‘True love waits.’ Ika nga ng Professor ko sa Home Economics. Habang nagi-introduction siya saamin ng subject niya, araw ng miyerkules. Sabi pa niya, ‘Naniniwala ako sa mga magkarelasyon na ngayon lang nagkakilala at nagkatuluyan, kaysa sa magka-relasyon na ng matagal na panahon pero hindi naman nagkatuluyan.’ Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban ng Prof ko. Her age is 50 year old, sinabi naman niya na hindi siya sawi sa love life niya, pero hindi ko ma-gets kung bakit niya iyon nasabi pero sa totoo lang, natutuwa ako sa mga sinasabi niya.
‘You know class, when you have a relationship wag basta-basta isusuko ang bataan dahil isang sagrado iyan. Ginagawa lang yan ng mga mag-asawa at hindi ng mga mag-girlfriend o mag-boyfriend palang. Tandaan niyo yan class.’ Sambit pa ni ma’am, animo’y nanay namin na pinangangaralan kaming mga anak niya. I like the way she is.
Sobrang nakakatamad at ang boring ng paligid ng school pag ganitong araw ng miyerkules. Wala masyadong studyante sa naturang university.
“OMG! OMG! OMG!” Halos nagdidileryong sambit ni Greg ng dumaan ang isang magarang sasakyan mula sa gilid nila.
“Ano ba yan! Kung makatili naman Greg?!” Ika naman ni Lei na ngayon ay nakataray ang mga kilay kay Greg na ngayon ay natigil sa nadaramang kilig. Momentom.
“Si Papa Tyler James andyan na!!!” Patuloy na pagtili ni Greg.
“Ano ba yan!! Kumalma ka nga!” Ambang sasampalin na sana ni Paula ang kaibigang bakla ng pigilan siya ni April.
“Wag! Wag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo.” Ika ni April. Tinignan lamang niya ito at saka ibinaba ang kamay niya.
“Hi Tyler!!!” Nilalanding tawag ni Greg sa Tyler na iyon. Sandali itong humarap sa gawi nila at saka ngumiti at tumango. Nagtungo ito sa compartment ng kotse nito at may mga gamit na kinuha.
“Alam niyo, ang dami niyong alam. Tara na nga! Nagugutom na ako e, di ako nag-almusal.” Singit naman ni Jham.
“Hoy Greg! Ang gwapo nung Tyler na yun ha. San mo naman nakilala yun?” Tanong ni Lei.
“Friend ko sa Fb yun. Tsaka hindi niyo ba binibisita yung group natin sa Fb, famous kaya yan si Tyler.” Ika ni Greg habang inaayos yung baon niya.
--
Nagtungo si Paula sa library kung saan taga ayos siya ng mga libro. Isa siyang scholar ng kanilang paaralan, at para naman makabayad sa libreng pagpapaaral sakanya ng paaralan ay minabuti niyang maging assistant sa library. Ito ang Gawain niya tuwing matatapos ang klase niya.
“Greg!” Tawag niya sa kaibigan na ngayon ay nakaupo at nagbabasa.
“Sissy!” Ika nito at lumapit sakanya. “Ano? Mag-aayos ka nab a ng mga libro?” Tanong nito at bumalik sa pagbabasa.
“Um.. oo, para naman makauwi ako ng maaga at nagdidilim na sa labas e. mukhang nagbabadya pa ang ulan.” Ika ni Paula.