Dear Kookie,
Sa loob ng 2 weeks nating pagsasama charot hahaha naging tagumpay naman ako kasi one of my goals ko talaga ay magkakakilala talaga tayo as in superb closeness hahaha.
After ng 2 weeks nyo sa pagstay ng Pilipinas ay umuwi na kayo ng Korea nun huhu ang sakit kasi uuwi na talaga kayo ng tuluyan huwaaa! Pero okay lang yun kasi may hidden agenda ako na ikinagulat niyo hahaha. Tadaan! Sinundan ko talaga kayo sa Korea na ikinatuwa niyo na ikinagulat ko naman kasi hindi ko talaga aakalain na matutuwa kayo nun na magstastay ako sa Korea hahaha. Matagal ko na yun pinag-ipunan ang pera ko para sa trip to Korea ko hahaha. Girl Scout talaga ako noh? Hahaha.
Kapag may gimik kayo ay sumasama ako lalo na't pag may concert kayo ay sumasama ako sa inyo kaya ayun tuloy akala nila na katulong nyo ako pero whatever ang importante ay kasama ko kayo kyaaah.
Sa araw na pinagsamahan natin, ang hinding-hindi ko talaga malilimutan ay yung hinalikan mo ko sa labi langya ikaw Kookie ha hindi mo pala sinabi sakin na may pagnanasa ka pala nun sakin hihi pero ang saklap lang kasi aksidente lang yun dahil sa kalasingan mo hmp nagtatampo talaga ako sayo nun pero ok lang eh kasi celebration nyo yun sa iyong pagkapanalo kaya ok lang sakin na maglasingan kayo hehe at alam ko na ngayon mo lang nalaman kasi hindi ko naman sinabi noon sayo eh baka mailang ako o ikaw ay basta ayoko.
Naalala mo pa ba nun na bigla akong umuwi ng Pilipinas? Alam kong magagalit ka nun o kayong lahat kasi hindi ako nagpapaalam hehe sorry na biglaan naman kasi akong pina-uwi ng kapatid kasi uuwi na yung mama ko galing abroad, alam mo naman diba na hindi ko sinabi sa mama ko na pupunta ako ng Korea eh papagalitan ako nun eh dahil bata pa daw ako eh sa totoo nyan 21 na ako hmp.
Pero nagbalik naman agad ko na ikinatuwa nyong lahat hahaha pero mas natuwa ako nun na bigla mokong niyakap tapos ewan ko kung bakit umiyak ka nun grabi iyakin ka pala Kookie hahaha ok wag kang mag-alala hindi ko ipagkakalat pero nagtampo talaga ako sayo nun hmp. Nawala lang ako ng ilang araw sa Korea ay naging sikat ka na bilang International Playboy??! As in wtf wala naman akong pagkukulang ah? Ay charot hahaha pero ok lang kasi mahal kita eh haha ok ako na ang tanga.
Hindi ko akalain na umabot tayo ng ilang taon kaya sinupresa ko kayong lahat para sa pagdiriwang ng ating 1st Friendsarry! Oh diba bongga? Hahaha nag-effort talaga ako nun ah kaya pasalamat ka hehe. Ang saya talaga ng araw nun as in hindi ko talaga maimagine hehe hindi ko talaga yun kakalimutan lagi na yung nakatatak sa isip at puso ko promise.
After that ay may pinakilala ka samin, isang babae na ubod ng ganda as in parang model! Tapos ay bigla lamang kaming nagulat sa sinabi mo na girlfriend mo na ang babaeng yun! Ok mukhang ako lang talaga ang nagulat. Alam mo ba? Nasaktan ako nun pero tinawanan ko na lang baka mahalata delikado na hahaha. I forgot to congratulate you eh kasi nga bigla akong umuwi nun eh hahaha sorry peace yow.
Ayun nga, since na nagkagirlfriend kana ay lagi mo na siyang kasama. Part of it ay nagseselos talaga ako pero alam ko na wala akong karapatan eh kasi nga diba kaibigan lang tayo? Kaya ok lang wag kang mag-alala kasi ang mahalaga ay masaya ka. Kung masaya ka ay masaya na rin ako oh diba quits lang hahaha. Sana hindi lalayo ang loob mo sakin kung nabasa mo na ito kasi gusto ko stay friends parin tayo no matter what. Atleast ang pagiging kaibigan ay may forever talaga hahaha.
Pero Kookie, seriously. Alam ko na binabasa mo na ito ngayon at alam mo rin na nasa ibang planeta na ako hahaha pero hindi mo alam kung saan at kung ano ang dahilan pero wag mo na yun isipin kasi ang gusto ko lang talaga malaman ay yung kalagayan mo, kung masaya ka parin ba, naging mature na ba yung utak mo hahaha. Basta yun lang ang gusto kong malaman sayo dahil mahal na mahal kitang bata ka kahit napakakulit mo hahaha.
Kung gusto mo talaga akong makita ay bibigyan kitang clue pero hindi ko agad sasabihin sayo papahirapan muna kita hahahaha. Eto na, eto talaga ang gusto ko mangyari para satin pero sa tingin ko ay wala na akong pag-asa eh kasi nga diba may mahal kana kaya hindi ko na lang ipagsiksikan yung sarili ko hahaha. Hoy lugar yun ha! Basta yun yung lugar na gusto ko yun ang mangyari sa ting dalawa tapos titira tayo sa syudad na puno ng pagmamahalan. Goodluck :)
Nagmamahal,
Grace"Anyare dude?" Tanong ni V sakin.
Hawak-hawak ko ngayon ang sulat ni Grace na ibinigay ng kapatid niya, nakita lang daw niya sa kwarto ni Grace.
"Hala umiyak ang bata" sigaw ni V sa kasamahan namin. Lumapit naman agad sila pagkatapos ay kinuha ni Namjoon ang sulat.
"Ang taas naman nito, ano ba ang meron?" Tanong ni Namjoon na tumitingin sa sulat ni Grace.
Bakit? Bakit? Yun ba ang dahilan Grace kung bakit bigla ka na lang nawawala? Nasaan kaba talaga ngayon Grace? Gusto na kitang makita at makausap ngayon.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Lost Butterfly
RomanceThe reincarnation of two people who didn't had a chance to show their love from the past generation.