. "the media start bugging me these morning. They keep telling me bakit hindi ako ang kasama mo sa picture bakit si Nova? Now tell me kung ano pwede nilang isulat about that? Syempre the media possibly write that you cheat on me with Nova". He now arched his eyebrow. Okay hindi ko naisip yun. Eh kasi naman diba super fan ako ni Nova at first time kong makita si Nova nun kaya naexcite ako.
"o-okay sorry. Hindi naisip yun". I apologized. "saka balak ko naman talagang palitan na yun eh nakalimutan ko lang dahil busy ako sa pag susulat". Half lie na sabi ko. Well totoo namang busy talaga ako sa pag susulat. Nakita kong medyo lumambot expression nya.
"isa pa yan. How many times i repeat my self to you. You will never go to that publishing as long as you are in my contract. Talagang nag kunwari ka pang may lagnat just to see that a**h*le". Galit na naman po sya. May split personality ba 'tong taong 'to.
"boss ko yun okay. Saka hindi ko naman pwedeng sundin lahat ng gusto mo 'no. May buhay pa rin naman ako". Irap na sabi ko sa kanya.
"boss his a**. Why are you ready to rot in jail? Do you have one million cash?". Umiling ako. "that's it just obey me and we don't have any problem". Akala ko aalis na sya pero bumalik sya at tumapat sakin. "and more thing your being mine the day you signed my contract". With that walang lingon-lingon na umalis sya. Putcha! Kala ko naman hahalikan nya ko. Kung makapag wala naman 'tong si heart evangelista wagas!
I sighed deeply. "urghh! Kainis akala mo kung sino! Bwisit!". Frustrated na sigaw ko. As if he hear me. "ouch!". Tuluyan na kong naiyak hindi sa galit kundi dahil sa sakit ng paa ko. Syempre ikaw ba naman masipa mo yung upuan hindi ka masasaktan. Huhuhuhu! Natigil ako sa pag iyak ng mag ring ang phone ko.
"hello". Sabay singhot.
"umiiyak ka ba friend?". Nag aalalang sabi ni Lexine.
"h-hindi friend. Sinisipon kasi ako". Bumahing pa ko kunwari para effective. Ayoko ngang sabihin kay Lexine na masakit paa ko dahil nasipa ko yung upuan sa inis. I'm sure pag tatawanan nya lang ako. "bakit napatawag ka?".
"ah yes! I just want to invite you sa party nila Kuya Nova bukas friend". Excited na sabi nya.
"talaga friend? Anong oras friend? Saka para saan ang party?". Sunud-sunod na tanong ko. Biglang nag lahong parang bula ang galit ko ng narinig ko yun.
"hindi ka naman excited nyan 'no friend?". Natatawang sabi nya sa kabilang linya. "its a welcome party for tita Nory. She's kuya Nova's mother. The party start at 8:00 p.m.. I'll fetch you at 7:00. 'kay friend".
"eh teka friend hindi ba parang nakakahiya naman yun". Alam nyo na hindi naman ako kamag-anak o friend ni Nova. Mas lalong hindi nya pa ko girlfriend kasi hindi ko pa naman sya sinasagot. Charaught!
"ano ka ba hindi 'no kaibigan kita. Saka kahit naman ilan o sino i-invite ko i'm sure tita Nory don't mind. Mabait yun friend promise".
"okay tomorrow at 7:00". I smiled as if she's in front of me.
"okay. Take your rest friend. Mag beauty rest kang maigi para sa prince charming mo". She teased before ended the call. Tumayo na ko para sana pumunta ng kusina ng mag-beeped na naman ang phone ko. It's message came from the devil saying:
"don't you dare na takasan ulit ang mga tauhan ko kundi patay ka sakin"
"ewan ko sayong tukmol ka". Sabay irap na parang nakikita nya ko. Hindi nya ko mapipigilan sa pag-punta sa party bukas 'no kahit pabebe sya! By hooked or by crooked pupunta ko! Fighting! Insert excited here!
Yan lang po muna
Thanks for reading:)
hanash-shin:)
BINABASA MO ANG
Stalking The No. 1 Bachelor
HumorIsang romance writer si Joemie. Halos lahat ng sinusulat nyang kwento hango sa totoong buhay. Pano kung tumama sa kanya ang tinatawag na writers block?. Ano kayang mangyayari kung papatusin nya ang alok ng kaibigan na i-stalk ang number one bachelor...