See you later

211 1 2
                                    

Loob ng simbahan. Madaming tao. May mga bulaklak. Halos lahat nakaputi.


May kasal ba? O baka patay? Wala.


Graduation Day namin ngayon.



"The Graduates of San Roque Catholic School Batch 2014.." The emcee said. 

Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang siguro ako, kundi karamihan samin. Parang gusto mong ngumiti na gusto mong maiyak. Gusto mong matulog na gusto mong manatiling gising. Nagugutom ka pero para kang natatae. Hindi mo maintindihan. Hindi mo maintindihan katulad na lang ng kung paanong di mo maintindihang kailangan mo pang mag-aral kahit magkakatrabaho ka pa rin naman balang-araw. Kung bakit kailangang lahat ng bagay mayroong katapusan. 

Pagkatapos ng araw na 'to, magiging ala-ala na lang ang lahat. Siguro, pagkatapos ng maraming taon at binalikan namin ang naging buhay namin sa highschool, mahirap simulan ang kwentuhan. Mahirap kasi sa dalawang salita lang na yan, andami ng bagay na pumapasok sa isipan. Mga ala-ala, mga aral, mga ideya na diyan lang sa antas na yan ng buhay estudyante mo makukuha. Bawat isa may kanya-kanyang kwento. 

HIGHSCHOOL

high school (also secondary schoolsecondary college) is a school that provides children with part or all of their secondary education. It may come after primary school or middle school and be following by higher education or vocational training.

Ganyan dinefine ni Google and highschool. Mababaw at literal. Oo, totoo naman talagang sa highschool mo matututunan lahat ng kinakailangan sa sekondarya. Pero para sakin, ang tunay na ibig sabihin ng high school ay lagpas pa dyan. Lagpas kahit sa apat na sulok ng classroom, sa quadrangle, at sa gates ng school campus. Kasi sa highschool, mas maimumulat ka na sa realidad ng buhay. Marami kang matututunan tungkol sa mundo at kung paano ito tumatakbo. Hindi lamang sa pamamagitan ng mga itinuturo ng iyong mga guro kundi maging sa pamamagitan ng mga karanasan mo mismo. 

Kung nung elementarya ay napuno ang mura mong isipan ng makulay at masayahing mundo, sa hayskul, mapagtatanto mo na bumabagyo din at minsan nagiging kulay puti at itim lang ang ito. Kung nung bata ka, nasasaktan ka lang kapag nadadapa at umiiyak kapag inaagawan ng kendi, dito, una mong mararamdaman na sana lamunin ka na lang ng lupa dahil sobrang sakit na dulot sa'yo ng di makatarungang mundo. Kung noon ang galing galing mo na dahil napatunayan mong hindi totoo si santa claus, ngayon, kahit sobrang dami mo ng alam, pakiramdam mo, mayroon pa ring kulang. 

Hindi ko sinasabing sobrang seryoso ng highschool, dahil sa college pa mangyayari yun. Totoo, high school ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante, pero, hindi mo maitatangging eto na talaga yung makatotohanan. Hindi mo na madadaan lahat ng bagay sa iyakan at pagpapacute lang. Although, dito na nahahati ang pagkatao mo: bata at matanda. You get to be two persons at the same time. May mga pagkakataong sasabihin sa'yong "ang bata, bata mo pa, ganyan ka na.." o kaya "hindi mo pwedeng gawin yan dahil bata ka pa.." Pero pagdating sa responsibilidad, matanda ka na para panindigan sila. 

ATBP. (Sari-Saring Kwentong Napulot Sa Kung Saan-Saang Kanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon