TLB 4

1 0 0
                                    

Hinihanda ko na ang mga gamit ko papuntang Paris. Hope na makita ko agad si Grace doon.

"Pano mo mahanap agad si Grace eh ang laki-laki ng Paris?" Tanong ni Jhope.

Yeah I know its complicated but I will try my best na mahanap ko agad siya.

"Tanungin kaya natin yung kapatid niya? Baka may alam?" Suhestiyon ni Jimin.

"Gago, sabi nga diba ay nakita niya lang yung letter sa kwarto ng ate niya at saka nasa Pilipinas yung kapatid niya habang si Grace ay nasa Paris" wika ni Namjoon.

"Aba malay natin baka nagsinungaling yun" sabi ni Jimin.

"So sinungaling ang kapatid niya?" Walang ganang sabi ni Suga.

"Hindi ko sinabi yun, nagbabasakali lang naman ako" sagot ni Jimin.

"Satsat kayo ng satsat, tara na baka mahuli tayo sa flight" sabi ko pagkatapos ay lumabas habang dala-dala ko ang maleta ko.

Inilagay namin lahat ang mga gamit namin sa likod ng van pagkatapos ay pinaharurot rin ang sasakyan papuntang airport.

Kasama namin ngayon si Ate Apple dahil responsibilidad niya raw kami, ok na rin yun dahil mukhang may maitutulong rin siya samin pagkatapos ng nagawa niyang tulong samin kagabi.

Kanina ko pa ito napapansin si Ate na busy sakanyang cellphone pero sa tingin ko ay para sa mga schedule namin yan, napakasipag talaga ng manager namin.

Nasa airport na kami ngayon, parang kinakabahan ako na ewan hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.

"Kalma lang" wika ni Ate Apple na nasa tabi ko siya ngayon. Nakaupo siya sa may bintana pagkatapos ay inihiga niya ang sarili sa upuan.

"Relax, matagal-tagal pa tayong makakarating doon. Reserve your energy para sa adventure natin sa Paris" she said then she closed her eyes.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng mga ilang oras ay nakalapag na rin kami ng Paris. Mas lalo talaga akong kinakabahan ngayon, parang masama talaga ang kutob ko sana naman hindi.

Nagcheck-out agad kami ng Hotel habang nakafacemask parin kami. We need to disguise dahil baka makilala nila kami pagkatapos ay hahabulin kami ng fans at hindi titigil hanggang hindi kami magpapakita.

"2 Family Room and 1 Single Room" Ate Apple said pagkatapos ay binigyan siya ng tatlong susi.

Kami nina Jimin at V sa isang room, sina Jhope, Namjoon, Jin at Suga naman sa kabila pagkatapos si Ate Apple sa single room.

"Pansin ko, kanina pa talaga busy si Manager sa cellphone niya pati na rin sa loptop, naalala ko tuloy ang abogado sakanya eh kasi ang daming papeles niyang tinitingnan, kagabi pa yun eh" biglang sabi ni Jimin.

"Napansin mo rin pala yun? Baka sa schedule natin yun at pati sa mga endorsement o activities natin? Kilala mo naman si Manager diba? Masipag" sabi ko.

"May point ka rin pero chill like a boss naman yan palagi si Manager eh, nagtataka nga ako kung bakit successful niyang nagawa ang lahat eh hindi halata sa mukha niya yung pagkastress?" Sabi ni Jimin.

"Itulog nyo na lang yan" wika ni V.

"Mabuti pa dahil maghahanap na tayo kay Grace bukas" suhestiyon ko.

Next day...

Pumunta kami ng isang Art Museum, nagbabasakali na nandito siya dahil mahilig yun sa mga paintings. Baka dito na siya nagtatrabaho but we failed kasi wala daw silang kilalang Grace Hyun na kilala.

The Lost ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon