*twenty six*(Bestfriend slash TRAITOR)

5K 206 2
                                    

Umiiyak ako habang nag lalakad patungo sa bahay ni sydney.

Doon muna ako makikitira kayla bespren kasi itinakwil na din ako nila mommy dahil isa daw akong malaking kahihiyan sa pamilya namin.

Siyempre sobrang sakit nun dahil sarili mo nang pamilya ang tumakwil sa iyo diba?

Bakit ba kasi nangyari sa akin ang lahat ito?

Nagkayayaan lang naman kami nila sydney na uminom ng gabing yun para mag saya pero bakit nauwi sa ganito?

Nauwi sa sakitan at luhaan ang nangyari sa amin.

Natigil ako sa pag iisip ng makarating na ako sa bahay ni sydney.

Hindi na ako nag doorbell dahil meron naman akong duplicate sa bahay nila.

*click*

Bat ang tahimik ng buong bahay nila sydney?

Tahimik din akong pumasok sa bahay nila sydney para sana sopresahin siya.

Nakapasok na ako sa bahay nila sydney pero hindi ko parin siya nakikita.

Alam ko na!

Nasa garden lang nila ang isa na yun dahil doon ang favorite spot niya dito sa bahay nila.

Garden.

Nandito na ako sa garden at hinanap si sydney.

Baka nandun yun sa Bestfriend Tree Namin.
Dun kasi naka-ukit ang pangalan naming tatlo ni cailey,ako at siya.

At tama nga ako dahil nandun.............sila...?

Si cailey at sydney pala ang magkasama.

Gugulatin ko na sana sila pero biglang nag salita si sydney.

"Gusto ko nang itigil ang plano natin"-panimula ni sydney.

Plano?

Dahil nga curious ako kaya hindi muna ako nag salita

"Pero magagalit siya"-sabi naman ni cailey.

"Masasaktan siya cailey"-malungkot na sambit ni sydney.

"Hayst.wala tayong magagawa sydney....kailangan nating gawin ito"-sabi ni cailey.

Dahil nga sa hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya mag sasalita na sana ako kaso nag salita ulit si sydney na ikinabigla ko.

"Siguradong magagalit sa atin si jessica dahil may kinalaman tayo sa nangyayari ngayon sa buhay niya"-sydney.

"Mag ingat na lang tayo para hindi siya mag duda sa atin"-cailey.

Napako naman ako sa kinakatayuan ko at para namang umurong ang dila ko.

So all this time ay may kinalaman sila sa nangyari?

Mag mumukha lang pala akong tanga kung sakaling kinausap ko si sydney na dito ako makikitira sa kanila at kung sakaling mang hihingi ako nang advice kay cailey.

Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang pag hikbi ko.

Tahimik akong umalis ng bahay ni sydney at tumakbo sa isang park at duon umiyak ng umiyak.

.......

Ang saklap ng buhay ni jess.

Wag kang susuko jessica☺️

Vote and comment.

417 words.

My Husband Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon