PART3

613 30 2
                                    

----Hermione POV----

"Lagot ako nito!Sana makalusot sa kanya ang dahilan ko." Sabi ko sa sarili ko.

Dinampot ko ng nakangiti ang hikaw sa kaniyang kamay.

"Buti na lang at nahanap mo ito. Nawala ko kasi ito." Wika ko habang kinakabit ang hikaw sa aking tainga.

"Sa kala-lagitnaan ng gabi mo nawala yan?" Pautal na tanong ni Edhar.

"Hindi, nung umaga pagkatapos ko mamitas pumunta ako sa gubat para kumuha ng prutas. Bakit mo nga pala naisip na gabi ko ito nawawala?" Tanong ko na kunwari ay wala akong alam.

"Ah wala," sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na niya pinahaba pa ang usapan.

"Halika maupo muna tayo dun sa batong malaki."

"Sige"matipid na sagot ni Edhar.

Naglakad kami sa may malaking bato sa di kalayuan at naupo doon.

"Bakit ba sa tuwing kina kausap mo ko eh nauutal ka?" Tanong ko upang maiba ang usapan at di na bumalik pa sa hikaw.

"Ahm ano kasi" di malaman ang isasagot ni Edhar.

"Wag mo na nga sagutin na uutal ka na naman eh." Nakatawang sabi ko.

Napakamot siya ng batok at napangiti.

"Pasensya na di lang ako sanay ng masyadong seryosong usapan." Nakayukong sabi niya.

"Sino ba may sabi na magseryoso ka?mas gusto ko yung natural mong kilos" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ganun ba"

"Oo naman"

"Sige aalis na ko magsasanay na kami ni Maria" paalam niya sa akin.

"Sige marami pa rin akong gagawin sa palasyo."

Nagsimula na siya maglakad patungo sa palasyo.
Gabi na ng matapos ako sa aking gawain at nakauwi sa bahay. Di kalayuan sa palasyo ang kinatitirikan nito.
Binuksan ko ang pinto at agad akong pumasok. Binuksan ko ang lampara sa kusina at laking gulat ko dahil may naka upo sa isa sa mga upuan na nakapaikot sa lamesa.

Mahaba ang buhok nito na medyo natatakpan ang mukha. Nakayuko ito at may hawak na walis na may mahabang stick. Nakasuot din ito ng kulay itim na bistida.

"Bakit andito ka ulit ina?" Nagugulat ko pa rin na tanong sa kaniya.

"Hangga't di ka pumapayag sa gusto ko ay babalikan kita dito." Sagot nito sa matinis na boses.

"Ayoko nga sumali sa mga binabalak nyo. Masaya at tahimik na kong namumuhay dito."

"Hindi ako makakapayag lalo na at malapit ng mapabagsak ang iyong amang si Shamir. Mas madali mo ng makukuha ang kaharian pag namatay na siya."galit na wika niya.

"Kahit kailan di ko matatanggap ang halimaw na iyon bilang ama kagaya ng di nya pagtanggap sa akin. Matagal nang nilamon ng halimaw na iyon ang kaluluwa ni Shamir. At di ko nais na sakupin ang kaharian na ito. Bakit di nyo ba maintindihan iyon, ina?"
Mataas na boses ko sagot.

"Kinukuha ko lang ang nararapat na sa iyo. Ang dugo mo ay katulad sa kanila kaya may karapatan ka sa palasyo at hindi sa kubo lamang na ito." Sabi niya at tumayo na siya.

"Pero masaya ako sa kung ano ako ngayon. Tigilan nyo na ang pagpunta dahil kahit na ano pang sabihin mo ay di na magbabago pa ang pasya ko."

"Gagawin ko ang lahat para makuha ang dapat na sa atin." Wika niya habang sumasakay sa dala niyang walis.

"Nung huli kang sumakay at lumipad gamit yan ay muntikan ka nang mahuli ng mga tiga palasyo. Mag orasyon ka na lamang" Paalala ko.

"Sai ne yah" usal nito.

Binalot siya ng asul na liwanag at sa kisap mata lang ay naglaho ito.

Nauupos akong napaupo sa kinaupuan ng aking ina.

"Bakit ba kasi sila pa ang naging magulang ko? Gusto ko lang ng simple at normal na buhay.
Ang ina ko ay mangkukulam at ang ama ko ay halimaw. Akala ko nakatakas na ko ng lumayo ako sa kaniya yun pala mas napalapit pa ako sa gusto nilang mangyari. Diyos ko! Ayoko maging katulad nila" usal ko sa sarili ko at napadukdok na lamang ako sa lamesang nasa tapat ko. Di ko namalayan na umiiyak na ako sa sama ng loob dahil sa pinipilit nila akong gawin ang isang bagay na labag sa loob ko. Tumayo ako at naglakad patungo sa aking kwarto. Pumasok ako sa aking silid at doon ko pinagpatuloy ang pag iyak hanggang sa nakatulog na pala ako.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon