PART5

570 22 0
                                    

----EDHAR POV----

Ang sarap sa pakiramdam ng hawakan ko ang kamay ni Hermione. Napawi lahat ng lungkot ko ng mga nagdaang araw dahil sa masyado akong abala at di ko man lang sya nakikita.
Di ko binitiwan ang kamay nya hanggang makarating kami sa talon. Nandoon na ang basket na may laman na pagkain at tela bilang pang sapin namin. Inilatag ko ang sapin sa damuhan at iniayos ko ang mga pagkain sa gitna nito.

"Halika! Maupo ka." Paanyaya ko kay Hermione.

Nakangiti siyang lumapit at dahan dahan siyang naupo ng maayos.

"Bakit mo naman naisipan kumain tayo dito?" Tanong niya pagkatapos ay pumitas ng ubas at isinubo iyon.

"Nakakasawa na kumain sa palasyo syaka matagal din tayo di nagkita. Nang makapag kwentuhan naman tayong dalawa" sagot ko.

"Sabagay tama ka nga dyan"

Ilang sandali din kaming nagkwentuhan matapos kumain.

"Uuwi na ko medyo palalim na ang gabi." Paalam niya sa akin.

"Sige, ihahatid na kita."

"Naku wag na nakakahiya naman at syaka malapit lang naman ang bahay ko."

"Ihahatid na kita tutal ikaw na may sabi na malapit lang pala ang bahay mo dito."

"Sige na nga ang kulet mo eh"

Naglakad kami patungo sa bahay ni Hermione. Huminto kami sa tapat ng isang kubo. Medyo malayo ito sa iba pang bahay na naroroon.

"Mag isa ka lang ba dito?" Tanong ko.

"Ou" sagot niya.

"Nasan ang mga magulang mo o kapatid?"
"Patay na sila!" Galit na sabi ni Hermione Sabah bukas ng pinto ng kubo.

"Pasensya na,"

"Wag ko humingi ng pasensya, ako dapat humingi nun. Ayoko lang talaga pinag uusapan sila." Mahinahon na sabi niya habang nakayuko at nakahawak sa seradura ng pinto.

"Magpapahinga na ako. Salamat sa paghatid." Paalam niya at isinara na niya ang pinto.

Nagsimula na ko maglakad pabalik sa palasyo ng bigla akong sugurin ng maraming uwak.

"Aaaah!" Sigaw ko habang pilit kong tinataboy ang mga ito.

Nawala ang balanse ko sa kakataboy sa mga ibon na iyon na ikinatumba ko.
Itinaas ko ang aking kamay upang makabuo ng bolang apoy. Ibinato ko ito sa mga uwak na malapit sa akin. Binalot ng apoy ang mga tinamaan at bumagsak. Lumipad palayo ang iba pang natira.

Agad akong tumayo at pumunta Kay Tandang Luzila. Mabilis at malakas na katok sa pinto niya ang ginawa ko dahil sa takot na aking nararamdaman. Binuksan naman niya agad ang pinto.

"Jusme kang bata ka. Anong nangyari sayo? Bakit ba humihingahos ka at tadtad ka ng kalmot sa katawan?" Sindak na tanong ni Tandang Luzila pagkabukas ng pinto.

"Sinugod ako ng mga uwak. Napakadami nila. Di ko alam kung saan sila nag mula. Pagkatapos ay lumipad sila palayo." Mabilis na paliwanag ko.

"Ang mabuti pa ay maupo ka na muna at ng magamot na ang sugat mo."

Doon ko lang napansin ang malalalim na sugat sa mga braso ko. Naupo ako sa upuan na nakatapat sa lamesang pabilog. Isinara ni Tandang Luzila ang pinto at kumuha ng mahiwagang gamot sa isa sa mga kabinet doon.
Bumalik siya na may dala na bote na may laman  lumiliwanag na likido at bulak. Umupo siya sa katabing upuan ko at ibinuhos ang likido sa bulak. Idinampi niya ang bulak sa sugat ko. Umusok ang mga sugat nadadaanan ng bulak at agad itong naghilom.

"Tama ang hinala ko." Bulong ni Tandang Luzila.

"Ano ho bang ibig ninyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Mangkukulam o kaya ay mambabarang lamang ang may kapangyarihan kumintrol ng hayop gamut ang kanilang orasyon."

"Ano ho?!Bakit nila ako susugurin?!" Nagulat na tanong ko.

"Iyan ang hindi at napakahirap sagutin. Sa pag kakaalam ko pangkaraniwan sa ay sinakop ang pagkatao nila ng inggit o pagkamuhi."

"Pero wala akong matandaan na merong may inggit o galit sa akin."

"Yun din ang pinagtataka ko dahil sa itinaboy sila dito sa Albakaw dahil sa mga kaguluhang ginawa nila dito noon. Kaya paano nagkaroon muli ng dugo ng mangkukulam sa lugar na ito."

"Paano ko sila lalabanan?"

"Traydor ang mga iyon kaya di mo alam kung kelan ka nila aatakihin. Kaya ka nila sugurin o saktan kahit nasa malayo sila."paliwanag niya habang patuloy ito sa pag gamot ng mga sugat ko.

Natakot ako sa mga naririnig ko dahil pakiramdam ko ay nasa madilim na lugar ako at di ko makita ang kalaban.
Tahimik lamang ako hanggang sa matapos na magamot ang mga sugat ko.

"Wag ka mag alala dahil ang lahat ay may katapat. Sa ngayon ay aalamin ko ang makakatalo sa mangkukulam na iyon" wika ni Tandang Luzila at pumunta sa isa pang kabinet na nandun.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon