*twenty seven*(COME WITH ME)

5.2K 194 1
                                    

Iyak lang ako nang iyak sa park.

Parang hindi ako maubusan ng luha dahil sa kakaiyak ko.

Bigla namang may nag lahad ng panyo sa harapan ko kaya tiningnan ko kung sino ito.

"V..........."-mahinang sabi ko sa kanya.

Pinunasan naman niya ang mga luha sa mukha ko.

Ngayon ko lang na-realize na guwapo pala talaga si v lalo na sa malapitan.

"Alam kong guwapo ako kaya wag mo na akong matitigan ng ganyan"-sabi niya at tumawa ng malakas kaya naman napatawa na lang din ako.

"Ang hangin naman dito"-sabi ko at kunyaring tinatangay ng hangin.

Tumawa naman siya sa ginawa ko.

Tawa lang kami ng tawa sa mga pinag-gagagawa namin minsan nga ay pinag-titinginan na kami ng mga tao sa park e.

Ang alien kasi nitong ni v e!

Fast forward....

Nag lalakad na kami ngayon ni v papunta ng bahay niya doon muna kasi ako makikituloy.

Iniwan kasi ni v yung kotse niya at sabi niya pa ay tumakbo lang siya galing sa bahay niya papuntang park.

Exercise niya daw e!

May hapon na palang exercise hahahahaha!!

"Nandito na tayo sa bahay ko"-sabi niya at hinila ako papasok.

😍 yan ang mukha ko nang makapasok kami sa bahay ni v.

Ang ganda naman pala dito.

May malaking swimming pool.
May cottage pa.

Sa garden naman ay maganda din.
May tanim siyang iba't ibang uri ng bulaklak at halaman.
At may malaking fountain pa ito sa gitna.

Sa bahay naman ay wala akong masabi dahil sa sobrang ganda.

Hanggang 4th floor ang bahay ni v kaya may elevator siya sa bahay niya.
Yaman e.

Glass wall ang mga pader ng bahay niya kaya kitang kita ko ang labas.

Malinis din ang buong bahay kaya magandang tingnan.

"Maganda ba?"-biglang tanong ni v sa akin

Lumingon naman ako sa kanya.

"Oo,bahay mo ba ito?"-tanong ko

"Bahay NATIN jessica"-sabi niya sa akin at diniinan talaga ang pagkakasabi ng NATIN.

Pero natin?

"Huh?"-nagtatakang sabi ko

"Look jess,alam ko ang nangyayari sa inyo ngayon ni jk.
Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo ngayon kaya nandito ako para tulungan kang bumangon.
Come with me jessica"-sabi niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko.

Sasama ba ako sa kanya?

Tama ba ang gagawin ko kung sakaling sumama ako sa kanya?
Pero kaibigan siya ni jk hindi ba pangit tingnan iyon?

Hayst.nakapag-desisyon na ako.

"Ok"-sabi ko sa kanya at ngumiti.

........

Ano kayang mangyayari kayla V and Jessica?

Vote and comment.

423 words.

My Husband Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon