PART11

458 21 0
                                    

Pagsapit ng hating gabi ay nagtungo kami sa kwartong ginamit ni Maria at Gregor sa kanilang pagsasanay. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang upuan na nasa gitna ng silid.

Nakapabilog dito ang mga puting kandila na may ilang dipa ang layo sa bawat isa. Isang kulay pula at malaking kandila ang nakatirik sa pabilog na mga kandila. May maliit din na planggana sa tapat ng upuan.

Nakaupo din paikot sa labas ng nakapabilog na kandila sila Gregor, Maria, Abby, Hermione, Makio at Tandang Luzila.
Pinatanggal ni Ursula ang sapatos ko bago pumasok sa silid na iyon. Doon ko lang napansin na lahat sila ay mga nakayapak lamang.

"Maupo ka na sa upuan at ilagay ang iyong mga paa sa tubig." Utos ni Ursula matapos kaming makapasok sa kwarto.

"Oo" maigsing sagot ko.

Kakaibang kapangyarihan ang nararamdaman ko ng umupo ako sa upuan na iyon.

"Sisimulan na natin ang ritwal. Maghawak kayo ng mga kamay kahit na ano pang makita o marinig nyo ay wag kayong bibitaw dahil sa oras na ginawa nyo iyon maaring mawala kayo sa katinuan." Paalala ni Ursula.

Naghawak hawak sila ng kamay at pumikit. Lumapit sa akin si Ursula at umuusal siya ng orasyon. Umuusok ang tubig na nasa palanggana sa tuwing hinihipan ni Ursula ang ulo ko.

"Anak halika dito" boses ng isang babae ang umalingawngaw sa silid na iyon.

"Ina!" Sagot ni Maria na dumilat ang mga mata.

"Wag kang bibitaw kahit na anong mangyari." Sigaw ni Ursula kay Maria.

Isang babae ang lumitaw sa harap ni Maria. Wala itong buhok at anit. Nakalitaw ang bungo nito sa itaas ng ulo at umaagos pa ang dugo.

"Aaahhh, di ka totoo. Patay ka na!"sigaw ni Maria at lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ng katabi.

Patuloy lang sa pag oorasyon si Ursula.
Ilang saglit lang ay naglaho ang babae.

Umihip ang napakalakas na hangin at lumitaw ang bulto ni Shamir.

"Ngayon maghihiganti ako" wika nito na tila nang gagaling sa ilalim ng lupa ang tinig.

Dumilat ang lahat at nabalutan kami ng apoy.

"Bwahahaha" Nakakapangilabot na tawa ni Shamir.

"Walang bibitaw!" Sigaw ni Ursula.

Ipinagpatuloy nya muli ang pag oorasyon. Tulad kanina ay nawala ang apoy kasabay ni Shamir.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong lumulutang ang upuan ko at nahihilo ako. Umihip ang napakalakas na hangin kasabay nun ay nawalan na ko ng malay.

----URSULA POV---

Dahan dahang bumaba muli ang bangko na kinauupuan ni Edhar. Nakayukyok lamang ang ulo nito. Hindi ito kumikilos man lang at nanatiling nakalaylay ang kamay sa tagiliran. Tinanggal ko ang palanggana at kinuha ko ang pulang kandila at itinirik iyon sa harapan ni Edhar. Proteksyon upang di siya makagalaw.

"Ngayon sabihin mo kung sino ka?" Pasigaw na tanong ko.

"Hi hi hi hi" matinis na tawa ng babae ang boses ang lumabas na tinig mula kay Edhar.

"Sabihin mo kung sino ka!" Utos ko at idinikit ko ang hintuturo ko sa tapat ng lalamunan ni Edhar.

"Ahhhhh tanggalin mo yan nasasaktan ako!sasabihin ko na kung sino ako!" Sigaw ng matinis na boses.

Tinanggal ko ang aking hintuturo.

"Ngayon sabihin mo kung sino ka! At bakit mo ginagawa ang mga ito?" Sigaw ko.

"Ako si Belina. Hihihihi" mahinang sagot nito pero nanatili pa rin nakayukyok ito.

"Bakit mo ginagawa Kay Edhar ito?" Tanong ko.

"Hadlang sya! Malaking hadlang!" Sagot ulit ni Belina.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Kailangan mawala sya upang makuha ko ang gusto ko!" Sagot niya at umangat ang kanyang mukha. Matalim na titig ang binigay nito Kay Maria.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.

Binaling niya ang kaniyang mukha Kay Hermione.

"Humanda kayo dahil di pa ako tapos babalik ako! Babalikan ko kayo! Lalo ka na!aaaaaahhh" galit na sagot niya.

Mag oorasyon na ko upang ikulong ang kaisipan niya sa kabilang mundo ng biglang bumukas ang pinto at sumugod ang napakaraming uwak. Kasabay nun ay bumagsak sa sahig si Edhar. Tanda na nakatakas na si Belina sa kaisipan ni Edhar.Nag orasyon ako upang isara na ang ritwal at makagalaw na ang lahat. Agad na binato nila ng bolang apoy ang mga ibon at naglaho lamang ito sa isang kisapmata. Tuluyang nakatakas ang mangkukulam.

Edhar (Book 2) 2016 Completed ✔✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon