Kung maaari lang sana
Na sa tuwi-tuwina
Ika'y aking makasama.Hinihiling na sa iyong mga mata
Ako'y iyong makita
Kahit saglit lamang sinta.Ang iyong malamyos na tinig
Sana ay aking marinig
Sambitin na ako rin ay iyong iniibig.At ang iyong mga ngiti
Na nagpapalambot ng aking mga binti
Tila ba pinapawi ang aking pighati.Tuwing tayo ay magkausap
Ako'y napapasinghap
Tila ba ako'y nasa alapaap.At kapag hindi ka nakikita
Ang muka ay di maipinta
Para bang semana santa.Nais ko lang naman sabihin
Na sana iyong mapansin
Ang aking damdamin.Na kahit hindi man aminin
Di ko kayang hindi isipin
Na sana'y ikaw rin ay may pagtingin.Nakakainis lang isiping
Kaibigan lang ang iyong turing!
Sinong di maprapraning?!Hahaha. Tama na, tama na
Siguro, ang aking mga salita ay sapat na
Para masabing mahal nga kitang talaga, kahit na nakakaimbyerna. 😆
YOU ARE READING
Saudade
RandomThe feelings I can't say out loud I wonder if words can bring it to cloud Turn it into rain And pour all the pain.