"yun yung lugar na gusto ko yun ang mangyari sa ting dalawa tapos titira tayo sa syudad na puno ng pagmamahalan."
Huh? Anong lugar yun?
After I read her letter ay hindi na talaga ako mapakali. Grace? Ano ba ang dahilan ng lahat na ito? Halos isang taon kana hindi nagpaparamdam and here I am crazily thinking of you. Bumalik ako ng Pilipinas pero hindi kita mahanap dun.
Yeah I treasure that girl that's why I'm worried for her.
She love me ha? Bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko yun naramdaman? Kung alam ko lang pala na mahal din niya ako ay sana matagal na pala naging kami but I was too stupid. Kasalanan ko ito, ganito na ba talaga ako kamanhid? Why? Kung alam mo lang kung bakit naging kami ni Gwen.
Where are you now Grace?
"Nabasa na namin ang letter niya, sorry kung pinakelaman namin" wika ni V na nakatayo sa harap ko.
Nandito parin kami ngayon sa studio namin tumambay. Ngayon ko lang napansin na kanina na pala akong umiyak ngayon. Aaargh I hate myself.
"Mukhang kailangan na talaga natin siyang hanapin, kawawa ang bata natin dude" wika ni Namjoon.
"Eh paano?" Tanong ni Jhope.
"May clue dun gago, nagbabasa kaba talaga?" Inis na sabi ni Namjoon.
"Ay oo nga sensya nakalimutan ko" napakamot ng ulo si Jhope.
"Eto oh, yun yung lugar na gusto ko yun ang mangyari sa ting dalawa tapos titira tayo sa syudad na puno ng pagmamahalan?" Wika ni Suga.
"Ang lalim naman" reklamo ni Jin.
"Lugar ba talaga yan?" Kunot-noong tanong ni V.
"Kailangan na ba natin ng cryptographer? O kaya detective?" Suhestyon ni Namjoon.
"Pwede ba yun?" Tanong ni Jhope.
"Suggestion ko lang" wika ni Namjoon.
Bigla kaming napatahimik nang may biglang bumukas ng pinto at iniluwa nun si Ate Apple ang manager namin.
"Oh? Anong nangyari sa mga mukha nyo? Seryoso ata? Ay oo nga pala malapit na pala ang Araw ng mga Patay" sabi ni Ate Apple pagkatapos ay lumapit samin.
"At anong Love Letter yang hawak-hawak mo Snow White?" Tanong niya kay Suga na ikinatawa ng mga kasamahan ko.
"Ate naman eh" maktol na sabi ni Suga.
"Snow White! Hahahaha" tawang sabi ni Jin.
"Shut up Aurora, naku naku nakapink ka na naman?" Pameywang na sabi ni Ate Apple kay Jin.
"Ladlad na kasi hahaha" hagalpak na tawa ni Namjoon.
"Ikaw ba naman Belle! Nakita na naman kita na sinisira mo yung mga super mario stuff toys ni Jin grabe dapat Beauty and the Destroyer na talaga yan hindi na the beast" saway niya kay Namjoon.
"At ikaw Donkey! Sinong may sabi na tumawa ka ng tawa diyan? Grabi hindi kaba nahiya sa sarili mo na ang lakas mong tumawa" turo niya kay Jhope.
"At ikaw Pandesal! Nakita na naman kita na nagpapakita ng abs sa harap ng mga fans mo, bastos ka talagang bata ka" saway niya kay Jimin.
"Huh? Eh request nila yun eh" ngusong sabi ni Jimin.
"Kahit na" Ate Apple rolled her eyes then tiningnan niya si V.
"At ikaw naman Sailor Moon, mind explain this to me? Anong kababalaghan na naman ito?" Pameywang sabi ni Ate Apple.
Yeah she's really our manager, may pagkaterror siya minsan but we know na para sa ikabubuti namin yun kaya love na love namin si Ate Apple.
"Uh-uhm eh kasi ate" kamot-ulong sabi ni V.
"Spill it" sabi ni Ate.
Binigay bigla ni V ang letter ni Grace pagkatapos ay binasa naman ni Ate Apple.
Seryosong binasa naman niya ito pero minsan ay kinikilig tapos ay tumawa na parang ewan. Bigla rin agad naging seryoso yung mukha niya nang patapos na siya sa pagbabasa.
" yun yung lugar na gusto ko yun ang mangyari sa ting dalawa tapos titira tayo sa syudad na puno ng pagmamahalan." She murmured tapos ay parang nag-iisip.
"Oo nga pala ate, alam mo ba ang sagot niyan? Tulungan mo naman kami para tumahimik na to si Kookie, kanina pa tong umiyak eh" awang sabi ni V tsk sarap upakan. Yeah I admit it na kanina pa ako umiyak eh si Grace eh.
"Seriously? Hindi nyo alam ang sagot nito? Yung totoo?" Gulat na sabi ni Ate.
"Alam nyo na ang sagot? Wow ang galing talaga ng manager natin! Yes! Mahahanap narin natin siya!" proud na sabi ni Jhope, nagpalakpakan naman silang lahat ngunit si Ate ay nakataas lang yung kilay.
"At sinong may sabi na sasabihin ko sa inyo? Problema nyo na ito kaya kayo ang dapat sasagot niyan at saka ikaw Mr. Jeon Jungkook" seryosong tingin ni Ate Apple sakin. Nag-angat ako ng tingin sakanya.
"Sa tagal nyong kilala, from the very first place"
"Wala ka man lang naramdamang kakaiba?" Tanong ni Ate Apple sakin.
Yeah ako na ang manhid, sinadya ko ba yun? I was left dumbfounded also nang mabasa ko yan.
"I'm sorry" tanging sagot ko then Ate Apple let out a big sigh.
"Minsan talaga, sa kakatakot nating masaktan ay hindi na lang natin binigyan ng mahalagang pansin ang nararamdaman ng isang tao. Alam mo ba na maraming nabigo sa "akala mo"?"
"Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Grace and I think kailangan nyo na talaga siyang makita before its too late" wika ni Ate Apple, lumapit siya sakin then she cupped my face para magkatagpo ang aming paningin. Nilapit niya ang mukha sakin na may pag-alala sa kanyang mga mata.
"You love her don't you?" She asked na ikinahinto ng paghinga ko.
Mahal ko ba talaga si Grace? Pero siya talaga ang tinibok ng puso ko. Ewan ko hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko.
"I knew it, ramdam kita Jungkook. Naranasan ko na ang ganyan at alam mo ba kung ano ang masakit?"
"Ay yung pinabayaan mo ang taong hindi mo akalain na siya na pala ang nakatadhana sayo" she said nang may naramdaman na naman akong mainit na likido sa pisngi ko until I realized na umiyak na naman pala ako.
"Find her, I'll give you a clue" sabi niya na nagbibigay pag-asa sakin.
"Ito talaga ang gusto ng mga nagmamahalan ay maging sila" ngiting sabi niya pero clueless parin kami.
"Peru!" Sigaw bigla ni Jhope.
"Yan ang gusto ng mga nagmamahalan diba? PERUver? Yung forever?" Wika ni Jhope, binatokan naman agad siya ni Namjoon.
"Ikaw talaga puro kalokohan" sabi ni Namjoon.
"Baka Ghana! Yung Walang hangGHANAn?" Sabi bigla ni V pagkatapos ay binatukan naman siya bigla ni Jimin.
"Gago" saway niya kay V.
Lumayo si Ate Apple sa puwesto ko pagkatapos ay may kinuha siyang mga gamit. Inilapag niya ang ballpen at papel, lapis at burador, sapatos at medyas then isang nag-iisang padlock.
"Ano ang napapansin nyo?" Tanong ni Ate Apple pagkatapos niyang inilapag ang mga gamit.
"Lahat sila ay may kapares except na lang sa----" napahinto bigla si Namjoon na parang may nalaman na siya. Alam ko na!
"Paris" sabay sabi naming pito.
BINABASA MO ANG
The Lost Butterfly
RomanceThe reincarnation of two people who didn't had a chance to show their love from the past generation.