Brand Names

77 1 0
                                    

"ANO?! BINASTED MO?!" reaksyon ni Gela. 

"Sabi ko na nga ba dyan din pupunta yan eh. Dali ka kasi ng dali." singit ni Joy. Ang dakilang kontra. 

"Bakit mo ba kasi binasted? Ano nangyari? Sayang naman." panghihinayang ni Kath. 

"Hindi siya ang gusto ko." 

"Kasi si ano pa rin yung gusto mo?" seryosong pagkakatanong ni Lala. 

"Loka-loka ka talaga eh no?" *sabay batok* "Ginawa na nga niya lahat para sa'yo. Hatid, sundo. Sinasamahan ka sa ganito ganyan. Nasa kanya naman lahat ng hinahanap mo. Matalino, mabait, responsable, gwapo. Tanga ka lang ba talaga o tatawag na ako ng psychologists? Ha?!" paghihimutok ni Lindsay. 

"Oo nga. Walang panama yung isa dun. Gwapo lang yun." pagsang-ayon ni Juan. 

"Hindi niyo ko naiintindihan. Hindi ko lang talaga siya gusto. At kung ipipilit ko, parehas lang kaming mahihirapan. Naranasan niyo na naman siguro yun. Yung gawin ang hindi niyo gusto. Mahirap na, hindi ka pa masaya." 

"Para kang binigyan ng Iphone tapos bumili ka ng Cherry Mobile." 

"Para kang niyayang kumaen sa Max's pero nagrequest ka ng Jollibee." 

"Para kang niregaluhan ng bench&bath pero ginagamit mo pa rin yung bimpong tigsasampung piso." 

"In short, mas pinipili mo yung mababa ang quality. Yung wala kang mapapala!" 

Isa-isa silang nagsalita. Yung parang nangyayari sa pelikula. Putol-putol yung linya at nakatalaga yun sa bawat bida tapos isa-isa silang tatapatan ng camera. 

At biglang malilipat sa tauhang sinesermunan ng lahat. Ako. 

Nakatingin sila sakin. Naghihintay ng paliwanag. Paliwanag na makakalusot o makakabwisit sa kanila. Itong mga taong nasa harapan ko, sila ang pinakamatatalik na kaibigan ko. Alam kong hindi gusto lang nila akong sumaya kasama ang taong makakagawa noon para sakin. Pero hindi nila ako naiintindihan. Kaya, eto na..

"Hayy.." isang malalim na buntong hininga. "Oo, mamahalin at maganda ang features ng Iphone. Pero may komportable ako sa mumurahing cherry mobile. Oo, sosyal ang Max's pero mas nabubusog ako sa pang masang Jollibee. Oo, uso ang bench&bath pero mas nasisipsip ng bimpong tigsasampung piso ang pawis ko. Oo, gwapo lang siya, hindi siya ideal man, at wala na siyang pakielam sa akin ngayon. Pero siya pa rin ang gusto ko kasi siya lang ang nakapagpasaya sa akin ng ganoon. Naiintindihan niyo na ba ako? May kanya-kanya naman tayong panlasa at gusto. Hindi lahat pinipili yung uso at mahal. Hindi lahat nagkakagusto sa taong kagusto-gusto." 

"Tara, Festi tayo." yaya ni Kaye. 

_ _ _

Hi. Once a month na lang ata ako magupdate. Partida di pa pasuka. Hahahaha. Sorry guys. Hope you understand that I'm that lazy. 

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon