PART4

653 26 0
                                    

"Matagal ng hindi nagpupunta si Edhar dito sa talon. Masyado syang abala sa pagtuturo kay Maria. Minsan iniisip ko na sana ako na lang si Maria para lagi ko sya nakakasama pero hindi ko hinahangad ang katayuan niya sa palasyo. Ang gusto ko lang ay makasama si Edhar. Ano bang iniisip ko? Hindi nga kami masyado nag uusap nung kolokoy na yun." Sabi ko sa sarili ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ah!" Bati ni Abby kay Hermione.

"Hindi ah!" Sagot ko sa pagkabigla.

"Sus kanina pa ko Andito pero di mo ko pinapansin. Mabuti pa sumama ka sa akin." Alok niya.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta sumama ka na lang." Wika ni Abi at hinatak niya ang aking kamay.

Naglakad kami patungo sa malawak na savanna.
Natanaw ko na andun sila Maria, Gregor, Makio,  at ang mandirigma pero natuon ang pansin ko Kay Edhar. Nakangiti ito na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakapusin sa hininga sa kaba ngayon na nakita ko na ulit siya. Napakasaya ko pero ayoko ipakita sa kanila. Nauunahan ako ng hiya. Habang papalapit kami ay lalo lang ako natutulala Kay Edhar.

"Pipilitin ko." Narinig kong wika ni Maria pagdating naming sa kanila.

"Ano pustahan na?" Sabat naman ni Edhar.

"Leche manahimik ka dyan. Nagpapasikat ka lang sa kaibigan ni Abi" sabay irap ni Maria Kay Edhar.

"Sus kunwari ka pa. Ang yabang pero ang totoo torpedo naman."dugtong pa niya.

"Anong torpedo?" Tanong ko habang katabi ko si Abi.

"Mayabang na torpe.ha ha ha." Nakatawang sagot ni Maria.

"Oh sya tama na yang asaran nyo baka mag katuluyan pa kayo." Nakangiting sabi ni Makio.

"Eeew, kadiri" maarteng sagot ni Maria.

Napangiti ako sa itsura niya.

"Mas lalong kadiri." Nakangiwi sagot ni Edhar.

"Paano sisimulan na natin?" Nakangiting tanong ni Gregor.

"Oo simulan na." Sagot ni Makio.

"Mainam siguro kung kayo ni Makio ang magharap." Wika ni Gregor kila Maria at Makio.

Sinimulan na ng dalawa ang pagsasanay.
Namangha ako sa ginagawa nilang pagsagupa sa bawat isa.

"Buti naisipan mo pumunta dito." Nakatitig sa naglalaban na tanong sa akin ni Edhar.

"Inaya lang ako ni Abi."sagot ko.

Tumingin lang ako sa kanya at binalik ko muli ang atensyon ko sa naglalaban.

"May gagawin ka ba mamaya?"tanong muli niya na di man lang lumilingon sa akin.

"Wala naman." Sagot ko.

"Pagkatapos nito baka kasi ano ahm gusto mo..."

"Ano yun di ko maintindihan?"

"Sabay tayo magha-hapunan" pautal utal na alok nito.

"Ah! Yun lang pala eh, oo naman." Masyang sagot ko.

"Doon tayo sa may talon," masayang wika niya.

"Sige ba, malamig ang hangin dun. Sulit ung tinuro mo sa prinsesa. Ang galing nya."

"Salamat"

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na ang laban. Grabe ang galing ni Maria.
Inilalayan agad siya ni Gregor. Napansin ko na iba ang ningning sa mata nila sa tuwing magtatagpo ang mga ito.
Bumalik na sila sa palasyo at naiwan na kami ni Edhar.

"Tara na sa talon, binilinan ko na si Abi na sabihan ang mga tiga silbi na magdala ng pagkain doon." Nakangiting aya niya sa akin.

"Ang tagal kitang di nakita parang nabawasan ang pagiging utal mo, he he he" Biro ko habang naglalakad papunta sa talon.

"Oo nga eh, namiss lang siguro kita." Mahinang wika ni Edhar.

"Anong sabi mo? Di ka na nga utal para namang humina ang boses mo."

"Wala akong sinasabi ah!' Tanggi ni Edhar.

"Narinig ko nagsasalita ka kaya."

"Guni guni mo lang yun. Tara na nga" wika niya sabay hawak sa aking kamay.

Napatitig na lang ako sa kamay ko na hawak niya habang naglalakad kami.
Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang sampung beses na bumilis ang tibok ng puso ko. Ang alam ko lang gusto ko ang pakiramadam na ito. Kakaibang tuwa ang nararamdaman ko.

"Bakit napapangiti ka dyan?"tanong niya na nakapagbalik sa aking katinuan.

"Wala!" Mabilis na sagot ko.

"Wala ka dyan! Namiss mo ko noh!" Nakangiting sabi niya.

"Miss mo mukha mo!" Sagot ko.

"Sayang matutuwa ako kung sinabi mo na namiss mo ko" bakas sa mukha niya na medyo lumungkot ito kahit na nakangiti pa ang labi niya habang nagsasalita.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi ako namiss kita." Sagot niya na nakangiti sa akin.

"Namiss din naman kita" bulong ko sa sarili ko pero mas napili ko na tumahik. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon