#9

41 1 0
                                    

 BITTERNESS TURN TO SWEETNESS

Chapter 9: Nililigawan daw?

FAITH’s POV

Magdi-december na pero hindi ko pa din nakaka-usap si papa. Andaming bagay sa buhay ko ang hindi pa natutuldukan. Alam mo yung feeling na natatakot kang harapin ang lahat ng yun dahil sa mga kaakibat nitong sakit na mararamdaman mo. Kaya mas pipiliin mo nalang manahimik para hindi ka masaktan.

“Ma,miss ko na po kayo! Kung nabubuhay lang po sana kayo, di ganito kalungkot ang pasko ko. Sana kakain ako ng masarap kasama kayo. Pero, wala eh! Iniwan muna ako eh. Maduga ka talaga mama.” Mangiyak-ngiyak kong sabi dun sa harap ng puntod ni mama.

Nang maubos na ang kandila ay tumayo na ako para makapasok na sa part time ko. Wala kaming pasok ngayon. Wala akong ginawa sa apartment ko kundi gumawa ng project at mga assignment ko. At ngayon? Ito, trabaho naman ang gagawin ko.

“Faith, ikaw na muna ang mag-assist sa mga customer.” Utos nung manager saakin. Yung iba kasing crew eh day-off nila at yung iba eh kauuwi lang dahil tapos na ang shift nila.

TJ’s POV

“Thanks john!” Nakangiting sabi ni lyca matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng kotse ko.

“Una kana, susunod ako.” Sambit ko sakanya at saka ko sinagot yung tawag (kunwari).

Sa totoo lang, ayoko talaga siyang makasama ngayong araw. Kakauwi ko lang at ng makita niya ako sa parking lot ng school ay agad na sumakay sa car ko at sinabing andito daw sila mommy. Kairita talaga tong babaeng to. Mapatay na nga tong alarm na to. Nag-alarm lang naman talaga ako para kunwari eh may tawag ako.

“Goodafternoon sir!” Nakangiting bati saakin nung guard. Agad naman akong nagtungo sa cashier at umorder ng makakain. Nasa Jollibee kami to be exact.

“Iho, bakit antagal niyo?” tanong saakin ni mommy at humalik sa pisnge ko. Parang bata eh no. malaki na ko pero babay pa din ang turing ni mommy saakin. Actually, mama lang talaga tawag ko sakanya pero mommy ang gusto niyang itawag ko sakanya.

“Ah, tita kakauwi lang po namin galing school eh.” Singit naman ni lyca. Buti naman at nagsalita na to. Badtrip ako at wala ako sa mood ngayong araw na to.

“Anak, pansin ko lang! bagay pala kayo ni lyca.” Nangingiting sabi ni mama.

“Ma! May nililigawan na po ako.” Iritang sabi ko sabay hila dun sa isang crew nitong Jollibee.

“F..faith?” Napatayong sabi ni lyca. Nagulat naman ako sa sinabi ni lyca kaya agad kong tinignan yung babaeng hiwak ko. At laking gulat ko ng makita ko si faith at confuse/shock ang itsura niya.

“S…siya? Nililigawan mo?” Gulat na tanong ni mama.

“O..opo ma. D..diba faith!” Mautal-utal kong sabi at tinignan ko siya ng SAKYAN MO NALANG PLEASE LOOK.

“O..opo!” Tipid niyang sagot saka umalis sa harap namin

Shocks! Anong nagawa kong mali? B..bakit siya pa yung nahila ko? Shit naman !

MARIE’s POV

Diko lubos maisip na magagawa yun ni tj, at kay bessy faith pa! akala ko pa naman na matino yung tj nay un. Isa din pala siya sa mga lalaking manggagamit, oo tama kayo. Naikwento na saakin ni faith ang mga nangyari. Kabadtrip yun ha!

“Faith, hayaan mo. Kapag nakita ko ditto yung gagung yun, malilintikan saakin yun.” Sambit k okay faith. Andito kami sa canteen at kumakain lang. lunch na ksai namin eh.

“Babe! Bat hindi mo ko hinintay maglunch?” Bungad ni Gerard saakin.

“Babe! Babe, babe mo mukha mo! Pag sabihan mo yang kaibigan mong yan ah. Manggagamit pala yang tj na yan!!” bulyaw ko sakanya.

“Ha? Anong manggagamit?” naguguluhang tanong niya.

“Nagmama-ang maangan ka pa!” Sambit ko sakanya.

“Marie, ano ka ba! Huminahon ka nga! Yung mga tao kayo na ang tinitignan oh.” Saway saamin ni faith.

“Eh kasi naman eh!!” iritang sabi ko.

“Kung nagawa man yun  ni tj, im suremay dahilan siya kaya niya nagawa yun.” Sambit ni Gerard. Nagpatuloy naman kaming kumain at nagkwentuhan kami.

E N D O F C H A P T E R 9

Bitterness turn to SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon