"Okay na po ba 'to, nay?" pakita ko sa ilang kinuha kong items . Nandito kami ngayon sa grocery store. Namali si Nanay kanina ng napili kaya pinalitan ko.
"Oo. Sige, ilagay mo na dito 'yan, 'nak." inilagay ko naman sa push cart ang kinuha ko saka kami dumiretso sa counter.
"Sandali lang 'nay. May titingnan lang po ako." Tango lang ang naging tugon ni Nanay.
Pumunta ako kung saan nakalagay ang mga junk foods. Habang tinitingnan ang ilang nakadisplay doon ay bigla nalang akong may nabangga at halos matumba ako.
"Oh," Naalalayan niya kaagad ako bago pa man ako mawalan ng balanse. "I'm so--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang magtama ang mata namin. Pareho kaming nagulat ngunit nauna akong makabawi.
"Hi." kaswal kong bati sakanya. Kahit sa loob ko ay parang may digmaang nagaganap. Tila natauhan siya sa sinabi ko at ngumiti.
"I'm sorry." Hindi ko alam kung tama ba ang lungkot na narinig ko. Napailing ako sa isip ko at kaagad nag-iwas. "It's been a while. How are you?"
"Fine." maiksi kong sagot. Saka tiningnan ang mga nakadisplay doon. Nalaglag ang balikat ko nang hindi ko makita ang hinahanap ko. Wala pa rin silang stock?
"I miss you." mahinang aniya.
Natigilan ako.
"Really?" Hindi ko maiwasan ang pait sa boses ko nang sabihin ko iyon. Ayokong maulit ang nangyari no'n.
Natawa naman siya. "Gano'n na ba ako kasama sa 'yo?"
"I didn't say anything." sabi ko.
"You.." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin niya.
"What?" nakataas ang kilay na sabi ko.
"... didn't miss me?" pagpapatuloy niya.
"Why would I?" mataray na tanong ko. "'Cause as far as I know. We ended our relationship 3 years ago. And you want me to forget you. So, why would I?"
"I don't believe you." seryuso niyang sabi habang umiiling.