Keso at Spaghetti

227 1 0
  • Dedicated kay Micah Rosita
                                    

Kapag ganitong magpapasko, maliban sa hamon, hindi mawawala sa hapag ng mga Pilipino ang spaghetti para sa Noche Buena. 

Bryan: "Ma, ang bango naman niyang niluluto mo. Ano yan? Spaghetti?" 

Brent: "Hindi. Pansit talaga yan. Pinalitan lang ng ketchup yung toyo tapos ng hotdog yung repolyo."

Bryan: "../.." 

Brent: "Ayy. Ma. Nakita mo yun Ma? Pinakyuhan ako Ma. Nako. Kung ako yan pinapalo ko na sa pwet yan."

Patuloy na nag-asaran ang dalawa. "Hay nako. Magsitigil nga kayo. Bisperas ng Pasko para kayong aso't pusa. Tawagin mo na lang yung tatay mo Bryan at kakain na kamo." 

Puno ng pagkain ang lamesa. May mga iba't-ibang prutas na pare-parehas bilugan ang hugis. May fruit salad, tinapay na kung tawagin ay tast, yung nabibili dyan sa may kanto. Meron ding hamon at lechon manok. At syempre ang panulak na nagbibigay saya sa hapag, open coke, open happiness. 

Matapos magdasal ay sinimulan na nila ang pagkain. Napansin ng ina na parang malungkot yata ang isa niyang anak. 

"O, Brent. Ba't sambakol yang mukha mo? Masarap naman luto ko ah?" 

"Ma, hindi pa nga ako kumakain oh. Bakit ko naman ikasisimangot yung lasa ng luto mo Ma?" 

"Ay linsyak na bata 'to, oo. Pati ba naman ako tinatabla mo? O, e bakit ka nga nakasimangot?" 

"Kasi ma.. SMP na naman ako." Nagkunwari pang umiiyak ang mokong. 

"SMP? Ano na namang pauso yun?" 

"SMP. Short for: Samahan ng Malalamig ang Pasko." singit ni Bryan sa usapan. 

"O, e talaga namang malamig kapag Pasko ah? Anong sinisimangot mo dyan?" kunot noong tanong ng nanay niya. 

"God, Ma. Ang tanda mo na hindi ka pa rin makagets ng symbolism? Nag-elementary ka ba Ma? Yung totoo? Ibig sabihin lang nun, walang magpapainit ng pasko niya. Walang nagpapal*bog este nagmamahal sa kanya at wala rin siyang mamahalin pabalik. In short, single siya. Single!" 

"Hoy, ikaw na bata ka. Tigil tigilan mo nga yang pag-ikot ng mga mata mo at pagpilantik ng daliri mo. At tsaka wag niyo ngang kakausapin ng ganyan nanay niyo. Baka mahawa yan eh gamitin pa sakin yang mga ganyan. Kumain na nga lang kayo." Singit ng tatay niyang bihirang magsalita pero pag nagsermon ay malalim. 

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon