PART10

456 23 0
                                    

Umatras ako ng umatras dahil sa sobrang kilabot na nararamdaman ko hanggang sa napasandal ako sa pinto. Bahagyang humupa na din ang sakit ng ulo ko dahil sa pagsuka ko.Biglang bumukas ang pinto kaya napasubsob ako. Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa mismong suka ko. Gumapang ang mga bulate sa likod ng palad ko at kumikislot pa ang mga uod na nadaganan ng kamay ko. Mabilis akong tumayo habang nanginginig ang mga kamay dahil sa kilabot.

"Hindi totoo ang nakikita nyo! Ilusyon lang ang mga iyan!" Wika ng isang babae na nagbukas ng pinto.

Lumingon ako sa nagsalita. Iniabot naman sa akin ni Tandang Luzila ang maliit na palanggana na may lamang tubig upang mapaghugasan ko ng kamay. Nang matapos akong makapaglinis ng kamay ay lumingon ako sa mga dumating. Si Ursula at Makio ang mga iyon. Hindi ko pa rin makasanayan ang itsura ni Ursula. Mahaba ang itim na buhok nito katulad ng mata niya na puro itim lang at walang puti. Pati ang katawan niya na nababalutan ng puting pintura at mga itim na tinta na di ko maintindihan ang nakasulat.

"Asha nu ra shi ya lami ora wis ba shi" usal ni Ursula.

"Pagmasdan nyo!" Wika pa niya sabay turo sa aking suka.

Nagulat ako sa aking nakita. Naging tubig ang kanina ay malapot na itim na likido at nawala ang mga gumagapang na bulate at uod.
Nawala na rin ang aking paghihina at sakit na nararamdaman.

"Anong ginawa mo?!" Gulat na tanong ko.

"Tinanggal ko ang kapangyarihang inilagay niya sa mga kaisipan ninyo." Sagot ni Ursula.

Natahimik kaming lahat.

"Kung iniisip nyo ay kung bakit pati ikaw Gregor at Tandang Luzila ay ganun ang nakita ay dahil ng dumikit kayo Kay Edhar ay nakontrol na din niya kayo."wika ni Ursula na bumasag sa aming katahimikan.

"Paano namin malalaman kung sino ang mangkukulam na iyon?"tanong ni Gregor

"Gagawa tayo ng ritwal upang makausap natin siya pero kakailanganin natin ikonekta ang isip ni Edhar sa isip niya."sagot ni Ursula.

"Kelan natin sisimulan ang ritwal?" Tanong ni Makio.

"Sa mas madaling panahon mas mainam." Sagot ni Ursula.

"Mamayang gabi ay muling bibilog ang buwan. Mas malakas ang iyong kapangyarihan Ursula pag bilog ang buwan." Wika ni Tandang Ursula.

"Tama ka nga. Ihanda natin ang mga gagamitin sa ritwal. Kailangan natin ng isang silid na walang anumang gamit. Isang upuan at labing tatlong puting kandila. Kailangan din natin ng maliit na palanggana na may lamang tubig." Wika ni Ursula.

Muling bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang dalawang babae. Si Abby at Hermione na agad yumakap sa akin ang dalawa.

"Kuya Edhar anong nangyari?" Tanong ni Abi na kumalas mula sa pagkakayapos sa akin.

"Wala yun, OK lang ako!" Nakangiting sagot ko.

"Nag aalala kami sayo." Sabi naman ni Hermione.

"Anong lahi ka ba? Mula ng magkita tayo sa lupain ng mga babaylan ay may kakaibang amoy na sa dugo mo." Tanong ni Ursula na sininghot ang amoy ni Hermione.

Natahimik kaming lahat at natulala kami sa tinuran ni Ursula.
Napatitig naman si Hermione Kay Ursula. Di agad siya nakapagsalita. Nagbutil butil ang pawis sa kanyang noo.

"Isa din ho akong albakawan.",tugon ni Hermione.

"Oo isa kang albakawan na amoy ko pero may kakaiba sayo di tulad ng mga amoy ng mga albakawan na nasa kwartong ito pero di ko maipaliwanag kung ano iyon." Wika ni Ursula na tumigil na sa ginagawang pagsinghot kay Hermione.

"Siguro ho kasi may dugo rin ng duwende ang lahi naming di tulad nila na purong dugo ng mga albakawan."sagot ni Hermione.

"Siguro nga" sagot ni Ursula.

Muling ibinalik ni Ursula ang gagawing ritwal. Ipinaliwanag niya ang mga dapat na gawin namin. Tahimik na lang kaming nakikinig sa kanya.

"Ngayon alam nyo na ang lahat ng kailangang gawin dapat na siguro na simulan na natin ang paghahanda." Wika ni Ursula.

Lumabas ang lahat ng nandoon maliban na lamang sa amin ni Tandang Luzila at Ursula.

"Kailangan mo maiwan mahirap na baka madale ka na naman ng mangkukulam na iyon" wika sa akin ni Ursula.

Tahimik lamang akong naupo doon at nakikinig lang sa pag uusap ng dalawa hanggang sa sumapit ang hating gabi. Nilinis na din ng mga tiga pagsilbi ang tubig na isinuka ko.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon