Katy's POV
Hindi ko alam kung saan ako makakahingi nalang tulong.
Nasa bahay ako ngayon at nagiisip kung paano ako agad makakapunta sa Italy.
Pumasok bigla sa isip ko si Jay. Wala na akong paki alam kahit magmukha pa akong desperada sa kanya.
Nakalimutan kong wala nga pala akong number niya. Arghh! Na kaya ito!
Umaga nanaman at gusto ko munang magabsent ngayon at magpalipas ng oras kung saan saan.
Tumawag na ako sa office na magleleave muna ako.
Nagbihis na ako at gusto kong pumunta sa Palawan kahit ilang mga araw lang.
Natapos na akong magempake at pumunta na ako sa airport. Buti nalang may savings naman ako para makapuntan Palawan. Oh sh*t hindi nga pala alam niyan ni papa na aalis ako dito! Bahala na!
Mga ilang oras lang nakarating na ako sa Palawan. Pumunta muna ako sa beach kung saan kami noon naglalakad ni Jake. Pumunta rin ako dun sa puno kung saan nasulat ang pangalan naming dalawa.
Hapon na at pumunta ako sa isang medyo murang hotel para doon magstay. Pumunta ako sa isang malapit na restaurant para kumain.
"Hey! Mag-isa ka lang ba?" Tanong sa akin ng isang lalaki.
"Bakit?" Tanong ko
"Wala akong kasama ngayon pwede bang itour mo ako dito sa Palawan?" Tanong niya.
What? Baliw kaba? As if!
"No way! Hindi ako tour guide ng mga tourists!" Sabi ko sa kanya at nawalan na akong gana para kumain.
"Please? I don't know how to spend my days in here. My friend from Italy just suggested that I should visit this place"
Wait? Italy?! Pwede kaya nya akong tulungan? Wait Katy! Hinay hinay lang.
"Okay sge itotour kita pero sa isang kondisyon. Pwede mo ba ako tulungan papuntang Italy?" Tanong ko. Syempre hindi ano ka ba naman Katy.
"Of course! It's a deal!" Masaya niyang sabi.
What?! Baliw na nga tong taong to pero hayaan ko na baka nga naman matulungan niya ako.
Itinour ko siya buong maghapon at mukhang nasiyahan naman tong lalaking to.
Nasa isang cafe ngayon kami.
"I know a guy who can help you to go to Italy." Pagbabasag niya sa katahimikan.
"Eh sino?" Excited kong sabi.
"His name is Jay. He is my friend and luckily nandito rin siya sa Palawan dahil gusto niyang magbakasyon and I'll give his number to you"
"Really? Thankyou!"
Wait wait wait, Jay?! As in si Jay?! Hayaan mo na Katy kasi kailangan mo rin naman ang number ngayon ni Jay.
Nakabalik na ako sa hotel ko at humiga ako ka agad.
Jake? Namimiss mo ba ako? Kasi ako oo. Namimiss ko yung kakulitan mo. Mga kaengotan mo. Pagtatampo at pagseselos mo sa mga kasama ko. Jake mahal na mahal kita. Gusto na kitang makita alam mo ba yon? Sabi mo papakasalan mo ko! Bakit ibang babae na papakasalan mo!? Sinungaling ka alam mo ba yon?
Naiyak tuloy akong bigla. Katy wag kang iiyak kaya mo to!
Jake's POV
Nasa isang shop nanaman kami ni Therese kasi wala pa siyang napipiling accessories na gagamitin niya.
Paano ko nga ba matatakasan tong problemang to? Katy, please wait for me.
"Babe, maganda ba ito?" Tanong sa akin bigla ni Therese.
"Yeah" sagot kong matipid sa kanya.
Katy's POV
Nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko kagabi at naligo na kaagad ako.
Pumunta muna ako sa baba para kumain. Napakaramj palang mga tao ngayon na pumupunta dito.
Pumunta muna ako sa puntod ng mama ko.
"Ma? Alam mo ba nakipagbreak sa akin si Jake" natatwang naiiyak kong sabi sa kanya sabay punas sa mga luha ko.
Ma? Ano kayang paraan na pwedi kong gawin? Ma, gabayan mo ako sa problema ko ngayon please. Mahal na mahal ko po kasi talaga si Jake.
Matapos kong puntahan ang puntod ng mama ko ay agad ko ng tinawagan si Jay.
Please Jay sagutin mo yung phone mo! Sana wag sagutin ng girlfriend mo.
Jay! Please! Hindi kasi siya sumagot nung una kong tawag.
"Hello?" Curious na tanong ni Jay sa kabilang linya.
"Hello Jay si Katy to pwede ba tayo mag-usap? May kailangan lang kasi akong itanong at sabihin sayo" sabi ko sa kanya na may halong pagmamakaawa sa boses ko
"Ahh, okay? Through phone ba?" Tanong niya.
"No, meet me at La Rose" i said. Isang cafe.
Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong kung paano ko nakuha ang number niya baka sinabi na rin siguro nung kaibigan niya sa kanya.
"Okay, see you there" sabi niya at binaba ko na ang call.
Mukhang busy siya at buti nalang at nabigyan niya ako ng oras niya.
Please Lord gusto ko pong makita si Jake!
Nasa La Rose na ako para hintayin si Jay. Nagorder na rin ako ng iilang mga pagkain at dalawang kape. Nandyan na pala siya. Umupo na siya sa harapan ko.
"Ano pala yung gusto mong pag-usapan?" Tanong niya sa akin.
"Jay, wala na akong paki alam kung magmukha man akong desparada para sayo pero kailangan ko lang talaga ang tulong mo."
"Go on" sabi niya.
"Alam mo naman siguro na nasa Italy si Jake ngayon"
Tumango tango lang siya.
"Gusto kong pumunta ngayon sa Italy para puntahan si Jake at kung pwede tulungan mo ako" yuko kong sabi sa kanya.
"At kapag naka punta kana sa Italy anong balak mo?" Atsaka siya uminom ng kape.
Wala akong maisagot sa kanya.
"Saglit lang ang makapunta doon Katy pero hindi kita matutulungan sa lola ko kahit na ako ang paborito niya"
"Please! Kailangan ko lang makita si Jake! Makita ko lang siyang maayos okay na ako! Kahit pa na makita ko na may kasama siyang ibang babae!" Pagmamakaawa ko at pag-iyak ko sa harapan niya.
Jay's POV
Actually Katy may paraan akong alam para makapunta ka sa Italy at makita mo si Jake.
"Gagawin mo ba kahit ano?" Tanong ko sa kanya.
"Oo!" Mabilis niyang sagot.
"Eto lang ang alam kong paraan para makita mo si Jake"
Nakatingin parin siya sa akin ng matulin.
"You need to marry me"
BINABASA MO ANG
My Housekeeper is My lover (Completed)
RomantikKaty is just a simple girl na mahilig mag-aral. Hindi sila ganon kayaman hindi rin ganon ka hirap nasa gitna sila. And then one day pinaglinis siya ng papa niya sa isang condo and guess what isang misteryosong lalaki pala ang nakitira doon. Paano ka...