ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)

435 2 0
  • Dedicated kay Lianne Joy Mallari
                                    

Tamad akong author. Tanggap ko na yun. At humihingi ako ng dispensa sa lahat ng readers kong nabitin at nabwisit sakin. Nabitin sa mga kwentong sinimulan ko pero hindi naman natapos. Nabwisit kasi sandali ko lang silang pinakilig tapos iniwan ko rin sa ere. (Aww. Alam ko pong masakit yun.)

Magaling akong magpakilig, oo. Pero ayoko ng panay ganun lang. Dahil sa buhay, hindi naman minu-minuto kinikilig ka lang. Aba'y baka madehydrate ka na kakaihi dahil sa sobrang kilig dahil sa ganun. Ayoko rin ng panay pantasya. Ayoko ng pinupuno ang storya ng mga bagay na malayo naman sa realidad ng buhay. Mga character na sobrang ggwapo at gaganda. Mayayaman. May magagarang kotse at malalaking bahay. Nakakaalis ng eskwelahan kung kelan nila gusto. Di ako hater. Pero hindi rin ako fan ng mga ganitong kwento.

Kaya eto. Eto na lang siguro ang gagawin ko. Iba't-ibang kwento tungkol sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Mga kwentong totoo. Mga kwentong puno ng payo. Mga kwentong makakarelate kahit sino basta tao. Merong malalim, na kailangan mo pa talaga sisirin ang kaibuturan ng iyong isipan at damdamin. Meron din namang mababaw na nagiging korni at palasak na dahil sa sobrang babaw.

Hindi ko alam kung may patutunguhan 'to. Basta gusto kong magsulat ng kwento. Madalas mang sa labanan ng katamaran eh ako ang natatalo, gusto ko pa ring ibahagi sa iba kung anong laman ng utak ko.

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon