Lunes, my hatest day psh. Pasukan na naman kaya tamad akong naglalakad ngayon, mukha akong zombie na naglalakad kung titingnan mo. I hate school I admit it but I have goals so kailangan tiis-tiis muna.
Pagpasok ko ng classroom namin ay umupo agad ako sa upuan ko pagkatapos ay napahalumbaba sa mesa ko.
After few minutes ay may biglang pumindot ng likuran ko pero hindi ko yun binigyan ng pansin kasi pagod ako. Tamad ako ngayon, Tamad Day talaga ako kapag Monday.
Pindot ng pindot parin siya sa likod ko. Aargh sino ba tong istorbo na ito psh.
Nag-angat ako ng tingin. Ok ang magaling kong bestfriend. Alam ko na uso ang move on ngayon pero langya hindi ko parin yun malilimutan yung sinabi ng babaeng hipon sakin, kung makapanglait parang perpekto na aaargh. Alam nyo ba na wala pang nakapagsabi ng ganun sakin? Inano ko ba siya ha? Oo ako na sensetive pero magiging tigre talaga ako kapag sunod-sunod na yung kamalasan ko, hindi ko na sana yun papansinin pero nabebeastmode na talaga ako nun eh lalong lalo na yung ilong na yun akala mo gwapo kung makapanghila wagas tapos aangkinin niya ako bigla na wala man lang akong kaalam-alam? Ano ako? Laruan? Pwes hindi niya ako maloloko.
Speaking of my bestfriend. Simula ng araw na yun ay hindi ko talaga siya pinapansin kasi ayokong madamay siya sa galit ko kaya gusto ko muna mapag-isa at alam ko kung ano ang kailangan niya ngayon.
"Bestie, my Ciara" palambing niyang sabi, yucks! Kadiri talaga tong magpabebe hindi bagay, nag-angat naman ako ng tingin sakanya.
"Sorry na oh nung nangyari sayo nung isang gabi. I know na kasalanan ko, sana sinama ka na lang namin. Eh si Jin kasi eh gusto niya daw muna akong masolo so please Ciara sorry na hindi na talaga mauulit" paliwanag niya.
Psh matitiis ba kita Kim? Eh ikaw lang naman ang nag-iisang kaibigan ko dito duh.
"Ok lang, gusto ko lang talaga magcooldown kaya hindi kita pinapansin kahapon. Kalimutan mo na yun" sabi ko sakanya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Yehey! Ikaw na talaga ang the best bestfriend hahaha thank you Ciara" she said pagkatapos ay bumalikwas na rin, I just rolled my eyes.
Lunchbreak...
Nandito kami ngayong tatlo sa cafeteria. Yeah nagsosorry rin si Jin sakin pero as usual ay tinanggap ko rin ang paumanhin niya, mabait ako eh.
At dahil may kasalanan daw si Jin sakin ay libre niya daw ngayon kahit alam namin na araw-araw niya kaming nililibre, siya ang may gusto kaya grab the opportunity. Laking pasasalamat ko nga sakanya eh kasi iwas gastos ako so ang alalahanin ko lang ngayon ay tuition ko. May kaya naman kami pero duh kuripot ako eh paki nyo ba?
Pagkatapos naming kumain ay iniwan ko muna sila coz I know na kating-kati na silang maglandian, may puso rin ako paminsan-minsan kaya naiintindihan ko sila.
Pumunta muna ako sa School Garden namin upang magpahangin, matagal-tagal pa naman magsisimula ang klase namin kaya tambay muna ako dito.
Umakyat ako sa may puno dahil mas mahangin doon at saka para walang makakapansin sakin ayoko ng istorbo, wala akong lahing unggoy ha.
Nang makaakyat na ako sa puno ay muntik na akong mahulog! Langya! Bakit may kabayong nakaakyat dito?!
Nang mapansin niya ako ay muntikan na rin siyang mahulog ngunit naagapan naman agad. Nagulat siya nang makita niya ako.
"Hoy miss! Delikado dito at saka paano ka nakaakyat dito? Ang taas kaya nito" tarantang sabi niya sakin na para bang natatakot sa posibleng mangyari sakin.
I swiftly jumped upang makapatong ako sa kabilang sanga na ikinagulat na naman niya.
"Hoy miss! Ano ba! Aatakihin ako sa puso sayo eh! Magpapakamatay kaba?" Sigaw niya sakin pagkatapos ay tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
The Lost Butterfly
RomanceThe reincarnation of two people who didn't had a chance to show their love from the past generation.