Katy's POV
What?! Marry Jay? Ako?! No!! Pero,,,
"Wala nabang ibang paraan?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya.
"I'll do it" sagot ko ng hindi sigurado.
He just smiled and after that inayos na lahat ni Jay ang mga papeles ko at nagpaalam ako kay papa na magbabakasyon lang ako sa ibang bansa. Hindi niya alam ang tungkol sa plano ko dahil alam kong pipigilan niya lang ako.
"Are you ready?" Sabay hawak niya sa kamay ko at kaagad ko naman itong inalis sa pagkahawak niya pero hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Kailangan natin tong gawin dahil mga bigayin tao ang mga nasa VIP section na sasakyan natin sa eroplano" sabay higit niya sa akin at wala na akong nagawa pa kahit na naiilang ako.
Pagkapasok namin sa eroplano ang daming sumasalubong kay Jay. Sikat nga talaga sila. Pero sa naalala ko kilala yata ng parents nila ang mama ko. Nakaupo na rin kami sa lugar namin at magkatapat kami ni Jay sa upuan namin.
Ilang mga oras ang lumipas at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Italy na to mga bes! Hep hep! Hindi ako pumunta dito para magenjoy! Tandaan mo yan Katy.
"Dito" tawag sa akin ni Jay.
Jay's POV
Ang cute talaga ni Katy. Nakakatuwa para siyang bata simula nung dumating kami dito. Ewan ko ba parang bumabalik lahat sa akin. Bakit pa kasi si Jake yung gusto mo Katy?
Nakarating na kami sa bahay namin at pumunta kami agad sa kwarto ko dito sa bahay namin. Tinawag ko ang secretary ko para tanungin kung nasaan ngayon si Jake at nasa mall pala sila para magshopping ni Therese.
Sinabihan ko naman si Katy at naexcite naman siya na makita si Jake. Ang sakit. Pero para sa ika sasaya niya.
Pumunta na kami sa mall kung nasaan sila Jake at nakita ko na si Jake pero nacr ngayon si Katy eh dahil sumakit raw tiyan niya kakatawa nga siya eh. Tinapik ko sa balikat si Jake.
"Jay?!" Pagkagulat niyang sabi.
"Bakit nandito ka?! Diba pinauwi ka nina mama para imanage mo yung kumpaniya doon?!" Dagdag niya pag mga tanong.
"Atat? Isa isa lang. nasa kamay muna ngayon ni Jem ang kumpaniya dahil may nagpumilit sa akin na ipunta ko siya dito" sabi ko sa kanya.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at alam niya ang sinasabi ko.
"Bakit mo siya isinama dito?! Alam mo ba ang mangyayari sa kanya pagnalaman nina lola na nandito siya?!" Galit niyang sabi na ikinagalit ko din.
"Hindi kaba masaya na pinuntahan ka niya kahit wala ka man sinabi kung bakit mo siya iniwan?! Kailan ka pa naging isang torpe, uncool at takutin na lalaki Jake! Ikaw ba yan? Huwag mong gawin excuse ang mama mo! Ako na ang bahala sa mama mo kasi siya rin naman ang nagpalaki sa akin. Kung gaganyanin mo lang rin pala si Katy mabuti pang pakasalan ko nalang siya!" Sigaw ko sa kanya at wala siyang maisabi pabalik sa akin.
Bigla nang nadating dito si Katy at ang ngiti niya hanggang tenga niya ngunit nawala ang ngiti niya nang akbayan ni Therese si Jake at halikan ito. Nakikita ko naman gusto ng umiyak ni Katy pero pinipigilan niya lang ang mga luha niya.
"Stop it" cold na sabi ni Jake kay Therese.
"Thanks bro" sabay tapik niya sa balikat ko at tumakbo siya papunta ka Katy kaso tumakbo naman si Katy paalis.
Katy's POV
Ayaw ko na. Akala ko pa naman makakausap ko siyang maayos. Pero ganon agad ang makikita ko? Talaga hindi nga siguro para isa't isa. Naiiyak na ako grabe. Kailan pa ako naging ganito ka mahina? Dati naman susugod lang ako ah? Bakit ngayon nawala lahat ng lakas ko.
Sandali nasaan na ako? Hala! Nawawala na ako! Hindi ko alam ang mall nato! Syempre eh nasa ibang bansa ka eh Katy! Halaaa! Nasaan na ako?! Lalo pa tuloy akong naiiyak at pinagtitigan na ako ng mga tao. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang may yumakap sa akin ng patalikod.
"Katy" malambing at mahinahon siyang bulong sa tenga ko. Wala na umiiyak na talaga ako. Hindi ko alam kung kakawala ba ako o hahayaan ko lang siya.
"Katy, I'm sorry. Naging isang tanga at mahina ako at hindi kita ipinaglaban sa mga magulang ko." May guilt at naiiyak na halo sa kanyang boses.
Lalo niya pang hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin.
Jay's POV
Pagkatapos nilang umalis at mukhang shock na shock tong si Therese sa nakita niya.
"Oh? Mukhang gulat ka?" Sarcastic kong sabi sa kanya.
Inisnaban niya lang ako at alam ko na ang gagawin ng babaing to. Sasabihin niya lahat ang nangyari kay Lola. Bahala na kung anong mangyayari.
Nakauwi na ako at hindi pa rin nakakawui sina Jake ah. Nasan kaya sila ni Katy? Saan kaya sila pumunta?
Jake's POV
Wala na akong pakialam kahit anong pang mangyari sa akin basta't kasama ko lang si Katy sa tabi ko. Pagkatapos namin nag-usap ng maayos naispan ko ng sabihin lahat kay Lola ang desisyon ko at pumunta kami agad sa office niya.
"Gusto kong pakasalan si Katy!" Sigaw ko at nagbow sa kanya at gumaya naman sa akin si Katy.
Sumisilip ako kung anong expresyon niya at nakasmile lang siya.
"Mabuti naman kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo Jake. Gawin mo kung anong gusto mong gawin" sabi ng lola niya at naman ang ikinatuwa namin ni Jake at niyakap niya ako ng mahigpit.
Pagkatapos lahat ng nangyari agad naman kaming naglibot libot ni Jake kung saan saan at pumunta rin kami kung saan pang bansa para mamasyal bago kami umuwi. Bigla kung naalala na nakalimutan kong magpasalamat kay Jay! Sinabi ko naman yon kay Jake atsaka siya sumang-ayon. Pumunta kami ngayon kung nasaan niya.
"Jay, salamat pala sa lahat" sincere kong sabi sa kanya at ngumiti lang siya sa amin atsaka na siya agad umalis. Lalo kasi siyang naging busy ngayon.
Uuwi na kami bukas para sabihin ko na kina Jammy at Pia na okay na kami at kekwento ko ang lahat sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Housekeeper is My lover (Completed)
RomanceKaty is just a simple girl na mahilig mag-aral. Hindi sila ganon kayaman hindi rin ganon ka hirap nasa gitna sila. And then one day pinaglinis siya ng papa niya sa isang condo and guess what isang misteryosong lalaki pala ang nakitira doon. Paano ka...