BITTERNESS TURN TO SWEETNESS
Chapter 7: Soon To Be Fiance
FAITH’s POV
“Im Tomjohn C, and you are?” Napabitaw ako sa yakap ko sakanya ng marinig ko ang pangalan nya.
Yung kahapon? Ewan! Ewan ko kung bakit ako napayakap sakanya ng ganun. Siguro dahil na din sa takot ko sa dilim. Pero bakit ganun yung pakiramdam ko nung araw na yun, ang wierd. Pakiramdam ko habang yakap ko sya ligtas ako, yun bang walang masamang mangyayari dahil yakap ko sya at dahil sya ang kasama ko. ewan, ang wierd ng feeling at ayoko ng maramdaman pa yun.
“O, faith anak, napadalaw ka!.” Nakangiting salubong sakin ni papa nung makapasok nako sa gate nila.
Nagtataka kayo kung bakit hindi GATE NAMIN No. Mula kasi nung mamatay si mama, matapos ang isang taon agad nag-asawa si papa. At simula nung araw nay un hindi ko na nakita si papa that time. Siguro nadala ako ng galit ko noon, pero sinuyo ako ni papa at napatawad ko naman sya pero hindi nako muling nagpakita pa sakanya. At ngayon. Ngayon nalang uli kami magkikita.
“Pa, sinong nandyan?” Rinig kong tanong ng isang babae. Agad naman ako napabitaw sa mga yakap ni papa.
“s..sya? a..anong ginagawa nya dito?” Yan ang mga tanong sa isip ko nung nakita ko sya, SYA.Yung babaeng ipinalit sakin ni francis.
“FAITH!!!!.” Rinig kong tawag sakin ni papa. Ngunit hindi ko sya nilingon, nagtatatakbo lang ako. hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
“FAITH, ANONG PROBLEMA?” Rinig ko pang sigaw ni papa sakin at alam kong hinahabol nya ko pero hindi ko pa din sya nililingon wala akong ginawa kundi ang tumakbo para hindi nya ko masundan.
“Ma, bakit? bakit sa dinami dami ng magiging anak ni papa sa kinakasama nya, Bakit yung pang pinalit sakin ng boyfriend ko? Ma, bakit ganun?” Mangiyak-ngiyak kong tanong sa puntod ni mama.
Sana hindi ka nalang namatay ma. Sana masaya ang buhay ko kahit na ikaw nalang ang kasama ko. Bakit ganun ma? Hindi naman ako mahirap mahalin diba, pero bakit lagi nalang akong naiiwan? Iniiwan ng mga taong MAHAL KO.
THYRONE’s POV
Medyo mahirap yung quiz namin ngayon. Itong si gerard, gumawa pa ng kodigo. Buti di sya nahuli. nakit kasi wala pa si tom eh, di tuloy sya nakapag quiz.
“Ikaw ba si faith?“ Dinig kong tanong ni lyca.
“Oo bakit?.” Dinig kong sagot ni faith. Andito ko ngayon sa third floor pababa n asana ako kaso nadinig ko tong si lyca eh.
“I warned you, kung hindi mo lalayuan yung boyfriend ko or should i say SOON TO BE FIANCE KO!.Makakatikim ka sakin.” Rinig kong sabi ni lyca kay faith. Sino naman kaya yung fiancé nya? kaka-intriga ah.
“Sino ba yung FIANCE MO?” Naguguluhang tanong ni faith. Im sure di pa nila ko pansin dahil nakatalikod kayak o sa kanila.
“Tss. Common ! NILALANDI MO HINDI MO KILALA?” Sigaw nya kay faith.
“EH, SIRA PALA TUKTOK MO EH, MAGTATANONG BAKO KUNG KILALA KO?” Bulyaw naman ni faith kay lyca. Mukhang napikon na ata si faith ah.
“Si TOMJOHN. Ngayon, kilala mo na yung nilalandi mo? kaya TANTANAN MO NA YANG PAG-IILUSYON MO SAKANYA.” Bulyaw ni lyca kay faith. SYA? FIANCE ni tomjohn? paanong nangyari yun, eh ang alam ko childhood friends lang sila ni tom. Kailangan malaman ni tom to, asan na ba kasi yun.