Chapter 001

229 6 4
                                    

Precious Paula Nicole San Diego

Walang puwang ang salitang ‘Pagmamahal’ sakanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan mong magmahal ng ibang tao at pagkatapos ay masasaktan ka lang, at lalong hindi niya maintindihan ang mga taong minamahal na nga e, nakukuha pang manakit. ‘Kung sino pa yung taong nagpapasaya sayo, siya pa itong nagbibigay ng sakit na mararamdaman mo.’

AGAD na huminto ang bus matapos niyang itaas ang kanyang kamay, senyas na sasakay siya. mahigpit siyang kumapit sa bakal na pwede niyang hawakan. Maaga pa lang pero, puno na ang bus. Hindi na niya nagawang magtiis maghintay ng jeep dahil late na siya.

Napatingin siya sa taong kumalabit sakanya na ngayon ay nakatayo na. “Upo ka na Miss.” Wika nito. “Salamat.” Walang emosyong sabi niya. Ganito naman siya e, laging walang ekspresyon ang mukha niya. Kung hindi siya kikibuin ng mga nakapaligid sakanya hindi magkaka-emosyon ang mukha niya.

Humalukipkip siya at isinandal ang ulo sa sandalan ng inuupuan niya. Nais niyang umidlip para naman makabawi dahil sa puyat niya. Ilang araw na siyang puyat dahil sa natengga niyang Gawain. Dahil sa katamaran niya, ni-rush niya ang tatlong lesson plan na ipapasa niya ngayon.

Marahan niyang idinilat ang mga mata at walang pagdadalawang isip ay agad siyang tumayo. “Nay, maupo na ho kayo dito.” Wika niya sa matandang mahigpit na nakahawak sa bakal na kanina’y pwesto niya. Nagtinginan sakanya ang mga pasahero na nakatayo din. “Salamat iha.” Ani ng matanda. Nahihiya man siya sa lalaking nagpa-upo sakanya, ngunit hindi niya matiis na may matandang nahihirapang nakatayo habang siya ay naka-upo at nagre-relax.

Nang huminto ang bus sa bababaan niya, agad siyang bumaba at tumakbo. Late na late na siya, siguradong grand entrance nanaman ang eksena niya pagpasok sa classroom nila. Agad siyang sumakay ng tricycle ng makita niyang tatlo na ang makakasabay niya.

Agad na nagbayad at mabilis na tumakbo patungo sa building ng una niyang subject. “Good morning. Sorry sir, I’m late.” “Sambit niya sa Prof niyang nahinto sa pagdi-discuss dahil sa pagpasok niya. Tumango lang ito at nagtuloy sa pagdi-discuss.

“Well, sometimes hindi natin masisisi ang ating mga magulang. Sometimes may pinapaburan sila at yun ang tianatawag na favouritism.” Discuss ng Prof niya.

Sa nadinig niya, gusto niyang sagutin ang professor niya ng ‘Hindi rin!’ philosophy ang subject nila pero para maintindihan mo ito ay kailangan mong i-relate sa buhay ng tao. Pero bakit yung real life na matatamaan siya? pwede namang ibang example ang sabihin nito. Bumalik nanaman sa ala-ala niya ang nakaraan.

18 years. 18 years na siyang nasa panga-ngalaga ng kanyang lola. Lumaki siya na tanging mga tita at lola niya ang nag-aalaga sakanya. Itinuring niyang ‘tatay’  ang lolo’ng kinalakhan niya at ‘nanay’ ang lola niya. Habang lumalaki siya buong akala niya masayang pamilya sila, buong akala niya totoo niyang magulang ang mga ito, na ito ang nagluwal sakanya sa mundong ito. Ngunit may nanay at tatay pala siyang tunay.

 

Mahigit pitong taon siya ng maunawaan niya na kinuha siya ng mga tita niya dahil mahilig ang mga ito sa bata, since siya ang unang apo sa pamilya nila at unang pamangkin sa mga tita niya, kaya naman pumayag ang kanyang mama at papa na ito na ang mag-alaga sakanya dahil na rin sa hirap ng buhay.

Bitterness turn to SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon