Chapter 3: Engaged?!

4.1K 88 7
                                    

Habang nagkwekwentuhan kami ni Pia ay may biglang lumapit sa amin.

"Ohh kayo pala anong ginagawa niyo sa harap Tsubone's Jewelry?" Tanong ni Jake.

Hala andito nanaman tong lalaking to parang may tracker ako at alam niya lagi kung nasaan ako.

"Ah wala wala" sagot ko.

"Ano kasi parang gusto ni Katy yung cloud na necklace kaso sobrang mahal" sagot ni Pia.

Hayyy bakit niya sinabi huhuhu.

"Ah ganon ba. Tara pasok kayo" sabi ni Jake habang naka ngiti.

"Hala wag na" sabi ko

"Tara tara" sabi ni Pia ng masaya.

Loka loka talaga tong babaing to. Mayaman din kasi si Pia eh. Kumusta ako? Mayaman sila pwedi sila pwedi sila store na ito ako naman hindi dahil simple lang kami.

"Karen! Paki kuha yung cloud na necklace" sabi ni Jake sa saleslady.

Nagtaka naman kami ni Pia kasi talagang may respeto pa pagsagot niya kay Jake.

"Sir Jake, heto na po yung necklace tsaka pair necklace po siya heto po yung kapair niya" sabi ng saleslady.

"Uhmmm diba eto yung gusto mo?" Tanong sa akin ni Jake.

"Ah oo"

"Pia magikot-ikot ka muna tapos sabihin mo sa akin kung may nagustuhan ka" sabi ni Jake

"Ok" sagot ni Pia

Hala kami nalang dalawa ay anjan pa pala yung saleslady.

"Regalo ko nalang sayo ito sayo kaso pair siya" sabi ni Jake.

"Haaa?!?!?!?! Ang mahal mahal kayo nito" pagkabigla ko.

"Okay lang yan"

"Ehhhhhh!!!!!!"

"Okay ganito nalang aking yung sun na kapair niya at sayo yung cloud"

"Ayyy waitt wag masyadong mahal atsakaaaa----"

Naputol ang sinasabi ko dahil isinuot na sa akin ni Jake ang kwintas bago pa ako makakontra.

"Jake wag super mahal ng kwintas nato hindi ko kayang bayaran"

"Sino bang may nagsabing bayaran mo?"

"Ehhhhh"

"Basta pair tayo" sabi niya ng nakangiti.

Dumating naman si Pia at tinignan niya ang kwintas na naka suot sa akin.

"Wait bes binili niya sayo yan? OMG!" Sabi ni Pia na tumitili.

"Ah oo ang kulit niya nga eh ayaw ko na nga sanang tanggapin eh"

"Bes learn how to accept God's blessings"

"Panong naging blessing ito aber?" Tanong ko

"Ouchie naman" singit ni Jake

"Ah sorry. By the way thank you ha super!" Sabi ko ng masaya

Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng ganto kamahal na gamit eh.

"Okay lang ano ba" sabi ni Jake.

Lumabas na kami sa store at sinuout na rin ni Jake yung sun na necklace.

"Osya uwi na ako ha baka may nahahadlang ako" sabi ni Pia

"Oyyy waittt!" Sabi ko

Hindi ko na siya nahabol kasi biglang tumakbo paalis.

My Housekeeper is My lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon