Playlist

116 1 2
  • Dedicated kay James Matilla
                                    

♪You look so perfect standing there

In my American Apparel underwear  

And I know now, that I'm so down

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrowed heart

And I know now, that I'm so down ♪ 

Kasalukuyan ako ngayong nakanganga sa harap ng TV dahil sa ganda ng kantang pinapakinggan ko. Hinintay ko talaga itong matapos at makita kung anong title at kung sino ang kumanta. Desidido akong ma-download ito kaagad at mailagay sa playlist ng phone ko. 

Maliban sa pagsusulat at pagbabasa, hilig ko rin ang paghahanap ng bagong kantang mapapakinggan. Sino ba naman ang aayaw sa soundtrip di ba? Sinasadya man o hindi, araw-araw tayong nakakarinig ng musika. Musikang nakakaapekto kung magiging maganda o pangit ba ang araw mo. Kung mae-LSS ka ba o maririndi. Kung malulungkot ka ba o mapapangiti. 

"She Looks So Perfect by 5 Seconds of Summer" ang i-tinype ko sa search bar ng YouTube. 

Pinlay ko ulit habang nagddownload. Pasensya na. Na love at first heard ako. (Oo na, pangit nung term) 

"Error: Not enough memory. Delete some items or cancel download." Ay siyet na malagkit. Eto pa man din pinakaayaw ko. Magbura. 

Nagbrowse ako. Ang hirap. Pakiramdam ko kasi lahat ng kanta sa playlist ko mahalaga. Kahit naman hindi lahat sila napapakinggan ko palagi. Yung iba nga limot ko ng nasa playlist ko pala. 

Napag-isip isip ko lang, para rin pala 'tong buhay ng  tao. Yung playlist ang buhay at yung mga kanta naman ang mga taong nakasalamuha natin. 


May mga kantang kahit ilang taon nang nasa listahan mo eh di mo pa rin tinatanggal. Mga kantang kahit panahon pa ni Mahoma eh hindi pa rin inaamag kasi lagi mong pinapakinggan. Eto yung tipo ng mga kantang talagang nakakarelate ka. Bawat liriko, bawat tono para bang sumasabay sa takbo ng utak mo't sinasabi ang nilalaman nito. Mga kantang pinakikinggan mo kung masaya ka. Mga kantang nakakaramay mo pag nagsesenti ka. All-time favorite ika-nga. Kaya naman hinding-hindi mo sila mabubura. 

May mga kanta namang minsan lang nanatili sa playlist mo. Nilagay mo lang kasi dahil bago, nasa uso pero hindi mo naman talaga ganoon kagusto. Kaya sa paglipas ng panahon, tatanggalin mo rin sila sa playlist mo. 

May mga kanta namang kahit kelan eh hindi mo naisipang ilagay sa playlist mo dahil nasisira lang ang mood mo kapag naririnig mo ang mga ito. Tipong intro pa lang marinig mo, sira na araw mo. 

May mga kanta namang minsan kang napasaya ng sobra noon pero nakalimutan mo na dahil natabunan na ng mga bagong kanta. Mga kantang nasa playlist mo pa pala ng hindi mo namamalayan. Mga kantang naghihintay lang na pakinggan mo ulit at mapasaya kang muli. 

May mga kantang binura mo noon at nang marinig mo ngayon eh gusto mo na ulit ibalik sa playlist mo. Yung iba, pwede mo pang maibalik. Yung iba, hindi na dahil sa napakaraming kadahilanan. 

May mga kanta ring inakala mong magugustuhan mo kaya kahit hindi mo pa nararating yung chorus eh dinownload mo na at inilagay sa playlist mo. Yun pala, hindi ganun kaganda ang nasabing kanta. 

May mga kanta ring kapag naririnig mo noon ay natutuwa ka dahil may maganda kang naaalala. Pero ngayon, napapasenti ka dahil alam mong mga magagandang ala-ala at mananatili na lang ala-ala. Mga kantang kahit ayaw mo ng pakinggan ay hindi mo pa rin mabura. Binabalikan pa minsan minsan kapag trip mong magsenti at maglaslas ng pulso. 

At ngayong may napakinggan kang bagong kanta, hindi mo alam kung paano siya ilalagay sa playlist mo dahil hindi na kakasya. Bakit hindi mo subukang bitawan yung mga kanta ng nakaraan at magpapasok ng mga bagong maaaring makapagbigay sa'yo ng higit pang mas magagandang ala-ala? 

_ _ _

Hindi mo nagets? Read between the lines. 

Thank you sa lahat ng readers! :* ♥ 

Sorry sa matagal na update. Bare with my laziness. :(( 

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon