Karoling

279 3 0
  • Dedicated kay Laila Solero
                                    

Minsan, ang panliligaw o paghihintay sa taong mahal natin ay parang pangangaroling. 

Isa na ang pangangaroling sa mga nakagisnang gawain ng mga kabataang Pilipino sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Tipong hindi mo masasabing kumpleto ang childhood mo kung hindi mo naranasang gumawa ng tambol gamit ang lumang lata ng nidoat plastik labo. O kaya ng tambourine gamit ang mga pinitpit na tansan ng mga softdrinks na naibenta sa tindahan ng iyong lola. 

At dahil uso ang kaharutan, este pag-ibig ngayon, ikokonek ko na rin ang pangangaroling sa pagmamahal. 

Wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na ang may-ari ng bahay na kinantahan mo ng “SAMING bahay ang aming bati” na dapat naman talaga eh “sa MAY bahay, ang aming bati” ng barya kapalit ng iyong pagkanta. Wala na yatang mas sasarap pa kung mahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Na masuklian niya, hindi man kapantay o sobra pa, ang efforts na ibinibigay mo. 

May mga pagkakataon namang hindi ka pa nangangalahati sa pagkanta eh lalabas na ang may-ari ng bahay at sasabihin ang “patatawarin.” Nakakalungkot man, atleast, hindi ka na niya pinahirapan. Hindi na niya pinatagal pa at tinapat ka na niyang hindi niya kayang suklian kung ano man ang inialay mo sa kanya. At ang mahalaga dun, napansin niya kahit papaano ang efforts na ginawa mo. 

Pero naranasan niyo na ba yung bukas yung ilaw ng bahay at naririnig mo yung palitan ng linya ng mga bida sa teleserye mula sa telebisyon sa loob, nakasampung kanta ka na rin pero wala pa ring lumalabas? Yun bang nilakas mo na boses mo, halos maputol na jugular vein mo pero wala ka man lang narinig kahit bulong na “patatawarin, sa pasko na lang.” Akala mo may tao kasi bukas yung ilaw. Akala mo mahal ka rin niya dahil sa mga ikinilos niya. Pero hindi man lang niya nagawang magpakita. At ikaw? Naiwan kang NGANGA at UMAASA. Umaasa kahit sa konting barya galing sa kanya pero wala talaga. Napagod ka na nga, wala ka pang napala. Hala, sige, lipat sa ibang bahay. 

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon