PART15

474 20 4
                                    

----EDHAR POV----

Laylay ang balikat na bumalik ako sa palasyo. Naglalakad ako pero sa totoo lang di ko alam kung saan ako patungo. Tanging ang nasa isip ko ay si Hermione. Napansin ko na nasa tapat na ako ng aking kwarto kaya pumasok na din ako tutal di ko alam kung saan talaga ako tutungo. Umupo ako sa gilid ng aking kama at sapo ko ang aking ulo ng aking mga palad. Napabuntong hininga ako ng malalim para kahit papaano ay lumuwag ang aking dibdib.

"Edhar! Edhar!" Tawag ng isang babae.

Kilalang kilala ko ang tinig na iyon kaya luminga ako sa paligid. Wala akong nakita na kahit na sino.

"Edhar! Edhar!" Tawag muli ng tinig.

Ngayon ay siguradong wala dito sa kwarto ko nagmumula ang tinig. May kumakausap sa akin gamit ang isip lamang. Si Hermione.

"Nasaan ka?" Nag aalalang tanong ko sa isip ko.

"Wag ka mag alala nakatakas na ako sa pagkakagapos ni Belina!" Sagot niya.

"Nasaan ka? Kailangang iligtas kita!"

"Kung gusto mo ko tulungan sabihin mo lahat ng ito sa babaylan na si Ursula!"

"Paano pagnalaman ni Belina at patayin ka ng iyong ina!"

"Sabihin mo na gumawa si Ursula ng Orasyon upang ibang imahe nyo ang lumitaw sa kawa. At sya nga pala hindi ko ina ang halimaw na yun. Patay na ang aking ina.!"

"Ok sige pupunta na ko Kay Ursula!"

"Magmadali ka at wag ka magpahalata na may gagawin ka. Umarte ka na di mo namamalayan na patungo Kay Ursula. Kasalukuyan kang pinapanood ni Belina sa kawa."

Yun lamang at nawala na siya sa aking isipan. Kagaya kanina ay lupaypay ang balikat akong tumayo. Mas lalo ko pang nilungkutan ang aking mukha. Nag kunwari akong malalim ang iniisip at tulalang naglalakad patungo Kay tandang Luzila at Ursula sa kwarto ng mahika.

Pumasok ako na di pa rin nagbabago ang ekspresyon sa aking mukha.

"Edhar anong nangyayari sayo!" Nag aalalang tanong ni Tandang Luzila.

Sa halip na magsalita ay tulala lamang ako at gamit ng isip ay kinausap ko sila.

"Pakinggan nyo ko. Pinapanood tayo ni Belina gamit daw ang kawa! Sabi ni Hermione gumawa ka daw ng Orasyon para di nya makita ang ginagawa natin.

"Isalav de nesi yah" mahinang usal ni Ursula.

"Ayos na umarte ka na ng normal"wika ni Ursula.

"Sigurado ka?" Nag aalalang tanong ko.

"Ang nakikita na lamang niya ay lumabas ka ng kwartong ito at kumakain ka sa kusina ng palasyo."
Sagot ni Ursula.

"Ngayon sabihin mo sa amin kung paano at ano ang kinalaman ni Hermione Kay Belina?" Tanong ni Tandang Ursula.

Isinalaysay ko sa kanila ang pagtatagpo namin ni Belina sa bahay ni Hermione. Ikinuwento ko ang lahat ng pinag usapan namin pati na rin ang pag uusap namin ni Hermione.

"Ngayon alam ko na kung bakit hindi lang basta pagiging Albakaw na nakuha nya Kay Shamir ang naamoy ko kundi pati ang dugo ng isang mangkukulam." Wika ni Ursula.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Matalino at malakas siya pero wala siyang laban sa isang babaylan" nakangisi na sagot ni Ursula.

"Maging handa ang lahat dahil gagawa ako ng ilusyon upang siya mismo ang magisa sa sarili niyang mantika." Nakangisi pa din na dugtong niya.

Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam pero di pa din mawala ang takot sa isipan ko.

"Tawagin mo ang lahat gamit ang iyong isip at gagawa tayo ng isang plano."

Sinunod ko ang utos niya. Tinawag ko sila Makio, Gregor, Maria at Michael upang tumungo sa amin. Ilang sandali lang ay dumating sila.

"Malaking sagupaan ang magaganap kaya dapat na maging handa ang lahat." Paninimula ni Ursula.

Tahimik lamang kaming nakikinig sa kanya hanggang matapos siya.
Umalis ang lahat maliban sa akin. Dito lang daw kasi ako hindi makikita ni Belina. Mahirap na dahil ilusyon ko lamang ang nakikita nya sa kawa.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon