TLB 1

7 0 0
                                    

Dear Kookie,

Before I start, hi muna! Hahaha ok waley but yeah hope na mababasa mo talaga ang letter na ito. Kapag nabasa mo na ito it means wala na ako sa lupa kundi nasa langit na kasi ang ganda ko daw dahil sa mala-anghel kong mukha hahaha pero ito na talaga totohanin na.

Naalala mo pa ba yung unang tagpo natin? Hindi? Eeeh kainis naman eh! Alalahanin mo please? Hindi mo talaga maalala? Yun yung nagpapa-autograph ako sayo eh kasi nga diba ang sikat-sikat ng grupo nyo na BTS which is international group known na talaga kayo to the highest mountain everest! As in hindi ko na talaga kayo mareach!

Yeah back to the topic, nastarstruck talaga ako sa mukha mo nang makita ko ang mukha mo sa malapitan, akalain mo yun? Mas lalong kang gumwapo sa personal? As in omg! I can't breath! Tapos ayun nga nakipagpicture ako sayo with peace sign then pinaalis na rin ako ng buwesit na bodyguard nyo kasi may susunod pa raw aargh gusto ko pa sana makipagselfie sayo eh pero fine! Alam kong marami pang fans ang nag-aabang sayo hmp.

After ng fansigning ay akala ko na yun na yung huling kita natin but I was wrong kasi akalain mo yun! Nagkabundol tayong dalawa and it was just an accident! I was about to scream pero bigla mo lang tinabunan yung bibig ko pagtapos ay hinila moko sa kung saan man. Natakot ako nun kasi sa dilim moko dinala, akala ko gagahasin moko pero di pala kasi umiiwas ka sa mga crowded na lugar eh kasi nga sikat ka diba and pinagbantaan mo pa nga ako nun eh na wag na wag ko daw ipagkalat na nakita kita sa mall dahil baka hanapin ka ng mga fans mo kaya ayan tuloy nadisappoint ako sayo eh kasi nga diba pinagbantaan mo ang buhay ko aargh you're so bad Kookie pero ok lang yun kasi kahit anong gawin mo o sabihin mo ay mahal parin kita. Gusto mong malaman?

Ganito kasi yun, pinakilala kayo saking kaibigan ang grupo nyo at sabi niya ay maganda daw ang BTS kasi ang galing sumayaw tapos ay ang ganda pa daw ng mga boses nyo at saka total package na raw kayo dahil sa kagwapuhan ninyong pito! First crush ko nga si Jin eh kasi ang gwapo-gwapo niya dun sa Dope hihi pero mas gwapo ka talaga nung pinanood ko ang lahat ng MV ninyo. Kaya ayun, nangstalk ako sayo hahaha sorry alam ko creepy ang pagiistalk pero wala eh curious kasi talaga ko sayo tapos ayun nga nalaman ko lang na golden maknae ka pala ng grupo nyo at magaling ka daw magdrawing! Wow! Lalo tuloy akong na.inlove sayo nung pinakingggan ko ang kantang mong english! As in waaaah! Kinikilig talaga ako nun! Ikaw talaga Kookie! Neseye ne eng lehet!

Tapos ayun nga, papaalis ka sana nun pero bigla mo akong napansin na sumusunod na pala ako sayo kaya sinigawan mo ako bigla nun na ikinagulat mo tapos sigaw mo ulit na "go away bitch!!" nasaktan talaga ako nun sa sinabi mong bitch eh hindi naman ako ganun eh T.T ang sama mo talaga Kookie! Pero again wala lang sakin yun eh kasi nga love na love kitang bata eh ahihihi and yeah kahit anong sigaw mo sakin ay sinusundan parin kita eh kasi nga opportunity ko na to na makasama kita kahit sandali man lang? At dahil matigas ang ulo ko wala kang nagawa kundi ang hayaan akong sundan kita hanggang sa pumasok ka ng isa sa sikat na hotel dito sa Pilipinas!

Nagulat ka pa nga nun eh na nakabuntot parin ako sayo kaya napabuntong-hininga ka na lang nun tapos eto naman ako baliw na baliw sayo ay kinikilig lang ahihi. Sumakay tayo ng elevator nun pagkatapos ay pinindot mo 20th floor! Langya ang taas naman ng floor nyo! Pero wala lang yun sakin hihi. Pagkarating natin ng 20th floor ay pumasok ka sa isang magarang room na sa tingin ko ay VIP Room yun? And yeah pagbukas mo ng pinto ay nandun ang lahat ng miyembro ng BTS! As in huwaaaaaw! Makikita ko na naman ang buong miyembro ng BTS! Tuwang-tuwa talaga ako nun! Kaya lumapit ako bigla sakanila na may gulat sakanilang mga mukha. Nagtataka nga sila kung bakit may palakang nakapasok dun sa room nyo kaya inexplain mo ang lahat ng pangyayari kaya wala na rin silang magawa nun hahaha.

Nang malaman ko kung saang hotel kayo nagstay ay palagi akong nagpunta roon kahit tinatakwil nyo ko palagi eh kasi nga baka may makakaalam na nagstastay pa pala ang BTS sa Pilipinas, magkakarambola na talaga ang mga fangirls kung malalaman nila yun. Dahil makulit ako at matigas ang ulo ay naggive up rin kayo sawakas hahaha sorry na talaga eh kasi nga avid fan talaga ako sa inyo eh! And yeah balik tayo, lagi nga akong bumabalik sa hotel kahit ginagawa nyo na akong katulong eh kasi ako naman yung nag-insist eh para naman maappreciate nyo ang kabaitan ko hehe at para naman magkaroon kayo ng tiwala sakin. Lagi nyo nga akong pinagkaisahan at tinutulak nyo ako kay Kookie pero wala lang sakin eh kasi nga love ko kayo! Enebe! Kahit anong gawin o sabihin nyo sakin ay kinikilig ko talaga promise! Kasi nga feel ko close na close na tayo eh! Hahahaha

After 1 week ay nalungkot ako as in umiiyak talaga ako sa harapan nyo! Alam kong pangit akong umiyak pero hindi ko talaga kaya eh! Eh kasi nga babalik na kayo ng Korea! Huhuhu iyak ako ng iyak hanggang sa bigla na lang kumidlat at umulan ng malakas! Then bigla na lang natin nalaman na may bagyo pala! Kaya ayun! Tuwang tuwa ako nun eh kasi hindi matutuloy ang flight nyo dahil sa bagyo hahahaha kaya extend ang stay nyo sa Pilipinaaaaaas! Hahahaha

Lagi akong bumibisita sa inyo, pinagluluto ko pa nga kayo eh pero nahiya ko kay Jin ha eh kasi nga ang galing magluto! My gosh! Pwede na siya maging husband! Hahaha pero sayo parin ako boto eh kasi nga mahal kita hahaha.

Sa ilang araw nating pagsasama ay napagsabihan mo ko ng sekreto na ikinatuwa ko eh kasi nga feel ko na close na close na talaga tayo yung parang wala na talagang open hahaha ok ang corny ko. At yun nga, lagi moko sinasama sa lakad mo hahaha ang saya-saya nga nun eh kasi todo disguise ka nun kasi baka makita ka, dahil may pagkatanga ka minsan ay may nakakita sayo na biglang sumigaw na nandito daw si Jungkook kaya ayun run the show ang peg natin hahaha takbo tayo ng takbo nun hanggang sa nadapa ako bigla aargh sa putik pa naman ako nadapa nun! But still tinulungan mo parin akong tumayo pagkatapos ay bumalik sa pagtakbo kahit saan hanggang sa hindi natin namalayan na naligaw na pala tayo. Tinanong moko kung saang lugar na tayo pero hindi ko alam eh kasi nga ngayon ko lang nakita ang lugar na yun!

Napakamot ka pa nga ng buhok mo dahil feel mo naliligaw na talaga tayo, sinisigawan mo pa nga ako eh na ikinatakot ko. Halos nagwawala kana nun. Dahil sa engot ka nun ay ngayon mo lang naaalala na may dala pala tayong cellphone kaya dali-dali mong tinawagan ang manager mo dahil alam mong wala ring alam ang mga miyembro. After that ay naka-uwi rin tayo dahil nagpadala si manager ng isang kakilala niya na alam ang lugar na naligawan natin kaya ayun bigla mo kong niyakap sa tuwa hahaha may pagkachildish ka pala Kookie! Ayan tuloy na.inlove ako lalo sayo hahaha.

To be continued...

The Lost ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon