DOTA

215 2 6
  • Dedicated kay Jeff Aldrine
                                    

TeeeJeeeey ♥ _dungcae

"MAGDODOTA NA LANG AKO :) BAKA SAKALING MAHALIN PA KO :)"

Christmas vacation. Wala akong magawa. Buong maghapon akong nasa harap ng PC. Ng biglang makita ko yung tweet na 'to. 

Wala akong galit sa Dota. Kasi kahit ako, sinisikap kong matutunan ang larong 'to. Pero ang nakakaloka lang, ginagawang pamalit ng karamihan ang Dota sa pagmamahal. Kapag ba sawi, sa Dota bumabawi? 

Hindi ko ugaling umepal. Pero dahil nasa twitter world naman kami at kakilala ko siya, hala sige. Makikisawsaw ako. 

 NIRVANA ‏@hplssREMantic

"@_dungcae Malabo yan dre. Hindi nagmamahal ang Dota. :P"

Dakilang kontra II ang bansag sakin sa tropa. Mahilig kasi ako mangontra sa sinasabi ng iba. Pero may isa pang mas malupit sakin. Naranasan niyo na ba yun? Tipong sa buong pagsasama niyo, bilang na bilang lang yung mga bagay na sinang-ayunan niya? Anyways. Nagreply na yung katweet ko.

 TeeeJeeeey ♥ ‏@_dungcae

"@hplssREMantic HAHAHA :D Kontra :P Oo nga e."

  NIRVANA ‏@hplssREMantic

"@_dungcae Totoo naman eh. Kayo lang naman nagmamahal sa dota pero hindi kayo minamahal. Tsk. :P"

Mahilig akong makipagdebate. Makipagtalo. Antaba nga daw ng utak ko eh. Sarap ipakilo. Kaya kadalasan, kapag may mga napagtatalunan, ayaw nila akong kausap kasi humahaba lang ang usapan. Nakakalungkot. Hirap humanap ng taong kasing lalim ko..

TeeeJeeeey ♥ ‏@_dungcae20 Dec

"@hplssREMantic Siguro nga walang emosyon ang dota. E kesa naman sa babae, todo effort ka na, wala pa ring epekto. </3"

NIRVANA ‏@hplssREMantic20 Dec

"@_dungcae Alam mo kasi, parang dota lang yan eh. Kapag alam mo wala ng pag-asang manalo sa game, magqquit ka na. Kesa naman masayang lang ang ORAS mo. Napagod ka na, sa dulo ikaw pa talo."

TeeeJeeeey ♥ ‏@_dungcae

"@hplssREMantic Kung may Lakas ng loob at tiwala sa sarili, malalagpasan mo yan, kayang manalo."

 NIRVANA ‏@hplssREMantic

20 Dec

"@_dungcae Kahit gaano mo pa siya kagusto, kung hindi ganun ang nararamdaman niya sa'yo, mananatili kang talo. Para lang yang paghahanap ng makakalaban eh. Kahit gaano pa nangangati ang kamay mo dahil gustong-gusto mong maglaro, kung wala kang makakalaban, wala kang magagawa. Hangga't di ka nakakalaro, talo. Kaya ang kailangan mong gawin, maghanap ng makakalaban na GUGUSTUHIN kang tapatan."

TeeeJeeeey ♥ ‏@_dungcae

"@hplssREMantic Grabe naman yan oh. Pero ang ingay ng puso ko eh. Sinisigaw pa rin pangalan niya."

NIRVANA ‏@hplssREMantic

"@_dungcae Ang harot kamo ng dibdib mo! Kaya hindi ka maka-move on eh. Pumupusta ka naman siguro sa Dota di ba?"

TeeeJeeeey ♥ ‏@_dungcae

"@hplssREMantic Oo naman. Syempre."

NIRVANA ‏@hplssREMantic20 Dec

"@_dungcae Ang pag-ibig kasi parang Dota. Buong pagmamahal mo ang pusta. Syempre, para makuha mo yung pag-ibig na deserve mo, maglalaro ka. Gagalingan mo para manalo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon hawak mo yung takbo ng laro. May makakalaban kang magaling sa'yo. Kaya kahit gaano kalaki pa yung pusta mo, kapag natalo, wala kang magagawa kundi manlumo. Pero hindi mo yun tatapusin dun. Hindi ka naman siguro papayag na ganun na lang di ba? Syempre babanse ka. Parang love, mabigo ka man ngayon, marami pang pagkakataon. Malay mo, sa susunod na laro, di ka lang manalo, maging top player pa."

- - - End of Conversation - - -

Siguro nga, isang laro ang pag-ibig. Parang Dota. Pero hindi ito katulad ng ibang laro. Ito yung tipo na kailangan sineseryoso, hindi pinaglalaruan lang para may mapagkatuwaan. Kasi do or die ang larong 'to. Maraming pwedeng magbago dahil sa kalalabasan ng paglalaro mo. Play at your own risk. Bawal magrestart pero pwede magrespawn.

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon