Chapter Two

0 0 0
                                    

Naglalaway habang tulog ng tingnan ni Mark ang kaibigan. Halos mahulog na siya sa pagkakaupo sa likuran. Mahihilo na rin ito at gumegewang minsan ang sasakyan tuwing iiwas sa mga sasakyan sa unahan. Mamikit-pikit na siya at pabagsak na ang kanyang katawan. Natatapakan na rin niya ng magbigat ang silinyador at bumibilis na ang takbo nila. Mabuti na nasisilaw siya sa mga ilaw ng nakakasalubong at nababalik sa normal ang pagmamaneho. malapit na sila sa huling exit nang bigla siyang makarandam ng matinding antok at tuluyan ng gumilid ang sasakyan nila. Naalimpungatan nalang siya ng bigla itong malaglag sa kalsada at pabunggo na sa isang signage, nailiko pa niya iyon at naiwasan pero isang maliwanang na ilaw ang direktang sumalubong sa kanila. Nagulat si Mark biglaang pagsulpot ng sasakyan sa unahan kaya nakabig nito ang sasakyan. Tumama ang unahan nito sa barikada ng ginagawang parte ng kalsada. Hindi sapat ang mga iyon, rumagasa ang sasakyan at tuloy-tuloy itong nahulog sa butas sa kalsada. Hindi nakakabit ang seatbelt nila pareho ng kaibigan kaya hindi na-activate lahat ng safety features ng bagong sasakyan niya.

***

Naabutan ng otoridad ang sasakyan ni Mark ng nakadausdos sa kanal na ginagawa. Nakaandar pa naman ang mga ilaw ngunit umuusok na ang unahan nito na lubhang napinsala. Mabilis silang lumapit dito at napansin ang dalawang binata sa loob, duguan at mga walang may. Tinangka nilang buksan ang mga pinto ngunit biglang nagliyab ang likurang bahagi nito at sinakop ang parteng lagusan. Hindi agad sila nakalapit dahil sa pangambang baka sumabog ito. Napansin ng isa sa mga medics na gumagalaw pa ang driver at pilit na nilalapitan ang kasama. Sinubukan nilang apulahin at kontrolin ang apoy para mailabas ang dalawang binata mula sa sasakyan. Ilang saglit pa, nang ililipat na ang mga si Mark sa stretcher, lumiyab ulit ang sasakyan at nagsimula nang tumagas ang gasulina. Sumigaw ang isang myembro ng medya na nakapansin sa gasulina kaya madaling inilayo si Mark. Hindi pa man nakakatayo ang mga medic biglang kumalat ang apoy at nilamon na ng buong sasakyan. Ilang minuto pa ay sumabog ito kaya tumilapon ang mga rescue team na nasa kalapit ng aksidente. Nakakagulat ang lakas ng pagsabog dahil sa laki ng nasakop nito. Kinailangang isara ang buong parteng iyon para maapula ang apoy na kumalat na rin sa talahiban sa tabi ng kalsada.

***

Dumilat si Mark. Maliwanag na, hindi niya maalala anong huling pangyayari. Nagulat siya ng magunita ang malakas na pagsabog at pagbagsak sa lupa. Nawala na ang malay niya nuon. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman na ligtas siya. Pero napabalikwas siya na hindi niya nakitang nailabas angg kaibigan mula sa sasakyan bago ito sumabog. Tumingin siya sa paligid pero walang tao. Tangin ang tunog lang ng mga nakakabit na makina at patak ng swero ang naririnig at kasama niya. Pinindot niya ang isang remote ay biglang nagbukas ang pintuan. Niluwa nito ang isang doktor kasama ang dalawa pang mga nars. Agad nilang nilapitan si Mark at kinuhanan ng punang obserbasyon bago kinausap. Babagon na, sana si Mark para umupo pero pinigilan siya ng doktor. Sabay turo sa nakaangat na paa nito, may semento at puno ng benda. Hindi namalayan ni Mark iyon, ni hindi niya narandaman ang sakit na dapat maidudulot nuon sa kanyang biglaang pagkilos.

"May kasama po ako. Nasaan siya?" Ang mabilis na tanong ni Mark.

Nagtinginan ang mga nars at doktor. Bago nila ito sinagot. Lumabas ang dalawang nars at naiwan sila ng doktor na nagaasikaso sa kanya. Inilapag ang hawak na clipper pad sa lamesa at tinitigan si Mark.

"Mr. Esteban, wala na po siya dito. You have been in a coma for two months. We were suprised that you are awake and you have your memories with that amount of damage na natamo mo sa aksidente. As for your friend, well.."

Napatigil ang doktor sa pagsasalita tumingin sa sahig bago nito tiningndan muli sa mata ang pasyente. Bigla namang pumatak ang luha ni Mark sa tila masamang impormasyon na sasabihin ng kanyang doktor. Mahapdi ang mukha ni Mark sa bawat agos ng luha niya. Nagiinit ang kanyang mukha sa emosyong dala ng naririnig. Itutuloy na sana ng doktor ang sasabihin ng sumabat si Mark.

"Where is he, doc?"  Hindi niya kayang marinig iyon ng matahan kaya bumaling siya sda kisame ng tingin.
"Well, he was in a coma when he was discharged. Nilipat na siya ng ospital sa ibang bansa dahil sa sensitivoty ng kondisyon niya. He needed a series of surgery sa dami ng fractures at sa pamumuo ng dugo sa utak sanhi ng matindi trauma. As far as we know, that is all we have to tell you Mr. Esteban."  Tumayo na at palabas na ng pinto ang doktor ng humabol ng tanong si Mark.
"Doc, wala pa bang bumibisita sa akin?"
"Since you came in, once, your lola came to see you but left soon after. Only the nurses have been attending you. Now na gising ka na, we will notify your relatives Mr. Esteban and bring then the good news! Excuse me."  Umalis na ito at isinara ang pinto. Si Mark naman, naluha nalang ulit sa nalaman. Hindi na dapat siya umasa. Hindi ito ang unang pagkakataong naospital siya, ng walang dalaw. Dapat nasanay na siya. Muli siyang pumikit at nakatulog dala ng gamot na isinalin sa kanyang I.V.

The Pain To RememberWhere stories live. Discover now