TLB 8

2 0 0
                                    

Aaargh kanina pa ako naglilibot dito sa mansiyon na ito pero hindi ko mahanap ang anyo ng isang magaling kong bestfriend. Ganun pala ha, mag-iinvite eh iiwan lang pala ako sa ere psh.

Dahil masakit na yung paa ko ay napagdesisyonan ko na umupo na lang kesa maghanap sa taong hindi naman magpapakita, waste of efforts psh.

Umupo ako sa may gilid kung saan malayo-layo sa mga crowded.

May lumapit na waiter sa kinaroroonan ko upang magbigay ng mga iinumin, kumuha ako ng isa tutal minsan lang rin naman ako iinom.

Pag-inom ko ng wine ay bigla akong napangiwi sa lasa, ang tapang naman ng lasa na ito.

"Ciara!" Tawag ng isang pamilyar na boses, ok kilala ko na siya..ang magaling kong bestfriend na nangiiwan sa ere tsk.

"Saan kaba galing? Kanina ka pa namin hinahanap" sabi niya nang makalapit na siya sakin, I just rolled my eyes.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko habang hawak-hawak ang glass of wine.

"Hindi pa nga nagsisimula eh" sagot niya na ikinagulat ko.

"Whaat?!" Sigaw ko.

"Almost 7pm na hindi parin nagsisimula?" Gulat kong tanong sakanya.

"Eh sorry na, alam mo naman diba Filipino Time hehe" ngiwi niyang sabi, I rolled my eyes again aargh.

Nakita ko naman si Jin na papalapit sa kinaroroonan namin na may kasamang lalaki na hindi ko kilala.

"Oh Ciara, buti naman nahanap ka na ni Kim" sabi niya nang makalapit na siya samin.

"Oo nga pala, Yoongi pala my cousin, Yoongi this is my soon to be wife Kim at Ciara naman her bestfriend" pagpapakilala ni Jin samin.

"Hi Yoongi, I'm Kim nice to meet you" pagpapakilala ni Kim kay Yoongi na nagkakamayan.

"Nice to meet you too, I'm Yoongi" ngiti niyang sabi.

"Ciara" I said pagkatapos ay tinanggap ko rin ang kamay niya. Grabi hiyang-hiya naman ako sa kutis niyang maputi, pwede na siya isali sa Guinness Book World of Record sa pagiging pinakamaputing tao sa buong daigdig.

"Uhm pwedeng samahan mo muna si Ciara dito Yoongi?" Sabi ni Jin pagkatapos ay parang may sinenyas siya na nakuha naman ni Yoongi ang ibig ipahiwatig ni Jin.

Tumango naman si Yoongi pagkatapos ay umalis na sina Kim at Jin, ok iniwan na naman nila ako. Sa susunod talaga ay hindi na ako sasama sakanila promise!

"Uhm" he said.

"What?" I asked.

"Uhm nothing, anyways ayaw mo bang kumain? Maraming pagkain sa kusina" suhistyon niya na parang naiilang, ay oo nga pala kakakilala lang namin.

"Mabuti pa nga" sagot ko pagkatapos ay papatayo na sana ako nang bigla akong napatapilok, ay anak ng---

"Be careful" sabi niya habang yakap-yakap niya ako to give support, wait have I said yakap? Yakap? Kay Yoongi?

Napabalikwas naman ako agad pero damn! Matutumba na naman ako waaah!

"Ano ba miss mag-ingat ka nga" reklamo niya habang hawak-hawak niya ako sa balikat para magbigay balanse. Aargh ano na ba ang nangyari sakin ngayon? Psh.

"Oh ikaw pala Jeon, pasensya kana sakanya" sabi ni Yoongi pagkatapos ay kinuha niya ako papalapit sakanya.

"Tsk" he murmured nang biglang nawala ang ilaw maliban sa may stage, siguro magsisimula na.

"Sorry to keep you waiting and now we'll start the program" sabi ng emcee.

"Are you ready?!!" Masiglang sigaw ng emcee na nakpagbibigay hiyawan ng mga bisita.

"Lets welcome our birthday girl tonight Miss Apple!!" Emcee said pagkatapos ay nagsipalakpakan ang mga bisita.

"Good evening ladies and gentleman. Thank you for attending here I appreciate it a lot" Birthday girl said.

"I can't believe that I'm now a 25 year old, ang bilis talaga ng panahon--" she said nang bigla na lang may humila sakin, teka kailangan talaga akong hilahin? At saan kami pupunta?

"Hoy Yoongi, saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya pero hindi sumagot, aba't bastos na bata to sarap kalbuhin.

"Hoy! Ano ba!" Sinubukan kong pumiglas but he was too strong aargh mas lalo lang niya hinigpitan ang paghawak sa braso ko.

"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Galit na tanong ko sakanya nang makalabas na kami ng mansyon.

Ugh ang sakit na talaga ng paa ko, bwesit na Kim yun pinapasuot pa naman ako ng heels eh hindi ako sanay dito psh lagot talaga siya sakin.

Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa napunta kami sa isang garden. Ok ano ang gagawin namin dito?

Napahinto na rin kami sa paglalakad pagkatapos ay umupo na siya sa may bench. Teka hindi ito si Yoongi ah?

"Jeon! Jeon!" Biglang sigaw ng isang babaeng hindi pamilyar ang boses.

Bigla na naman ako hinila ni Jeon papalapit sakanya pagkatapos ay yung kamay ay nasa waist ko na, aba't tsansing to ah.

"Can you please stop chasing me Gwen! And please give us a privacy with my girlfriend" singhal niya sa babae, wait teka-tama ba ang narinig ko? Girlfriend? Who? May kasama pa siya dito?

"Stop fooling me around Jeon, you don't have a girlfriend" she rolled her eyes.

"I said I don't like you! Mahirap ba yun intindihin? And she's really my girlfriend!" Tumingin siya sakin, teka whaat??! Ako? Girlfriend niya? How come? Mapapatay ko talaga tong lalaking ito, mabebeastmode na talaga ako nito.

"You can't mess with me Jeon, that girl? Your girlfriend? Wala ka na bang taste Jeon? Flatchested, walang ka height-height, tingnan mo nga ang kutis oh hindi pangmayaman, yeah maputi nga siya but not like mine na makinis, yaks! Walang ka-taste taste" aba't ako ba ang jinujudge niya ha?!! Flatchested?? Ako??! Sasabunutin ko na talaga ang babaeng to! Punong-puno na talaga ako! Kanina pa talaga ako nababadtrip bwesit.

"For your information babaeng hipon na clown kung makacontour parang mauubusan na ng make up. Eh ano ngayon kung wala akong ka-taste taste? Anong akala mo sakin? Prostitute? Kung sinong-sino lang ang tumitikim? At lingid sa kaalaman mo ay huwag na huwag mo akong susubukan dahil hindi moko kilala. And yeah I'm not his girlfriend so satisfied na?" Taas-kilay kong sabi.

"Sa--" putol niyang sabi.

"Hep! Hindi pa ako tapos!" Sigaw ko sakanya.

"Mahiya ka naman sa lahi mo girl, kababae mong tao tapos ikaw yung maghahabol sa lalaki? Bakit girl? Siya na lang ba ang lalaki sa mundo ngayon kaya despereda ka ng makuha siya?" Singhal ko sakanya.

"At ikaw naman lalaking walang modo kung makahila akala mo hindi ako nasasaktan? Kung gusto mong umiwas sakanya huwag kang gumamit ng tao, sabihan mo siya ng masinsinan at kung hindi talaga siya makikinig ay patayin mo! Bwesit pala eh! At saka punong-puno na ako sa inyo! Kaya hangga't maaga pa ay magsialisan kayo sa mga paningin ko mga bwesit!!" Sigaw ko sakanilang dalawa pagkatapos ay kinuha ko ang heels ko dahil masakit na talaga ang paa ko at saka ay umalis na rin ako sa kinaroroonan nila.

Bwesit hindi pa ako nakakakain ay binabadtrip na ako ng hipon at ilong na yun? Aargh!

I texted Kim na mauna na akong umuwi kasi hindi ko na talaga kaya ang kabwesitan ko ngayon psh.

The Lost ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon