PART8

510 22 0
                                    

Malayo pa lang ay nakita ko na si Hermione. Nakatitig din siya sa akin. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya at tumakbo papunta sa direksyon ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Nag alala ako sayo. Mabuti na lang at ligtas ka." Nangingilid ang luha niyang wika habang nakatitig sa akin.

"Bakit naman?!" Kunwari ay nagtatakang tanong ko.

"Syempre kaibigan kita" sagot ni Hermione.

"Kaibigan eh sa akin din bagsak mo." Nakangisi wika ni Edhar.

"Wow ha! Lakas talaga ng loob mo!" Nagulat na wika ni Hermione.

"He he he. . . eh bakit namumula ka?!"

"Hindi ah! Sobrang pagod at gutom lang yan. .
Mabuti pa magpahinga ka na muna. . .dinedeliryo ka na eh."
Wika ni Hermione sabay irap Kay Edhar.

"Asus kunwari ka pa pero sige na nga mukhang kailangan ko na maligo. Ang baho kasi ng mga Aswang na yun! Kadiri talaga!"sabi ni Edhar na tila diring diri sa katawan niya na halos balutan ng dugo ng mga aswang.

Napangiti naman si Hermione sa reaksyon ni Edhar.

"Gusto mo sabay na tayo maligo?" Malambing na alok ni Edhar.

"Kapal ng mukha mo! Sabay mo mukha mo!"galit na wika ni Hermione.

"Bakit nagagalit ka? Sabay na tayo. Maligo ka dun sa bahay nyo at ako dito sa palasyo. Niyakap mo ko kaya pati ikaw puro dugo na din."nakangising sagot ni Edhar.

"Akala ko kasi ano..." Napayukong sabi ni Hermione.

Napayuko si Hermione at nakita kong namumula ang kaniyang mga pisngi. Lalo syang gumaganda sa paningin ko tuwing namumula siya.

"Tara na at nang makapag ayos na tayo at makapagpahinga." Nakangiti kong sabi.

Naglakad na ako papunta sa palasyo at siya naman ay pauwi sa kaniyang bahay.

---HERMIONE POV---

Mabilis akong  umuwi  dahil sa naramdaman kong pamumula ng pisngi ko.
Napaupo ako agad sa upuan na gawa sa kawayan pagdating ko sa aking bahay. Napangiti ako dahil alam ko na ligtas na silang bumalik.
Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Bakit yata napakatamis ng ngiti mo ngayon?! Mukhang tuluyan na talagang nahulog ang puso mo sa kanya" wika ni Belina.

"Ano po bang pinagsasabi nyo, ina" kinakabahang sagot ko.

"Kanina ko pa kayo pinapanuod sa kawa at kitang kita ko sa mga mata mo na umiibig ka sa kanya."galit na wika niya.

"Di ko alam ang pinagsasabi nyo. Ang mabuti pa umalis na kayo!" Pagtanggi ko sa sinabi niya.

Tumayo ako at naglakad patungo sa aking kwarto nang bigla niyang hatakin ang aking bisig. Pinaharap nya ako sa kanya habang pinipiga niya ang braso ko.

"Ngayon mo pa ako papaalisin.!Ngayon na natalo na nila si Shamir.! Ngayon na pagkakataon ko na mapasa atin ang kaharian!Naririnig mo ba ang sinasabi mo!Hermione!" Galit na sabi niya sa akin.

"Bakit ina kayo po ba naririnig ninyo ang sarili nyo!" Sagot ko.

Lalong nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Bumaon ang kuko niya dahilan upang dumaloy ang malapot na dugo mula sa aking bisig. Ramdam ko na tila humapdi ang mga mata ko dahil nagbabadya na naman ang luha dito.

"Kahit ano ay gagawin ko para makuha ko ang gusto ko! Kahit ikaw ay di mo ko kayang pigilan!" Nag ngangalit na sabi niya.

Lalong dumiin ang pagkakahawak niya na halos madurog ang buto ko.

"Napakawalanghiya mo! Anong klase kang ina! Anak mo ko pero hindi mo iniintindi ang nararamdaman ko!"sagot ko.

Tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa aking mata.
Akala ko ay mahahabag siya sa akin ngunit nagkamali ako dahil naramdaman ko na nag iinit at namumula ang pisngi ko. Sinampal nya ako ng buong lakas.

"Kulang pa yan hangga't di mo sinusunod ang lahat ng gusto ko!"

Tinitigan ko sya tulad ng ginawa ko sa upuan upang magliyab.

"Pies ayrah" usal ni Belina.

Hindi nangyari ang inaasahan ko. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata.

"Nakakalimutan mo na ako pa rin ang iyong ina! Di mo ko kayang talunin!"galit na sabi niya.

Sinampal nya ko ng ubod lakas na ikinatalsik ko. Tumama ang likod sa upuan na nasa kusina.

"Aaahmmpp!" Impit na tili ko dahil ayokong may makarinig sa akin.

Dahan dahang naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang aking balikat.piniga niya iyon ng ubod lakas.

"Aaaahhhh!" Ungol ko dahil sa sakit.

"Kung patuloy kang tataliwas ay higit pa dyan ang gagawin ko!" Sabi niya at binitawan niya ang aking braso.

"Babalikan pa kita! Di pa tayo tapos!"dugtong pa niya.

Naglakad siya palayo at binalot siya ng makapal na usok. Ilang Segundo lang ay naglaho siya na parang bula.

Patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Pinasya ko na pumasok sa aking kwarto at muli ay ibuhos ang lahat ng bigat na aking nararamdaman hanggang sa sukluban na ako ng antok.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon