"Avian? Anak? Gising na." dahan dahan akong nagmulat dahil sa boses ni Nanay. Kinusot ko ang mata ko saka nag-inat. Umaga na pala, hindi ko namalayan na nakatulog kaagad ako kagabi. Tumayo ako at lumapit sa pinto para binuksan iyon. Wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko. "Wala ka bang pasok ngayon?" tanong kaagad sa 'kin ni Nanay.
"Meron naman po, 'nay . Pero, hindi na kami nirerequired na pumasok para makapagfocus kami sa pag-aaral para sa exam namin sa wednesday."
"Gano'n ba... Oh, siya nga pala, may naghihintay sayo sa baba." ani Nanay.
"Sino po?" takang tanong ko.
"Me!" sigaw ni Momo na nasa likod pala ni Nanay.
Kaagad ko naisara ang pinto ng kwarto ko saka dali-daling pumasok sa banyo at nagtoothbrush, pagkatapos ay kumuha ako ng susuotin ko sa cabinet ko at bumalik sa banyo upang maligo. Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako. Narinig ko ang boses ni Momo sa kusina.
"Sige po. Sabihan ko po sila Mommy, gusto ko rin po talaga makapunta sainyo 'nay. Si Avian po ba nakapunta na? "
"Momo?" 'agad siyang napalingon sa 'kin.
"Oh, hi!" nakangiting kumaway pa siya.
Lumingon sa 'kin si nanay. "Oh, Avian halika na dito. Hindi ka pala kumain kagabi dahil nakatulog ka kaagad." lumapit naman ako sa lamesa kung saan nakahanda ang pagkain.
"Eh, kayo po. 'nay?"
"Naku. H'wag mo na akong alalahanin, kanina pa ako kumain. Sige na." ani nanay saka nagpaalam siya dahil may gagawin pa raw siya.
"Ikaw, Momo.." baling ko kay Momo.
"No, thanks. I'm full..."
"Bakit ka nandito?" pagpapatuloy ko sa sinabi ko. Sinamaan niya ko ng tingin.
"'Yong totoo, Avian Prexi Vidal gusto mong sabihin ko kay Warren na may--"
"Oo na." napipilitang sabi ko. OA.
Kinuha ko ang mangkok na may lamang kanin saka naglagay ako sa pinggan ko pagkatapos ay kumuha rin ako ng tuyo at itlog.
"... gusto ka sakanya?" natigilan ako sandali ngunit hindi ko iyon pinahalata sakanya.
Hindi ko siya kinibo.
Nagsimula na akong kumain.
Kung tatanungin ko ang sarili ko ngayon, wala. Wala akong gusto sakanya. Hinahangaan ko lang siya, hinahangaan ko ang paraan ng pagsasayaw niya at sa tingin ko magkaiba 'yon. On second thought I feel like it's more than that.
"I don't know."
"Psh. 'Yan! D'yan 'yan nagsisimula. Pero..." binitin pa n'ya ang sasabihin niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi siya. "... mukhang may gusto rin siya sa 'yo. Ayiee.."
Meet my assuming friend, Lorrie Monica Belinez.
"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko matapos kong inumin ang kape na tinimpla ni Nanay sa 'kin.
"Sekret." nang-aasar pa ang ngiti niya. "It's for me to know and for you to find out." kumindat pa siya.
"Saan mo naman napulot 'yang linya mo na 'yan?"
Nag-isip muna siya saka napangiwi. "Nakalimutan ko e. Hehe." nagpeace sign pa siya. "Pero totoo na may gusto ka sakanya-- I mean crush?"
"Paulit-ulit?"
"Naninigurado lang."
"So, ano nga ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka."