"Huh? Hindi bibigay? Kayo ba? Hindi diba"
"It's more than that" sabi ni Jake
Nakarating na kami sa clinic. Inihiga na ni Jake si Katy.
"Huwag mo siyang gagalawin kung hindi, hindi ako magdadalawang isip para patayin ka" he glared at me.
"Alis kana!" Sabi ko
Mukhang ayaw pa nyang umalis pero kailangan niyang umalis.
Mukhang nagigising na si Katy.
"Okay ka lang ba? May gusto kaba?"
"Okay lang ako"
Tumayo ng pa konti konti si Katy.
"Sabi ni nurse nagkulangan ka daw sa tulog."
"Ah ganon ba" sabi ng matamlay ni Katy.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko ulit.
"Oo"
"Okay sige. Bat parang ang dry mo?"
"Ah ganon ba wala lang wala lang ako sa mood makipagusap"
"Okay sabihin mo lang pag may kailangan ka"
Tumango nalang siya.
Humiga ulit siya.
"Jammy bakit wala sa klase ngayon?" Tanong sa akin ni Katy.
"Okay lang daw si ni sir basta isa lang daw magbabantay sayo and excuse raw ako dahil binabantayan kita"
"Ah ganon"
"Disappointed ka? Kasi gusto mo si Jake makikita mo?"
"Hindi no!"
"Yan ang pinapapakita ng mukha mo eh"
"Hindi ano ka ba"
Alam ko naman Katy pero masakit kasi eh.
"Ano bang meron siya na wala ako?!" Sabi ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Pagtataka ni Katy.
"Katy di pa ba halata? Mahal kita! Sobra! Simula palang ng mga bata pa tayo kaso hindi mo ako tinignan bilang isang lalaki kundi isang kapatid kaya ayaw kong magtapat sayo dahil baka mawala ka sa tabi ko at ngayon kukunin ka sakin ng Jake na yon? Diba wala ka namang paki alam sa love since dati pero bakit ngayon?"
Ba thump! Ba thump!
Oh God! Bakit hindi niyo ako pinigilan.
"Jammy ewan ko din! Ewan ko din parang kilala ko na siya dati pa! Hindi ko lang alam!"
"Ano?!" Pagkagulat ko sa sinabi niya.
Napaluha bigla si Katy. Bigla naman bumukas yung pintuan.
Si Jake pala yung nagbukas at pag ka kita niya kay Katy na umiiyak agad siyang sumugod sa akin atsaka niya ako sinuntok.
"Loko ka! Bakit mo pinaiyak si Katy!" Sigaw ni sa akin ni Jake.
Buti nalang umalis yung nurse kanina.
"Hindi ko siya pinaiyak ikaw ang nag paiyak!" sagot ko
"Katy sa susunod nalang natin ituloy pinagusapan natin" sabi ko.
Lumabas na akong infirmary baka ano pa magawa ko.
Nagpahinga ako saglit sa 7/11 tapos umuwi na.
Nagcomputer nalang ako para mawala sa isip ko mga nangyari.
2 am na pala. Matutulog na ako.
I spent my weekends at my grandmother's house.
May pasok nanaman at tatanungin ko na si Katy sa sagot niya.
Naligo ako kaagad at nagayos tapos pumunta na agad akong school.
"Uyyyy Katy okay kana?" Tanong ng mga classmates namin kay Katy.
Siya agad natanaw ng mga mata ko kapasok ko.
"Oo okay na ako salamat sa pagaalala" sagot ni Katy.
Tumitingin lang ako sa kanya sa malayo kasi hanggang dun lang pwedi.
Bigla namang pumasok si ma'am at pinaupo na lahat ng mga students.
Nagring na rin ang bell sa wakas.
Lumapit si Pia kay Katy pero inunahan ko siya.
"Katy let's talk" sabi ko ng seryoso.
Hinala ko papalabas si Katy at dumiretso ako sa hindi mataong lugar.
"Katy about dun sa infirmary totoo yun since grade 5 na palipat mo sa school gusto na kita"
"Uhmm Jammy sorry pero hindi ko matatanggap love mo sa akin kasi may iba na akong mahal"
Huwag! Katy huwag! Ang sakit! Ang sakit sakit! Minahal kita buong buhay ko Katy!
"Ah ganon ba" sabi ko.
Bigla nalang akong umalis at binilisan ko ang paglalakad ko baka kasi makita niya akong umiiyak.
Pumunta akong rooftop para walang makakita sa akin.
Grabe ang sakit! Bakit napunta pa siya sa iba! Kaya kong magtapat eh huuuuuhuuuuuuhuuuuu! Nagtapat na ako para malaman ko feelings mo Katy! Natatakot lang ako noon dahil baka mawala ka sa tabi ko katulad ngayon!
"Ahhhhhhhhhhhhh! Katy! I love you! Kung alam mo lang!" Sigaw ko sa rooftop habang umiiyak.
Wala akong paki kung may nakarinig man sa akin.
Hindi ako pumasok sa Math class mamaya nalang last subject ako papasok.
Pumasok na ako sa classroom at tumingin nalang ako sa ulap.
*belll*
"Jammy!" Tawag sa akin ni Pia.
Hindi ko siya pinansin at lumabas na ako agad sa classroom at agad na umuwi.
----------------------------------------------
Comment kayo kung nagustuhan niyo chapter na ito 🙈 sorry po kung may typo 😢😢😢
BINABASA MO ANG
My Housekeeper is My lover (Completed)
RomantikKaty is just a simple girl na mahilig mag-aral. Hindi sila ganon kayaman hindi rin ganon ka hirap nasa gitna sila. And then one day pinaglinis siya ng papa niya sa isang condo and guess what isang misteryosong lalaki pala ang nakitira doon. Paano ka...