Hindi ikaw ang tipo kong lalaki

8 0 0
                                    

Dedicated to JhingBautista

"Ang puso kong matagal ng tahimik, minsan ay tumibok. Hindi ko alam kung alam mo, ang unang tibok nito ay para sayo ...

Magandang lalaki ka naman, inaamin ko. Mukang marungis nga lang. Pero noon, ay inis na inis ako sayo. Lalo na sa tuwing inaalaska mo ko. Pero bigla-bigla na lang ako ay parang na blanko, na sa tuwing tinatawag mo ko sa pangalang ayaw ko, tila ba gumaganda ito sa pandinig ko.

Napansin ko parang iba na ito. Hinahanap hanap ko na ang presensya mo, tuwing may bago akong panonoorin. Ang mga luto mong halatang pabor para sa akin. Ngunit sa isip ko nakababatang kapatid lang ang turing mo sa akin. Pero nung inaya mo ko mamundok, tila ba nabigyan ng pagasa ang puso kong tumibok. Ngunit ng sa iyo na mismo nanggaling Hindi ako ang tipo mong babae, halos di ko kayang pigilin, sisihin ang sarili kung bakit pa nakinig. Umasang kahit papano ikaw ay may pagtingin din.

Kaya ng gabi sa bundok, ako ay nagtaka ng awitin mo ang isa sa paborito kong kanta, hindi man ito naiintindihan ng iba. Salamat pa din at nag abala ka. Nang gabi ding iyon pakiramdam ko ako ay nasa magandang panaginip, Naramdaman ko ang init ng yakap mo kahit masikip. Ngunit ng mag umaga tila ba nag iba, pinilit kong sumama sa iba baka sakaling mapansin mo diba.

Pero nag kamali ako, akala ko pipigilan mo ko. Ngunit ikaw mismo ang nagtulak sakin sa iba, gusto ko lang gumawa ka ng hakbang kala mo ba. Labis akong nasaktan ng hindi ka na nagparamdam pero nais ko parin malaman mo...

Na kahit muka kang marungis, mabango ka pa rin kahit anong bihis.

Na kahit lagi mo kong iniinis, hindi parin kita matiis.

Na kahit subukan kong tumingin sa iba, ikaw parin ang tangi kong nakikita.

Na kahit hindi ikaw ang una kong halik, ikaw parin ang pipiliin kong makatalik.

Na kahit sinaktan mo ko ng pinili mong layuoan ako kesa ipaglaban ako sa pamilya at kaibigan ko, bumalik ka naman para patunayang mahal mo ko.

Na kahit masakit ang mga pinagdaan natin pinili mo pa rin kumapit.

Na kahit hindi ikaw ang tipo kong lalaki at hindi ako ang tipo mong babae, pareho tayong nahulog ng walang pasabe.

Na kahit na sabihin nila na hindi ka pa nagseseryoso, sana sa akin ay umpisahan mo.

Ngayon masasabi ko na, na ang isinulat kong kwento na ikaw ang bida at ako ang iyong kapareha ay tapos na.

At ang mga imahinasyon ko noon na ikaw ang kasama, ngayon ay katabi na sa kama. "

-Janey

SaudadeWhere stories live. Discover now