Chapter 2

100 14 0
                                    


"

"Oh, Ba't ganyan mukha mo, bunso?" bungad na tanong sa 'kin ni kuya habang nakasilip mula sa bintana ng kotse.

"Wala." maikling sagot ko. "Naka kotse ka yata?"

"Ako pa." aniya na confident pa.

Hindi kasi siya pinapayagan na magmaneho ng kotse ni papa unless he has some important things to do or he'll obey our father's order. Meron na siyang driver license pero dahil may pagkastrikto nga si papa minsan kaya ayon. 'Yong motor na ginagamit niya ay regalo sakanya ni papa last year.

Napailing ako.

"Bakit kasi hindi mo nalang sundin si Papa." suhestyon ko.

"Saka na, kapag umitim ka." sabi niya na tila nanghahamon.

Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit hindi niya iyon pinansin.

Palibhasa hindi pinapansin ng crush niya.

Anong konek self? Ah, basta.

"Oh, Momo nand'yan ka pala. Tara sabay kana sa 'min." aya ni kuya sakanya.

"Naku, 'wag na kuya. May pupuntahan pa po kasi ako. Next time nalang po." ani Momo.

Tiningnan ko naman siya at nginitian lang niya ako. I know she's lying. Nakita kong sumulyap pa siya sa kotse.

"Nga pala kuya. Ba't kasama mo sila?" tanong ko nang makita ko si Leiro nasa tabi niya si Keen sa backseat.

"Because I want to." sabi kuya nang nakangisi.

Here we go again.

Umirap ako. Ewan ko ba kung nang-aasar siya o ano. "Nasiraan kasi sila, bunso. Buti nalang nakita ko sila kaya pinasakay ko na." ngumiti pa siya ng matamis na animong may naisip na namang kalokohan.

Kung pwede ko lang batukan 'tong kuya ko ngayon ginawa ko na kaso baka mas lalo lang akong asarin, kaya 'wag nalang.

He's really determined.

"I have something to ask you tomorrow." bulong ni Momo kaya nagtatakang napalingon ako sakanya. "Sige po, mauna na ko sa inyo kuya, Avian. Bye!" nagwave pa siya.

Tiningnan muna niya ko nang makahulugan bago siya naglakad paalis.

"Oh, ano pang hinintay mo d'yan?" ani kuya nang hindi pa ako sumasakay.

Kaagad naman akong umikot sa sasakyan, binuksan ko ang pinto sa passenger seat saka pumasok. Nilingon ko ang backseat mula sa salamin. Nagkatinginan kami ni Liero, ngumiti siya sa'kin gano'n rin ako, si Keen naman naka-earphone at nasa labas ang paningin. Wala ata sa mood makipag-usap. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana.

Naging tahimik ang byahe namin pero makalipas lang ang ilang minuto ay nagsalita si kuya.

"Did you two already passed your requirements?" tanong niya habang nasa daan ang paningin.

"Yes po." si Liero ang sumagot.

"That's good." tumango-tango pa si kuya. Natahimik sandali.

"So, saang school kayo nag-enroll, Liero?" tanong ko kahit may kutob naman ako na parehas kami.

Gusto ko lang makasiguro.

"Same school, Avi. " si kuya ang sumagot. Napalingon ako sakanya. "I suggested it, since it's a good school and I'm sure they will accept them."

Paanong hindi magiging good ang school na 'yon kung hindi dahil sa scholarship na binigay sa'yo?

"Yeah," tanging naisagot ko saka tumingin sa labas.

MESSY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon