Chapter 003

96 5 3
                                    

‘Ang Pag-ibig ay parang laro. May napapagod, may nag-sasawa at may umaayaw.’

 

Walang duda. Kaya nga may mga tao’ng kapag nasaktan ay natatakot ng mag-mahal. In my case, I guess takot na akong masaktan. Isang laro ang pag-ibig, at kapag nahulog ka sa maling tao, talo ka. pero sa pag-mamahal kailangan mo naman talagang sumugal eh. Parang isang malaking negosyo na kailangan mo mag-invest ng malaki para lumago ito. Pero once na magkamali ka, malulugi ka.

“Kumusta ang pilay?” Bungad saakin ni Greg na nadatnan ko dito sa Physics Lab. Ang aga talaga nito mang-inis.

Iika-ika akong pumasok sa loob ng laboratory at naupo sa isa sa mga upuan doon. “Ano ba kasi ang nangyari dyan sa paa mo?” Tanong saakin ni Greg.

“Paano, may tatanga-tangang hindi marunong bumaba ng hagdan. Pati ako nadamay sa katangahan.” Inis na sabi ko.

Ang tanga naman kasi talaga nung Tyler na iyon eh. Sino ba’ng matino ang makakabangga sa nananahimik na tulad ko. Imbis na nakakapag lakad ako ng maayos, ito! Hirap at iika-ika ako ngayon. Pisti! >//<

“Sino naman yung tatanga-tanga na iyon?” Tanong saakin ni Greg.

“Tss. Speaking of the devil.” Sambit ko ng paglabas namin ni Greg sa Lab ay nakasalubong namin si Tyler.

“Hi Tyler!!” Nakangiting bati ni Greg. Ngumiti naman ito at saka ibinaling ang mga tingin saakin.

“M—Miss, ok na ba yung paa mo?” Tanong nito saakin.

“Naka-benda. Mukha ba’ng ok to?!” Inis na sambit ko sakanya.

“My God! Ikaw ang gumawa nito sakanya?!” Gulat na sambit ni Greg at napatakip pa talaga siya ng bibig ha! Bakla’ng bakla ang dating ah! Binalingan ako ni Greg. Tinignan niya ang paa ko na bahagyang naka-angat at nababalutan ng benda.

Tinignan ko si Greg, pagkatapos ay si Tyler. Nagulat nalang ako sa sunod na ginawa ni Greg. Lumapit siya kay Tyler at umikot sa gilid nito. Animo’y tinitignan ang katawan nito. “Oh My God! May sugat ka ba Tyler? Na-pilay  ka rin ba?” Bakas sa boses ni Greg na nag-aalala siya sa lalaking ito.

“Hoy! Sino ba ang kaibigan mo dito?!” Inis na tanong ko.

“I—Ikaw sissy. Pero kasi, baka mamaya may pilay din itong si Tyler o!” Sambit niya saka nag-pout.

“Tss. Mukha bang may natamong galos o pilay yan?!” Inis na sabi ko at saka nagtuloy sa c.r.

Nang makalabas ako ay nasalubong ko si Jhamella. “O! anong nangyari sa paa mo?” Tanong nito ng makita akong iika-ikang palabas ng c.r. “Tss. Mahabang kwento.” Wika ko sabay lakad patungong lab.

--

“Ano?! Hinilot niya yung paa mo? Tapos dinala ka pa sa clinic ng karga ka niya?!!” Bulalas ni Greg ng matapos ko ang kwento ko sakanila. Halos lahat ng tao nakatingin na saamin.

Bitterness turn to SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon