“BOOM!” Hiyaw ni Keng na nakakuha ng atensyon ng lahat ng studyante dito sa canteen. “Opps! Sorry.” Sambit niya sabay harap ulit doon sa cellphone niya.
“Pwede ba, Keng! Hinaan mo naman yan! Halatang nagsi-COC ka eh!” Inis na turan sakanya ni Jham.
“I—Ito na, hihinaan na po.” Ika niya sabay pindot sa buton sa gilid ng phone niya.
“So, ano na’ng balak mo?” Tanong saakin ni Greg.
Actually, hindi ko na alam kung ano’ng gagawin ko. Kanina pa kami nag-uusap dito tungkol sa nangyari kahapon. Hindi rin kami nakagawa ng research dahil sa gulong nangyari sa pagitan nila Tyler at Carl. Hindi naman ako dapat ganito nahihirapan, pero pakiramdam ko natatakot ako.
“Guys, natatakot kasi ako eh. Baka mamaya hindi tumigil si Carl.” Sambit ko.
“Ikaw naman kasi, ang haba ng hair mo day!” Sambit ni Lei.
Hindi ko naman kasi expected na nandoon si Carl sa bahay eh. Naiinis ako kung bakit kailangan pa niyang magpunta doon saamin, gayong wala naman na kami. Tapos yung taong kinaiinisan ko ngayon, siya pa itong tumulong saakin, and yet siya pa itong nasa panganib ng dahil saakin.
“Alam mo Friend, ang maganda mo’ng gawin layuan mo nalang yang dalawang yan.” Wika ni Keng.
“Tama! Yan ang pinaka the best na solusyon sa problema mo.” Wika naman ni April.
“Sa tingin ko nga yun nga ang dapat kong gawin.” Sambit ko sabay balik sa pag-susulat.
“Hay nako! Masyado na tayong madrama ha!” Singit naman ni April.
“Tss. Greg kasi e! laging pinapansin yang Tj na yan eh!” Wika naman ni Jham.
“Ok. Ok. Ok! From now on, hindi ko na siya papansinin.” Nakangiting sabi niya.
“Good!”Sambit nalang ni Lei.
“Yes! Tara gawa na tayo ng re-search!” Masayang sabi ko sakanila.
--
Tyler
Papasok kami ng canteen ng makita ko sa di kalayuan ang table nila Paula. Masaya silang nagtatawanan at nagbibiruan. Lalapitan ko sana sila para makausap, kaso nung palapit na ako, agad silang nagsi-tayuan at lumakad palabas ng canteen. Nadaanan nila ako at di man lang nila pinansin.
“Anong nangyari dun pre?” Tanong ni Bernard. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman alam ang tunay na dahilan.
“Iniiwasan ka Bro!” Hiro said, sabay tapik sa balikat ko.
“Bakit naman niya iiwasan si Tyler, tinulungan na nga siya eh.” Wika naman ni Bernard.
“Ewan, yun ang hindi ko alam.” Kibit balikat na sagot nito.